Nang sumunod araw ay magkakasama nanaman kami sa Basement. May mga dinala roon para patayin at pag experimentuhan namin. Kaya labis ang kasiyahang nararamdaman ko dahil magagamit ko nanaman ang aking mga new inventions na weapons may halong lason ang mga ito using different plants and flowers.
Nagkukumahog na makatakas ang anim na katao roon pero hindi sila makawala. Tinurukan ko sila ng lason na ginawa ko. Naparalisa sila roon. "Enough. Masyado kayong malilikot. Hindi ako natutuwa sainyo mga animal."naiinis kong sabi rito.
Hindi na sila makapagsalita at makagalaw kaya nagsimula na kaming balatan ang mga ito. Hindi pa nakuntento ang mga kasamahan ko at pinahirapan pa sila. Binuhusan nila ito ng mainit na tubig.
Napahiyaw sila sa sakit.
Anaia Point Of View
Bago ang lahat nakaranas ako mapadalhan ng sulat at asual na rosas. Habang naglalakad paalis sa library ay may humila sakin sa buhok at iniuntog ako sa pader.
Halos maiyak at mahilo sa lakas ng pagtama ko roon. May pumupokpok pa sakin. Nakangisi lang siya habang pinupukpok ng martilyo ang ulo ko. Wala akong ibang ginawa kundi umiyak ng umiyak at sumigaw ng saklolo. May naglakad palapit sakin. Nakita ko lang Ang daming thumbstuck na dala nito. Napangiwi ako sa sakit ng ulo ko. Lalo na ng ibaon niya iyon isa isa. Ngiting ngiti pa siya habang ginagawa ang karumaldumal na pag patay sakin. Mga walang hiyaaa! Napaiyak ako ng todo sa sakit. Umiiyak na ko ng dugo at nanghihina na sa sobrang sakit ng ginagawa nila sakin. Hindi ko na kaya ang pagpapahirap na ginagawa nila sakin. Nanlalabo na rin ang aking paningin at napakahapdi noon.
Wala na akong makita. Napahiyaw ako nang may bumaong kutsilyo sakin at may nagbabalat samin.
"kyaaaaaaaaahhhh!!"sa ingay ko. Nairita na siya. Kaya pinutol na ang dila ko. May nagturok pa sakin na nakapagpamanhid..Hindi sila nakuntento pinaliguan pa kami ng galing sa kumukulong tubig. Grabe ang dinanas namin sa mga ito..Hanggang sa bawian na ko ng buhay.
Sa mga sumunod na araw ay naging normal na ulit ang kaganapan sa buong school. Nagkaroon ng normal na klase at event na inaattendan ng mga estudyante.
"Gianna, tara na."aya ni thunder sa babae. Tumango si Gi at sumunod rito. "Nasaan ba ang mga kasamahan natin? bakit tayo lang rito?"tanong ni Gi. Kinakabahan siya kapag kasama niya ito dahil may gusto siya kay Thunder at nagwawala ang puso niya kapag kasama niya si Thunder. Ganoon rin naman si Thunder at masaya siyang kasama ito kahit na hirap siyang iparamdam na gusto niya talaga si Gianna. Dahil akala niya manhid ang dalaga.
Nakarating sila sa Olympic Pool at pinanood sila Shino na makilahok sa pagswiswimming napagaling at napakabilis nitong maglangoy. Siya nanaman ang naging pangalawa.
"Galing talaga ni Shino no?!"tili ng mga babae roon. Napalingon lang si Gi sa mga ito. At parang mga mailap na tupa na nagsialisan roon sa puwesto nila.
"Hayaan mo na sila. Magfocus ka nalang sa panonood."sabi ni Thunder kaya winaksi ni Gi iyon sakanyang isipan.
Nang matapos ang ikatlong paligsahan lumapit na sakanila si Shino at nagyakag kumain. Nakabihis na ito at sobrang itim dahil sa tirik na araw.
"Itim mo pare."puna ni Thunder. "nakikita mo na nga e sasabihin mo pa, gago."naasar na sabi ni Shino. Umakbay naman siya kay Gi na kinasama ng aura at mood ni Thunder. Buti dumating si Glayza at nagawa niyang ibalin ang atensyon niya rito. Kilig na kilig naman si Glayza dahil si Thunder ang isa sa pinaka sikat at pinakagwapo sa buong Campus. Mayabang siyang kumapit sa braso nito.
"Kakain kayo? sama kami."aniya sa malanding tono. Tumango lang si Thunder at hinayaan ito. Nakaramdam naman ng matinding selos si Gi roon. Kaya nag iwas siya ng tingin..Napansin iyon ni Shino kaya inilabas niya ang regalo niya kay Gi. "Gi, para sayo."binigay niya ang keychain na gawa sa bulaklak..Napakaganda noon at nagustuhan iyon ni Gianna. Napamulat si Glayza at nakaramdam ng inggit. "Wow! ang ganda. Sana all. Daya mo shino ah..Kay Gi ka lang nagbigay ng ganyan."aniya sa naiinis na tono. Natawa nalang si Shino. "Pasensya na."aniya habang nakamot sa batok.
Pagdating nila sa Canteen kasama sila Mars ay naupo sila sa table ng mga Ilustrado at sabay kumain sa mga ito. Nagtinginan naman ang mga tao sakanila dahil sama sama ba naman ang mga sikat at kilala sa buong Campus. A rare sight iyon para sakanila.
Nagkanyahan silang order bago nagkuwentuhan. "Nakapag gawa na kayo sa Entrep?"tanong ni Coo. "Oo. Kanina pa. Bukas na pasahan non."sagot ni Glayza. Nanatiling tahimik si Gi habang dinadaldal ni Mars si Shino.
"Shi, akin nalang medal mo marami ka na naman non e."ani Mars. Napangiwi naman si Shino rito. "bakit? wala ka namang pag gagamitan non."aniya habang kakamot kamot. "wala lang. Trip ko lang."aniya sa baliw na boses. Napailing si Shino rito. "sige. Kunin mo nalang sa locker ko."aniya saka inabot ang susi nito sa babae.
Nang matapos silang magsikain ay nagtungo sila sa Rooftop para magpahangin. Saktong makulimlim at walang araw pero may hangin. Kaya tamang tama ang punta nilang lahat doon. Naglaro sila ng paltok bola at sila Thunder ang panalo. Kagagaling kasi nito lalo na si Gi. Napaka competitive na babae. Kaya hinahangaan ng lahat e. Bukod sa matalino magaling rin maglaro.
"Daya niyo naman. Amin naman si Thunder at Gi..Hindi na kami manalo nalo e.."reklamo ni Maa. "Wag nalang mag laro."naasar na sabi ni Coo.
"Mabuti pa nga tama na lang yan. Kesa magkadayaan pa..Nasainyo magagaling unfair!"sabi ni Naa.
Bumaba na sila sa Rooftop at umattend ng afternoon class. Natulog lang si Gi at Dax sa klase..Sobrang boring kasi nito at nakakaantok talaga. Kaya nagpasya ang ibang matulog na. Lalo na si See mahilig matulog ang isang ito.
Nagising sila nang matapos ang klase. Saktong vacant kaya natulog sila ulit. Ngayon lang kasi inannounce na walang teacher. Naabala pa tuloy ang mga natutulog. Natamaan ng bola si Dax sa ulo kaya nag init ang ulo nito at ibinalik sa bumato ang bola. Sapul iyon sa muka at dumugo ang ilong. Napangisi naman ang iba sa nangyari. Mga tuwang tuwa pa kapag may ganoong kaganapan mga baliw talaga.