Alexandria POV Dalawang linggo na ang lumipas mula ng mangyari ang pag kidnap sa mga anak namin ni King. Mabuti na lamang at walang naging masamang epekto ang nangyari sa mga anak namin. Hindi na muna ako pinapasok ni King sa trabaho para mas matutukan ko ang kambal pati na rin ang aking pagbubuntis. Pansamantala ay si Loraine muna ang ang namahala sa opisina. Inuuwi na lamang ni King ang mga documents na kailangan ko para sa Elite Fashion Boutique. Naging busy si King dahil hindi lang isang Kumpanya ang hawak niya ngayon. Tinutulungan na rin niya si tito Xander at papa sa Buenavista Empire. Lagi ring wala sa bahay sina mommy pati na rin si Hera. Kaya heto ako ngayon naiinip dahil walang mapagkaabalahan. Nitong mga nakaraang araw ay maaga siyang umaalis at hating gabi na din kung umuw

