“This will be fun!” Todo ang ngiti ni Clau nang sabihin nya sa akin na nagpaplano sila ni Emma at Jackie ng bachelorette party for me. At ngayong araw daw gaganapin. Two days before the big day. Wade almost gone berserk when I told him about it. Kasalukuyan kaming nasa mall at supposedly ay date daw namin bago kami ikasal. “Hindi ka pupunta. Hindi ka aalis.” Lukot na lukot ang mukha nya. Ibinaba nya ang hawak na kutsara at tinidor na hawak nya at nagpunas ng napkin sa bibig. I already completed my three weeks training at gamay na gamay ko na ang pagiging coordinator ko. May two weeks honeymoon daw kami bago kami bumalik sa trabaho. “Why? This will be my last going out bago tayo ikasal. Tsaka mamaya may bachelor party ka rin naman ah?” Kunot noo na tanong ko. “It's different!” He hisse

