Alexandria POV Pagbaba namin sa ground floor ay naabutan namin sina ate Gina na ipinapasok ang mga gamit namin na kinuha mula sa pent house. "Ate Gina pakidala nalang po sa Third floor yung gamit namin ni King ako n a po ang mag aayos. Yung sa kambal naman po sa second floor yung unang magkatabing room po sa tapat ng library." Bilin ko sa kanila. "Pumili na din kayo ng kwarto ni Rita. Mag hire nalang ako ng mga tagalinis at taga luto sina Ice at Fire nalang po ang alagaan nyo." Bilin naman ni King sa kanila. "Sige sir. Ang laki pala ng bahay nyo. Nakakalula!" Sabi ni Rita. Natawa naman si King sa reaksyon niya. "Dito na din kayo titira kaya sa atin ito." Wika naman ni King. Mag elevator kayo pag inakyat nyo yang mga gamit para di na kayo mahirapan." Bilin sa kanila ni King. "Sige si

