Alexandria POV "Baby, what if maglagay din tayo ng Elite Fashion Boutique sa iba pang Mall at Hotels ng Saavedra Empire?" Suhestiyon ni King. Napaisip naman ako sa Idea niya. "Magandang Idea love, pero focus muna siguro kami sa isang Branch muna. Kakausapin ko din si Loraine na maglagay ng boutique sa Emerald hotel, dahil uso din yon sa London, karamihan kasi ng mga nagchecheck in sa hotel na mga tourist nagpupunta pa ng mall para bumili ng damit." Pag sang ayon ko kay King. Mabilis na lumipas ang mga araw bumalik na din sa England sina papa dahil kailangan niyang asikasuhin ang businesses niya doon. Next week na ang opening ng Elite Fashion Boutique. Nakaplano na din ang pagpapagawa namin ng sariling building sa tabi ng Emerald Empire as King's request. Para daw magkalapit lang ang m

