Kabanata 3

1840 Words
Flashback of my childhood memories through a dream... Ngayon ang araw ng paglilipat namin ng gamit sa dormitoryo ng school. As usual medyo kabanas kasi ang lakas ng ulan. I hate rain a lot. Feeling ko ang lungkot lalo kapag naulan. Ewan ko ba. Hindi talaga pabor sakin pag maulan ang panahon. Bukod sa nakakabasa nalulungkot ako. Kahit wala namang dapat ikalungkot. "always spacing out, sistah."ayan nanaman si Mars. Tsk. Imbis na pansinin ko kinuha ko nalang ang ipod ko at nagsoundtrip. Isa pang dahilan kung bakit ayoko sa ulan. Dahil lalo akong inaantok. Napahikab nalang ako. Hanggang sa nakatulugan ko na ang pagod dahil sa paglilipat na tinapos namin. Flashback: "Gia!!!!!!"panay ang sigaw ni Mommy sa pangalan ko. Naulan ngayon dahil may bagyo. Nasa probinsya kami ngayon. Makulimlim. Bata pa lang ako tahimik na talaga ko. Ayoko sa mga tao. Ayoko sakanila. Wala silang kwenta. Habang naglalakad sa may highway may nakita akong bata. Nakawhite siyang damit. Tinitingnan ko lang siya habang nahakbang sa mga bato bakit di ko makita ang muka niya? "Rain Rain Go away Come again another day little children want to play! Rain Rain go away Come again another day little children want to play!"malumanay na kinakanta ng bata, ng biglang umihip ang malakas na hangin at sa di sinasadyang pagkakataon nadulas siya at nahulog. Dali dali akong lumapit sakanya para sana tulungan siya kaya lang. Nung tiningnan ko siya nakalutang siya at nakatingin ng masama sakin. I was shock and dumbfounded. "Gia anong ginagawa mo diyan?"usisa ni Mommy sakin. Paglingon ko wala na doon yung bata. Imbis na pansinin ko si Mom nilagpasan ko nalang siya. Ayokong sabihin sakanya ang nakita ko. Matatakot nanaman siya. Yeah my third eye is active. Alam nilang lahat yun dahil madalas akong makakita. At sinasabi ko naman kina Mommy naniwala naman sila. Habang naglalakad pabalik ng white house tatawid na sana ako ng may paparating na sasakyan at --- Peep! Peep! Peeeeeppppp!! Tiningnan ko kung tumigil ba o buhay pa ba ako. What the hell?! Naglaho yung sasakyan. Hindi ko alam kung bakit ganoon. Nagririgodon ang puso ko sa matinding kaba at takot. Di ko nalang pinansin at nagtungo ako sa may duyan. Sumipol ako para tawagin si Moon ang alaga kong squirrel. Lumabas naman ito. "oh? Nagugutom kana ba moon?"naglambing lang sakin si moon. Winagayway niya yung buntot niya at dinikit ang muka sa kamay ko. Gutom na nga siya. Ganito ang madalas niyang ginagawa kapag nagugutom siya kaya alam ko na ang gagawin kapag ganito siya. "Tara papakainin na kita."sabi ko kaya sumakay siya sa balikat ko at nagsimula na akong maglakad papuntang white house nang makita ko si lola na pumasok. Pero bakit ganun? Walang paa si Lola? Binilisan ko ang paglalakad at dumiretso sa loob ng bahay. Hinanap ko si lola sa buong bahay pati mga kwarto hinalughog ko na habang sinigaw ang pangalan ni Lola. "Lola Bi! Lolaaaa!"patuloy na pagsigaw ko. Nagulat ako ng nahulog lahat ng picture frame sa ibabaw ng tv. *Craaak* Nabasag ang mga iyon. Pinulot ko iyon at inayos nagdiretso na ako sa huling lugar. Sana andito si Lola. Papasok palang ako nang may dumaang hangin sa harapan ko paglingon ko si Lola . "La!"biglang naglaho kaya nagumpisa na akong kilabutan. Eto nanaman ako, yung mga death threat o kahit anong ugnay sa kamatayan ng isang tao at aksidente kung di ko mapapanaginipan may mga sign o symbol na magpapahiwatig na may mamatay. At gaya ng mga nangyari at nakita ko noon nagkakatotoo. Pagpasok ko sa kusina nakita ko si Lola. Nakahandusay sa sahig habang mulat na mulat ang mga mata. Nanlamig ako sa sobrang takot at panghihina ng tuhod. Hindi ako makasigaw. Natulala lang ako roon. Naramdaman kong nanginginig na kami parehas ni Moon. Hanggang sa nagkaroon ako ng lakas ng loob sumigaw. Sobrang natatakot talaga ko. Hindi ko alam ang aking gagawin. "Lolaaaa!!!!"sigaw ko. Dumating si Mommy at ang huli kong naalala. Nahimatay ako. End of Flashback ~ Naalipungatan ako nang marinig ang boses ni Glayza. Kanina pa pala nila ko ginigising. Pinagpawisan ako ng malamig roon. "Gi, gising na. Kanina kapa namin ginigising ni Mars."aniya sa nag aalalang tono. Naramdaman ko ang pagtapik sakin ni Venus kaya iminulat ko na ang mata ko. "Nanaginip ka nanaman ba Gi? Yung noon parin ba?"she asked. I just nodded. Alam nila, dahil kinuwento ni Mommy. I sighed. Gumala kami sa buong University at umattend ng mga event. Nang mapagod ay umuwi kami sa Dorm. Nagluto si Glayza ng pagkain namin. Kumain lang kami ng hapunan at nagpahinga ng maaga. Naalala ko yung ginawa namin kahapon.. "Nasa school na tayo!"masiglang saad ni Mars. Umirap lang ako at nagsimulang kunin ang gamit ko bago bumaba ng Van. Tinulungan naman ako ni Manong Cario sa pagbitbit ng mga baggage ko. Nagpasalamat ako rito sa pagtulong sakin. Sinalubong ako ng Security Guard at nag Good Afternoon Ma'am lang siya. Sinwype ko na yung I.D ko saka dumiretso sa loob at nagtungo sa Dormitoryo ng mga kababaihan. Napakarami naming gamit kaya nahirapan kami at napagod sa paghahakot mula sa sasakyan namin. Mabuti at dumating sila Thunder oara tumulong. Masyadong madami ang gamit namin at malalaki pa ang mga durabox na gamit naming tatlo. Nakakainis si Dad hindi man lang naghire ng pwedeng maghakot. Hinayaan niya lang kami. Mga babae pa man din kaming tatlo. Naiirita kong ibinagsak ang bag ko sa kwarto. Konti nalang matatapos na rin kami. Maayos na ang interior design ng buong kwarto. May CR na kami sa loob ng mga silid namin at kumpleto na sa gamit. May allowance na rin kami na good for one year. Sobra sobra iyon. Pero ayos lang dahil mayaman naman ang pamilya namin. Lumabas ako para uminom ng malamig na tubig. "Thank you sa pagtulong samin." nakangiting sabi ni Glayza at Glayzie. Nagpasalamat na rin ako. They smiled at us at nagbiro si Sousuke na ilibre daw namin sila ng Pizza. Kaya nagpizza kami sa Malapit na Pizza House. Meron noon sa loob ng University sobrang laki kaya nito. Sama sama kaming nabusog. Hinatid lang kami nila sa loob ng Dorm namin bago sila nagpaalam para umalis. Doon na bumuhos ang ulan. Pinagmamasdan ko sila habang magkakasama kami. Hindi makakaila ang kagwapuhang taglay ng mga ito. Bumili ng Payong si Shino at Thunder para sa aming lahat. Hawak ngayon ni Thunder ang payong at pinayungan ako. Ganoon naman ang ginawa ni Shino at Sousuke. Siya ang nagpayong sa dalawa kong kapatid. I smiled nang di nila nakikita. Bagay ang dalawang magkasama sila Shino at Glayza tapos sila Mars at Sousuke. Hinatid nila kami sa Dorm at halos mabasa na kami sa ulan. "s**t! basa na tayo!"mura ni Mars at Shino. "Kaya nga, mag anlaw nalang tayo agad mamaya pag dating para di magkasakit."sabi naman ni Glayza na sinang ayunan namin. Napakalamig rin. Kaya nagulat ako nang tanggalin ni Thunder ang jacket niya at sinuot sakin. Napansin nila iyon at nakaramdam sila ng kilig. "Yiee, sana all."sabi nila. Natawa nalang kami ni Thunder. Nakangiti ako habang naglalakad kami. Halos mapunit naman ang labi ni Thunder sa pag ngiti gaya ko. Napakasuwerte ng babaeng mamahalin nito. Dahil napakamaalalahanin at gentleman. "Swerte ng babaeng mamahalin mo."sabi ko bigla. Napahawak ako sa aking bibig dahil sa sinabi ko. "maswerte ka kung ikaw yun.."aniya saka nag patuloy sa paglalakad. Pagdating namin sa Dorm ay nagpaalam na kami sakanila. Nakatext ko naman si Thunder at nagpasalamat ako ulit rito. "Thank you sa pagtulong at paghatid samin."sabi ko sakanya. Nagreply naman to agad. "Oo, wala yun. Anytime. Kapag kailangan mo ng tulong just text me. Darating ako agad."aniya. Kaya napangiti ako. Thunder is a really good man kahit kasing cold ko siya. Mas malala lang ako. Nagkakasundo kami. Naiilang lang talaga ko sakanya kung minsan. Nakatulog ako ng may ngiti sa labi. Napanaginipan ko pa siya. Naglalakad daw ako noon sa hallway at habang naglalakad. Napansin ko na may lalaking nakasandal sa pader ng school..May hawak itong palumpon ng rosas. Lalagpasan ko na sana ito nang humarang siya sa harapan ko. Nilahad niya ang hawak niyang bouquet at sinabing... "Gustong gusto kita. Sana pumayag kang maging akin?"aniya. Natigilan ako roon at nang mapansin ko ay si Thunder ito. Namula ako sa sinabi niya at literal akong tumango. "Yes!!!!"sigaw niya habang nasuntok sa hangin at nagtatalon. I smiled at him. Natuwa rin ako lalo na nang buhatin ako nito at iikot ikot. Napakalakas ng kabog ng aking dibdib roon. Sino ba namang hindi? kung kagaya niya ang magiging kasintahan ko? Nagdate kami sa school. At maraming estudyante ang nainggit. Dahil sikat si Thunder, varsity siya at miyembro pa ng Student Council. Napakatalino at napakatalented niya. Kaya halos lahat nagkakandarapang mapansin at maging jowa niya. Luckily, sakin ito nagkagusto. Kaya gagawin ko lahat para lang magtagal kami. Sabay kaming nasayaw noong Prom at magkasama kami lagi mapasaan man magtungo. Kahit sa Canteen at Gymnasium. Proud itong ako ang kasintahan niya. "girlfriend mo na pala si Gianna?"sabi ni Ruru. Tumango si Thunder at sinabing.. "Oo kami na. Ang swerte ko no?!"mayabang niyang saad na kinatawa lang namin. "Oo ang swerte mo nga! Naunahan mo kaming pumorma sakanya."sabi nila. Napailing nalang ako saka inabot ang hawak kong mineral bottle. Uminom agad si Thunder roon. Pinunasan ko rin ang pawis niya. Katatapos lang nilang maglaro ngayon ng Basketball at sila Thunder ang panalo. As usual, wala naman talagang makatalo sa mga ito. Sobrang gagaling maglaro pang international ang galawan kaya maraming nahanga at nanonood. Nakakawili sila panoorin. "Next time laro ulit. Kapag tapos ng exam."sabi nila Thunder. Tumango naman ang ibang team na taga section Virgo at Sagittarius. Ang gagaling din nila kaya lang mas lamang talaga sa liksi at depensa ang team nila Thunder tapos mga shooter pa. Kaya walang pag asa ang kalaban e. "Nagugutom kana ba? tara kumain.."aya niya. Sumama naman sila Shino samin..Tumango ako. Kumalam na din sikmura ko kanina pa. Kaya ayun, sumama ako sakanila. Sabay sabay kaming kumain..At si Thunder siya talaga lagi ang naorder at nagbabayad ng pagkain namin..Nahihiya na nga ako kaya lang sabi niya hayaan ko daw siya. Gusto niya daw ng ganoon. Kaya wala akong nagagawa kundi ang pumayag sa gusto niyang mangyari. Nasali rin kami sa mga wedding event at natingin sa School Bazaar tuwing may Festival sa amin. Binibilhan ako nito ng kung ano ano. Kahit sabi ko wag na. Siya naman daw ang gagastos kaya hayaan ko siya. Napangiti nalang ako sa inaasal nito. Lalo na nang halikan niya ko sa harap ng maraming tao nang magpakasal kami sa wedding booth. Nakakakilig iyon sobra. Nahuhulog na rin talaga ako sakanya. At aminado akong crush ko talaga siya noon pa man. Walang pagbabago. Siya pa rin talaga kahit anong gawin ko. "Gosh ang gwapo niya talaga! swerte mo naman girl."bati nila Izmi. Natawa ako sa sinabi nito. "Oo na wag kanang mamuri. At baka lumaki pa ang ulo ko niyan."natatawa kong sabi. Ngumisi lang siya at napahampas sakin. Palagi kaming kinikilig kapag nandyan si Thunder at hahalik sakin. Lalo na kapag sinusundo ako nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD