Third Person POV "Ano? Paano nilang nalaman na ako ang may pakana ng nangyari kay Lexie 6 years ago?" Tanong niya sa kaibigan niyan si Miles. "Venice nagtanong tanong ako sa hotel na pinagdalhan natin kay Lexie noon, pag-aari pala iyon ng mga Saavedra at nakuha nila yung mga footage mula ng dalhin natin doon si Lexie. At alam mo ba ang nalaman ko? Si Mr. Saavedra pala ang nasa video na iyon dahil kwarto ni Mr. Saavedra ang napagdalhan natin sa kanya. Kaya madali para sa kanya na paimbestigahan ang nangyari." Wika ni Miles. "Ano na gagawin natin ngayon? Hawak nila sa leeg sina Jayson dahil kapag hindi sila tumestigo laban sayo pababagsakin ng mga Saavedra ang negosyo ng mga pamilya nila. Kaya wala silang magawa para matulungan tayo. Aalis ako ng bansa ngayong gabi, hindi na kita matutulu

