Chapter 4

1260 Words
King Zandrew POV "Mark can you set an appointment to the representative of Elite Fashion. And also prepare the contract ng Emerald Mall at Elite Fashion." "Ok sir, anything else?" Tanong niya. "Maybe my friends will arrive before lunch please order lunch for Us, and also for you. Order kana din ng drinks." Bilin ko sa kanya. "Ok sir." Pagkalabas ni Mark ay hinarap ko na din ang mga proposal na kailangan kong basahin at pag aralan. Mabilis na lumipas ang oras. Maya maya ay sunud sunod ng nagdatingan ang mga kaibigan ko. "Bro, pasensya na di ko na na isend yung info about Miss A. Kakahatid lang din kc ng tauhan ko." Bungad agad ni Phoenix. Inabot niya sa akin ang brown envelop na galing sa tauhan nya na PI. Muli namang pumasok sa office si Mark at ipinasok ang mg ipin order kong lunch. "Let's eat first Bro, lalamig mga pina deliver kong pagkain." Agad naman kumuha ng pagkain nila sina Jackson at Traviz. "Nabasa mo naba mga laman nyan?. Tanong ko kay Phoenix. Umiling lang siya. "Hindi Bro, dumiretso ako dito pagkakuha ko nyan." Sabi naman niya. Umupo na din kami sa tapat na upuan ng dalawa naming kaibigan at sinimula na ding kumain. Matapos kumain ay agad kong binuksan ang envelope na dala ni Phoenix. "Kaya pala hindi ko sya mahanap surname pala ng mommy nya ang ginamit nya." Bulong ko na nakaabot din naman sa pandinig ng mga kaibigan ko. "Alexandria Alcantara? Paanong naging Williams ang Last name nya, is she Married!" Tanong ni Traviz. "Nope, nakalagay dito na inamoon siya ng isa Zara Williams after a year ng stay niya sa London. At sa kanya ipinamana ang mga ari arian ni Miss Williams." Tanging sambit ko habang binabasa ang report. "So itinakwil pala sya ng sarili niyang ama matapos yung nangyari sa inyo 6 years ago." Saad ni Jackson na nakikibasa na din sa report. "Kahit ako ay hindi ko rin alam kung bakit nasa iisang kwarto kami nung gabing yon, at tingin ko pinainom din sya ng aphrodisiac nung gabing yon kagaya ko." Baling ko sa kanila. "Hindi kaya set up yung nangyari? Diba kumalat din yan sa social media pero agad nawala ang viral na pictures. Buti nga at hindi kita ang mukha mo. Parang c Miss A ang target ng nagset up." Sabi naman ni Phoenix. "Dude pwde mo bang paimbestigahan yung nangyari sa party nung gabi na yon? Siguradong kahit papaano ay may mga kuha ang cctv sa hotel na yon." Binalingan ko si Phoenix. "No problem Dude, bakit hindi mo din kausapin si Miss A, baka may hinala sya kung sino may kagagawan sa nangyari sa inyo?" Suhestyon naman ni Phoenix. "Well pwde rin, sa katunayan doon sila tumutuloy sa Hotel na pag aari ko. Nasa isa pent house sila katabi ng penthouse ko." Pinakita ko yung nakalagay na current address nya dito sa Pilipinas. "Destiny yan bro, kita mo at kalapit mo lang pala sila." Bulalas naman ni Traviz. "Tignan mo ito bro, namatay yung mommy ni Miss A 5 years bago yung insidente na nangyari sa inyo. Two years pagkamatay ng mommy nya nag asawa yung daddy nya. Step mother nya si Vivian Santillan at may anak itong si Venice Santillan." "Eto pa, nakapangalan kay Venice yung 15% ng Buenavista Corporation. Pero walang nakapangan kay Alexandria Buenavista na nag iisang anak ni Alfredo Buenavista." Wika naman ni Traviz. "Paanong nangyari na 40% nalang ang hawak ni Alfredo Buenavista at 15% naman kay Venice. 20% shares ay nakapangalan kay Loraine Smith and 25% naman kay Alexandria Williams. Palagay nyo alam ni Mr. Buenavista na ang Alexandria Smith na nagmamay-ari ng 25% shares ngayon ay ang anak na itinakwil nya?" Tanong ni Phoenix. "Well, basically may karapatan naman sya sa company ng magulang nya, pero tingin ko hindi namamalayan ng ama nya na inuunti unti nyang kuhanin ang majority shares ng kumpanya. Napakadaling ililat ni Miss Smith ang 20% shares kay Miss A." Sabi ni Jackson. "Revenge." Tanging nasambit ko. "Maari nga, dahil sa pagpapalayas sa kanya. Isipin mo sa edad nya noong mga panahong iyon gaano kahirap mamuhay ng mag isa at nagbuntis pa sya." Sabi ni Traviz. Nakaramdam ako ng sakit sa aking dibdib isipin palang ang hirap na dinanas niya nung mga panahong iyon. Proud pa rin at the same time dahil naitaguyod nya ang mga anak nya. Kailangan ko ng alamin kung mga anak ko nga ang kambal. "Matalino si Miss A, at siguradong mas magtatagumpay pa sya sa business. Dahil hawak nya ang Elite Fashion tapos ngayon kapag nakuha nya ang majority shares ng Buenavista Corporation pati ang garments production company ay makukuha nya." Wika ni Phoenix. "Walang tapon bro, mula garments hanggang production ng mga fashion clothing! Ibang klase mag isip si Miss A." Humahangang pahayag ni Jackson. Makalipas ang halos isang oras ay pumasok sa office si Mark. "Sir nag email na po si Miss Loraine. Miss A will attend the meeting tomorrow at 9:30am ." Imporma niya. "Ok Mark, Thank you." Agad din naman siyang lumabas ng opisina. "So magkikita na pala kayo bukas, pagkakataon mo na bro." Sabi ni Traviz. "Ayaw kong biglain sila bro. Baka matakot siya at akalain niyang ilalayo ko ang mga bata sa kanya kung sakali mang mga anak ko nga ito." Sabi ko naman. "Diba matagal mo naman syang hinanap, bakit di mo ligawan?" Komento naman ni Jackson. "Dadating tayo dyan bro, syempre hindi ko na sya pakakawalan. Ngayon pang natagpuan ko na sya, bonus pa na may anak kami." Sabi ko. "Siguraduhin mo munang anak mo Dude." Sabi naman ni Traviz. Gagawin ko talaga yon, gagawa ako ng paraan para masigurong anak ko ang kambal bago ako kumilos. "Pano bro mauna na ako umalis, my meeting pa ako mmyang 4pm." Paalam ni Jackson. "Ako din bro, my flight ako tonight, uwi na din ako." Sabi naman ni Traviz. "Alis na din ako bro, tatawagan nalang kita kapag may update na tungkol sa pinapaimbestigahan mo." Paalam din ni Phoenix. "Sige mga bro, salamat sa inyo." Nang makaalis sina Phoenix ay tinawag ko si Mark. "Mark can you contact the Buenavista Corporation? I wang to invest in that company mas okay kung makakuha tayo ng shares doon." Utos ko kay Mark. "Ok, Sir. Anything else sir?" Tanong niya. "Can you clear my schedule after my meeting with Miss A?" Ani ko. "Sure Sir, actually nagcancel din po si Mr. Chan sa meeting nyo tomorrow afternoon, nagka emergency daw po, kailangan nya umalis ng bansa." Sabi niya. "Ok, that's all. Thank you Mark." Wika ko. "You're welcome Sir, I'll go ahead." Paalam niya, saka lumabas na ng opisina. Bandang ala sinko ng hapon ay nagpasya na akong umuwi. Pagkatapos namin mag dinner ay nagpaalam agad ako kina Dad na magpapahinga na. Kinabukasan ay maaga akong pumasok sa opisina. Pagpasok ko palang sa lobby ay binabati na ako ng mga empleyadong nadadaanan ko. Diretso lang ako hanggang sa makarating sa private elevator ko. "Mark ok na na yung contract for Elite Fashion?" Tanong ko agad kay Mark pagpasok ko sa opisina. "Yes Sir, I already put on you table." "Thank you." Agad akong pumasok sa opisina ko. It's still early kaya tinapos ko ng pirmahan ang mga documents na kailangan kong pirmahan. Iniisip ko kung ano ang dapat kong gawin para mapalapit sa mag iina ko. Alam kong wala pa akong katibayan na mga anak ko sila pero nararamdaman ko ang lukso ng dugo sa kanila. Sa Airport palang ay iba na ang nararamdaman ko sa batang iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD