Chapter 8

1562 Words
Alexandria POV Pagkahatid ko sa kambal ay dumiretso ako sa coffee shop kung saan kami magkikita ni Atty. Garcia. "Good morning atty. I'm sorry I'm late, hinatid kompa kasi yung kambal saka medyo natraffic." Paghingi ko ng paumanhin kay atty. nag order ako ng mango shake at coffee and custard cake para kay atty. Garcia. "It's okay Miss Williams kararating ko lang din dahil my dinaanan pa din naman ako kanina." Paliwanag niya. "Kamusta po yung pinapaayos ko Attorney?" Tanong ko sa kanya. "Ok na Miss Williams, mamaya ay magpipirmahan kami ni Miss Santillan. Buong 15% na shares nya ang ibinenta niya sa akin. Pagkapirma niya ng contract ay agad ko ito isasalin sa pangalan mo." Paliwanag niya. "Mabuti kung ganun Attorney, maraming salamat sa lahat ng tulong mo sa akin." Pagpapasalamt ko sa kanya. "Walang anu man iyon Miss Williams, kaibigan ko ang mommy. At alam ko din ang naging buhay ninyong mag ina nung nasa poder pa kayo ng daddy mo hanggang sa mamatay ang mommy mo. Your mom is my best friend, hindi ko alam kung may karapatan akong sabihin sayo ang isang bagay na nalalaman kontungkol sa inyong mag ina. Sa tingin ko ay may karapatan ka namang malaman dahil hindi ka rin naman kinikilalang anak ng Daddy mo." Kwento niya. "Ano po ang ibig mong sabihin Attorney?" Naguguluhan kong tanong sa kanya. "Your mom and dad's marriage was fixed. You dad has a girlfriend back then and that was Vivian Santillan. Your mom has a boyfriend, hindi alam ng mommy mo na buntis siya ng ipakasal siya ng mga magulang niya sa daddy mo. Itinago ng buong angkan ng magkabilang side ang toto dahil sa iniingatan nilang pangalan. Napilitang umalis ang daddy mo dahil ipinadeport siya ng pamilya ng mommy mo. Bumalik sa England ang Dad mo dahil wala siyang magawa ng mga panahong iyon. Anak ng mayamang pamilya sa England ang daddy mo, tumakas lang siya noon para hindi matuloy ang kasal niya sa anak ng business parner ng magulang niya. Nakaplano ng magpakasal ang mommy mo at ang biological father mo pero nalaman iyon ng lolo mo kaya't agad nilang isinagawa ang kasal ng mommy mo at daddy mo. Hindi namin alam ng mga panahong iyon ang tunay na katayuan ng sa buhay ng biological apfather mo ng mga panahong iyon. Ang alam namin ay pangkaraniwang toristanlamang siya dito sa Pilipinas. Nito ko lang din nalaman na isa pala sa pinakamayamang tao sa England ng tunay mong ama." Kwento niya. "Alam nyo po ba ang buong pangalang ng tunay na ama ko?. Tanong ko "David Harris Scott, bumalik siya dito sa Pilipinas 5years ago. Nasabi ko sa kanya ang tungkol sa iyo. Gusto ka niyang makita ngunit nung mga panahon na iyon ay hindi ko alam kung nasaan ka. Mabuti na lamang at ako ang tinawagan mo 6months ago. Do you want to meet your biological father?" Tanong niya. "Kapag nabawi nakuha ko na siguro ang kumpanya ng mga Buenavista attorney. Sige po attorney salamat po sa info. Mauuna na po ako." Paalam ko sa kanya. "Kelan mo balak magpatawag ng board meeting sa Buenavista Corporation?" Tanong ni Attorney Garcia. "Pagkatapos ng Launching ng Elite Fashion. Magiging busy kasi ako starting next week." Sabi ko. "I'll give you the documents at contract ng mga shares mo sa Buenavista Corporation kapag naitransfer ko na lahat sa pangalan mo maging ang shares na nakapangalan kay Miss Smith. Just inform me kung kailan handa ka nang magpakilala bilang bagong nagmamay-ari ng Buenavista Corporation." Wika naman ni attorney. "Thank you attorney I'll go ahead." Magalang kong pagpapaalam sa kanya. Hindi ako makapaniwala sa mga nalaman ko. Pakiramdam ko ay punong puno ang utak ko. Mabuti na lamang at nagprisinta si King na siya muna ang susundo sa mga bata. Napagdesisyunan kong magpunta na lamang sa mall para malibang. Pumasok ako sa isang shop ng mga designer bags. Habang namimili ako ng bag ay hindi sinasadyan may nakabangga akong babae na sa palagay ko ay isa din sa mga customers ng shop. "I'm sorry Miss hindi ko sinasadya." Hingi ko ng paumanhin. Pag angat ko ng tingin sa nakabungguan ko ay nakita ko ang isang mga taong nanakit sa akin at nagpahirap. "Kita mo nga naman may lakas ng loob ka pa palang magpakita dito, pagkatapos ng kahihiyan na ginawa mo noh?" Sabi agad ni Venice. "Pwde ba Venice wala akong panahon makipag talo o makipag usap sayo kaya kung pwede lang tigilan mo ako dahil wala akong anu mang ginagawa sayo." Wika ko. "Aba at sumasagot ka na! Eto lang ang sasabihin ko sayo wag n wag kang tutungtong o magpapakita manlang sa mansyon o kahit sa opisina ni Daddy. Dahil ipapakaladkad kita sa mga security." Banta niya. "Wag kang mag alala wala akong balak na tumuntong oang muli sa bahay na iyon." Sabi ko sa kanya saka tumalikod. Kinuha ko na ang bag na napili ko at pumunta sa counter pero sinundan pa din ako ni Venice. "Aba tignan mo nga naman ano, nakabingwut ka ba ng matandang mayaman kaya may pera ka na pambili ng mamahaling gamit? Napaka cheep mo talaga mana ka sa mommy mo." Nagpanting ang tenga ko sa pangiinsultong sinabi niya tungkol sa mommy ko. "Pwde ba Venice nananahimik na sa kabilang buhay ang mommy ko kaya huwag mo siyang idadamay. Tigilan mo ako sa pagiging bit** mo." Maya maya ay dumating ang Manager ng shop at lumapit sa amin. "Good morning Miss A, may problema po ba?" Tanong sa akin ng manager ngunit biglang sumingit si Venice. "Ikaw ba manager dito?" Tanong niya. "Yes Miss. May problema po ba kayo kay Miss A?" Tanong din ng manager. "Alam mo Miss manager wag kang nagpapapasok ng cheep ng customer dito sa shop nyo. Kayo din baka mawalan kayo ng customer dahil sa kanya." Mayabang na sambit ni Venice. "Ahm, sorry Miss pero nagkakamali yata kayo, hindi po isang cheep na customer lang namin si Miss A, regular client namin sya sa London. Hindi nyo po ba siya nakikilala? Siya po ang sikat na Designer at owner ng Elite Fashion na kilala hindi lang sa London kundi sa iba't ibang bansa." Mahabang pahayag ng manager ng shop. "Itong babaeng ito sikat? Mukang nagkakamali kayo Miss." Pangiinsulto pa din sa akin ni Venice. "Siya po si Miss Alexandria Williams, sya po ang Nagmamay-ari ng Elite Fashion hindi po ako nagkakamali." Pagtatanggol sa akin ng manager. "It's ok Miss, here I'll pay for this bag." Iniabot ko sa kanya ang black card ko. Masama pa din ang tingin sa akin ni Venice. "Grabe ang babaeng yun paano nyang nagawang maliitin ang isang sikat na designer ng Elite Fashion. Hindi na sya nahiya." Dinig kong kumenta ng isa sa mga customer. "Mabuti at hindi siya pinatulan ni Miss A, totoo Pala yung mga article tungkol sa kanya na bukod sa talented at magaling sa business, mabait din talaga sya." Wika naman ng isa pang customer. "Sino naman kaya yung nang insulto sa kanya? Siya kaya ang mukang cheep kung ikukumoara kay Miss A." Bulong naman ng isang Staff ng shop. Marami pa akong naririnig na mga usap usapan habang nagbabayad ako sa may cashier. Pagkatapos kong magbayad ay agad kong tinalikuran si Venice na hanggang ngayon ay tulala pa din sa nalaman niya tungkol sa akin. Lumabas na ako ng mall at umuwi na lamang sa penthouse. I feel so exhausted. Nagpadeliver nalang ako ng lunch at nagpahinga. Alas dos ng magsimula akong mag sketch ng mga bagong design sa darating na launching ng Elite Fashion dito sa Pilipinas. Marami rami din akong nagawa ng makaramdam ako ang pagod nahiga ako sa kama ko at di ko namalayan na nakatulog pala ako. Nagising ako dahil sa mga naririnig kong bulungan aking tabi at mumunting mganhalik sa pisngi ko. "Mommy wake up." Panggigising sa akin ni Fire. "I miss you mom." Paglalambing naman sa akin ni Ice. "How's your days twins? Where's Ate Gina and Rita?" Tanong ko sa kanila. "They are in the kitchen mom, preparing some snacks. Daddy buy pizza on our home." Masiglang sabi ni Fire. "Okay, Let's go and have some snacks then." Aya ko sa dalawa. Pagdating sa living room ay naabutan namin si King na nakaupo sa Sofa. Agad siyang lumapit sa amin at iniabot sa akin ang isang bouquet ng red and white roses. "Thank you." Then I smiled at him. "How's your meeting?" Tanong niya. "Okay naman." Sagot ko sa kanya. "You look tired. Is something bad happen?" Tanong niya ulet. Nahalata pa niya na marami akong iniisip at hindi maganda ang naging araw ko? "I'm fine." Walang gana kong sabi. Ayaw kong oag usapan ang nangyari ngayong araw. Hindi naman na siya nagtanong muli. Tahimik lang din ako habang nagmemeryenda kami. Pagkatapos magmeryenda ay nagpaalam si King na aalis dahil may ka meeting dinner meeting daw siya. "Twins take care of your mom ok. She's not feeling well." Bilin niya sa kambal. "Yes Dad."sabay namang tugon ng kambal. "I'll go ahead." Paalam din niya sa akin. "Take care, and thank you ulit sa flowers." Ani ko. "Bye twins." Paalam niya sa kambal "Bye Dad, take care." Sabi naman ni Fire at Ice. Pagkaalis ni King ay nagsimula namang magkwento ang kambal sa kung ano mang ginawa nila sa opisina ng daddy nila. Mukang mamimihasa ang mga ito na magpunta doon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD