CHAPTER 4 You Again?

2370 Words
Venus Marshall. Nahigit ko ang hawak sa leather door nang napako ang mga mata ko sa preskong babaeng 'yon na prenteng nakaupo sa halatang mamahaling swivel chair n'ya. Gosh, her face boils my blood and I can feel it running to my face. "You again?" Pigil ang inis na sabi ko. But when I realize something, it kinda snaps into my brain. Sh*t! "Wait, you're "The" Halil Constantine?" I air quoted it to emphasize it more. Oh my god, buong akala ko ay lalaki ang isang Halil Constantine? Isang matandang matabang Halil Constantine ang inaasahan ko, pero ito pala s'ya? That b*tch who freaking slapped my butt? She stood up with all the grace. Itinuwid nito ang kaniyang halatang mamahaling black blazer at kung noong una ko siyang nakita ay nakalugay ang mahaba at alon-alon nitong buhok, ngayon naman ay nakaayos ito into a pony tail at naka braid pa, litaw na litaw tuloy ang features ng nakakainis niyang pagmumukha. She has a pointed nose, thin lips, perfectly shaped eyebrows, and almond-shaped eyes, even her eye color is the exact color of an almond. Even with an evil smirk on her lips, she still has that baby face-like feature. Ang bait-bait niyang tingnan but I know better. I know that she's a devil underneath. My gut tells me that. At hindi pa naman ako nabibigo ng gut feeling ko. "You speak tagalog, right?" That actually caught me off guard. Gosh, sa dinami-rami nang puwede niyang itanong, iyon talaga? She circled her table saka ito sumandal ng upo sa center edge ng all glass table n'ya. "Maupo ka, Miss Marshall at pag-usapan na natin ang ipinunta mo rito." She gestures the single couch chair to me kaharap ng table n'ya pero matigas akong umiling. "Nope, I won't sit there until you tell me what do you want from me." Humalukipkip ako as I stand my ground. Kita kong bahagyang tumaas ang sulok ng kaniyang kilay pero bumalik din naman sa pagiging stoic ang mukha nito. "Okay, be my guest. Bahala kang tumayo riyan." Kibit balikat itong tumalikod para kuhanin ang isang mamahaling cellphone sa table n'ya at kinalikot iyon sandali at nang matapos ay iniharap n'ya iyon sa akin. "This is you, correct?" Kinapulaan ako ng mukha nang makita na naman ang walanghiyang profile ko sa sugarbook website na ginawa ni Kelly. Gosh, nakakahiya. "At nakasaad din dito sa messages mo na pumapayag ka nang makipagkita sa akin para pag-usapan ang terms and conditions nating dalawa." "Wa-wa-wait, so you're saying na ikaw nga talaga si Halil Constantine?" Hindi talaga kasi ako makapaniwala eh. It's f*cking hard to believe it. Though, I know it's my fault in the first place, hindi ko kasi tiningnan ang profile picture ng kausap ko nang dahil sa sobrang occupied ang utak ko sa napakarami kong problema. Umalis s'ya sa kaniyang table and that's when I saw her name in all capslock on the table sa isang gold desk nameplate and it says, "Halil Dela Questa" at sa baba 'non ay nakalagay ang, "President & CEO of Dela Questa Holdings." My round eyes grew wider in shock when I realize to whom I'm speaking with. Sh*t! S'ya ang founder ng PlanetX! Ang nag-ma-manufacture at nag-la-launch ng mga advanced rockets and spacecrafts. "Now you see me, so tell me, how much?" Awtomatikong umarko ang kilay ko sa narinig. "What is that again?" I asked. Maybe I just misheard it. I saw how her eyes glint in amusement. I can also see that she's enjoying this. "I said, how much? In tagalog, magkano ka?" Nasa boses n'ya ang panunuya. Feeling ko ay umakyat na lahat ng dugo sa mukha ko sa sobrang inis sa babaeng ito but I didn't give her the satisfaction of seeing me losing my temper again. No, not this time. "Well, thank you for your time but sorry to inform you, I'm not for sale. Aalis na ako." Tumalikod ako at akmang bubuksan ang leather double door nang magsalita muli ang gagong babaeng 'yon. Napatigil ako. "Think about this, you can have a very good car, a town house or condo and most importantly, a sh*t loads of money that can support you and your studies and even your bills. This is a one time opportunity, Miss Marshall. Ang ganitong oportunidad ay hindi na dapat pinag-iisipan o pinapalampas pa. Do you know how many homeless people are there in the streets of Manhattan right now, Miss Marshall? Gusto mo ba talagang dumagdag sa population ng mga homeless people in New York?" Kahit hindi ako lumingon para tingnan s'ya, I know that she's smirking right now. At wala akong ibang gustong gawin kung hindi burahin ang nakakainis na ngisi sa mukha n'ya ngayon pero hindi ko iyon gagawin dahil hindi ako kagaya n'ya na napakaliit ng tingin sa mga taong kagaya ko. "Yes, I maybe struggling right now, Miss Inappropriate, but I won't degrade myself for money and material things," binuksan ko ang double door at bago ako tuluyang lumabas ay tinapunan ko s'ya ng tingin. "Mas gugustuhin ko nang mamatay sa gutom at manigas sa lamig sa labas kaysa makasama ang isang katulad mo. Again, thank you for your wasted time, excuse me." Habang naglalakad ako patungo sa elevator ay halos kumawala na ang puso ko sa ribcage ko sa sobrang poot at galit sa preskong babaeng 'yon! Who the f*ck does she thinks she is? Porket nakakaangat s'ya sa buhay, may karapatan na siyang apak-apakan ako? No f*cking way! Pag-uwi ko ng apartment ni Kelly, napupuyos pa rin ako sa galit. Naibagsak ko pa nga ang pinto pasara dahilan para mapalundag s'ya sa gulat. "Whoa, easy there tiger, how was it?" Inis na tinapon ko sa couch ang hand bag ko saka pabagsak na umupo sa tabi ni Kelly, inagaw ko rin ang kinakain niyang popcorn and took a handful of it and shoved it to my mouth. "Uh, I guess it didn't end well?" Ramdam ko ang pag ngiwi ni Kelly sa akin ngayon kahit hindi ko s'ya tingnan. "Gagong 'yon! Tinanong ba naman kung magkano ako? Aba! Sino ba s'ya sa akala n'ya? Diyos ba s'ya ha? Diyos ba s'ya?! Nakakanginig ng laman! Bwisit!" I said as I continued munching popcorn. "Wait? You're speaking the tagalog language again. You know that I can't understand tagalog, right? Other than salamat." Kelly pronounced the word salamat in a rush way, kaya ang tunog nito ay "sa lamat" parang salabat kung tutuusin kaya naman sa tuwing nag-ta-try magtagalog ito ay talagang natatawa ako. Despite me having a major meltdown here, Kelly managed to make me laugh once again. She's really my clown and I'm thankful that I have her as my friend. She pouted so freakishly cute. "You're insulting my accent again. I'm still trying to learn! Gimme a break!" Maarteng nag-flip ito ng mahaba niyang buhok, amoy na amoy ko tuloy ang fruit-like scent ng shampoo na gamit nito. "Anyway," Tumikhim ito saka sumeryoso ang magandang mukha. "how are you going to fund your studies now that you don't have a job? Well, as I've said before, I can help you. Please don't decline it again this time?" Basa ko sa kulay abo niyang mga mata ang kagustuhan niyang tulungan ako. Pero gaya nang lagi kong ginagawa, I decline her offer once again. Ayoko kasi talagang maging pabigat sa kahit na sino, saka hindi naman ako baldado para hindi na magtrabaho at umasa na lang sa kung anong kayang ibigay sa akin ng mga taong nakapaligid sa akin. And besides, kaya ko naman mag-working student. "No, Kells, I can't accept it. I can manage. I will find a job soon and I can pay you in no time." "You don't have to pay me back, you know? I'm happy that I have you here, my best friend." We both smiled at each other. Kelly pulled me in for a bone-crushing hug. "Don't worry, you'll find what you're looking for soon enough, just don't lose hope," she said as she caressed my back smoothly. Hope.. Yeah. I'll be holding onto you.. ****** Kasalukuyan akong nagluluto ng agahan namin ni Kelly nang tumunog ang doorbell. Since I'm grilling the steak and some bacons for Kelly and I, s'ya na ang nag-insist na buksan ang pinto. "I'll get it," She said as she dries her hand to her apron. I continued with my house chores while dancing through the beat of the music provided by Alexa. "Venus!" "Oh!" "Come here a sec, there's a package for you," Package? Para sa 'kin? That's impossible? Hininahan ko muna ang apoy ng aking niluluto saka nakapamewang na sinundan si Kelly sa labas kung saan may isang lalaking halos sumayad na sa pinto sa sobrang tangkad. "Hmm, he said you need to sign a couple of papers," Kelly said nonchalantly when I raised my eyebrow at her. Bumalik na ito sa kusina at itinuloy ang gawain ko roon. Ngumiti naman ako ng very light sa guwapong delivery man. "Hi, you're Miss Venus Marshall, right?" Tumango lang ako bilang sagot saka sinipat ang hawak nitong chart board. He handed me a pen and he pointed to the line where I should sign my name and my signature. "Wait, who's the sender of the package?" I asked. Baka naman kasi bomba ang laman ng kung ano mang package ang ibibigay sa akin. Nag-iingat lang ako 'no? "Oh yeah sorry and forgive me for staring Ma'am, it's just that you're so beautiful and I can't help but to look at you longer than I should." Nahihiyang napakamot ito sa likuran ng ulo n'ya. Parang ako iyong nahiya sa sinambit n'ya eh. I'm not used to compliments. I mean, given the previous job that I worked for, compliments are a sign of thrash. I took a mental note to myself. Maayos ba ang suot ko ngayon? I was wearing a nightie, though mabuti na lang at napatungan ng apron kaya hindi masyadong revealing itong suot ko. "Uh, thanks, I guess?" Nahihiyang sambit ko. He gave me a loopsided smile. "Hmm about your question earlier, the sender of the package is Miss Halil Constantine." Awtomatikong nawala ang ngiti sa mga labi ko sa narinig. Feeling ko nga ay nagpantig pa ang tenga ko sa bwisit na pangalang iyon. "Ahm, sorry but I can't accept whatever that package is. Please send it back to the sender and tell her to f*ck herself instead." The delivery man blink multiple times. I think, he's processing the things I have just said. "Oh, I'm sorry but we can't ship it back to the sender, Ma'am. It's not in our policy." The delivery guy really look sympathetic kaya nakonsensya naman ako. He's just doing his job. I took a long sigh. That b*tch is really giving me a hard time here. "Okay, sorry if I took it out on you. Anyway, may I know what's inside the package is?" He opened the package which is an envelope. "Oh yeah, there's a paperwork here and a bunch of keys. One for a car key and one for a city condo and oh," may hinugot pa s'ya roon at nang makuha ang pakay n'ya ay saka ito ngumiti sa akin, "two credit cards." "What the hell?" I mumbled to myself. A car key, a city condo which God knows how much that cost and two freaking credit cards? Aanhin ko naman lahat nang ito? Sa sobrang lutang ko at hindi mai-process ang mga nangyari ay next thing I know, patungo na ako sa kitchen kung saan naghahapag na ng pagkain si Kelly. "Oh gosh, what's that?" Turo ni Kelly sa hawak-hawak kong mga susi at paperworks nang lumingon ito sa akin. Napaupo ako sa isang bar stool at hinang-hinang inilapag ang mga dala ko sa bar counter. Kaagad namang sinipat ni Kelly ang mga gamit and I can clearly see the shock expression in her beautiful face. Yep, I've got the same reaction earlier. "Geez, Venus, this cost a fortune! A city condo? And it's near our University! And f*ck, a Jaguar sports car? Damn! Did you win the lottery or somethin'? Sh*t girl!" Tinulak ako nito sa braso habang nagniningning ang mga mata sa dalawang susing hawak n'ya. Mariing umiling ako saka hinablot ang mga susing hawak ni Kelly saka ibinalik lahat ng ito sa loob ng envelope. "No, I need to return them." Gaya nga ng sinabi ko, pagkatapos na pagkatapos ng klase namin ngayon araw sa Unibersidad, nagpupuyos ako sa galit habang patungo ako sa napakalaking kumpanya ng mahangin na babaeng iyon. Kelly gave me a ride here dahil wala na akong allowance. Naubos na lahat. Kagaya ng mga taong nakapila sa reception area, hindi na ako nag-abalang magpa-appointment dahil wala naman akong balak makita o maamoy ang demonyong babaeng 'yon. Ang pakay ko lang dito ay ang secretary n'ya which is sumalubong ito sa akin nang makarating ako sa floor ng CEO. Matikas na tumayo ito sa aking harapan. He didn't even blink as he stare right through my fiercing blue eyes. I know dapat akong matakot but not this b*tch, not me, no, no. "What do you need, Miss Marshall? Miss Dela Questa isn't around right now, I suggest that--" Hindi ko na s'ya pinatapos magsalita, I just shoved the envelope in his firm chest na halatang alaga sa exercise. "I'm not here for your boss, I'm here to give these things to you. Please paki sabi sa mahangin mong boss na hindi ko kailangan ng suhol n'ya! Ipakain mo sa kaniya lahat ng iyan. And the credit cards? Shoved it deep in her throat!" Gigil na gigil kong sigaw saka ako nagpupuyos na tinalikuran s'ya at lumulan sa elevator where a lot of people are staring and clearly talking behind my back. I don't give a damn about it! Inaapakan na ng babaeng 'yon ang dignidad ko at hinding-hindi ako papayag na gagawin n'ya sa 'kin ang mga bagay na 'yon. I don't care who she is or how much money she has or who the f*ck is she. Basta kapag inapakan ang pagkatao ko, I'm sure as hell that I'll bark back. As if papatalo lang ako nang gano'n, gano'n na lang. No freaking way! ******
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD