Kinukulit ng kinukulit ni Jackie si Wade nang bumalik na kami sa table. Hindi naman na nagtanong sila Tristan at Jared nang sabay kaming bumalik ni Wade. “So bakit kayo nag break?” Pangatlong tanong na iyon ni Jackie kay Wade. Tumungga lang si Wade ng beer mula sa mug nya pero hindi ulit nagsalita. Pasado alas kwatro na at kalahati na lang ng tao kanina ang nandoon sa bar. May mga sumasayaw pa pero karamihan ay umiinom na lang habang nakikipag kwentuhan. Namumula na si Jackie, she looked tipsy pero nakahawak sa bewang nya si Jared na palinga linga lang din habang sumisimsim sa baso nya. Hindi ko alam pero parang natutuwa ako'ng makita yung obvious na pag aalala ni Jared kay Jackie. Napapangiti ako tuwing agad na sasagot si Jared kapag may tinatanong si Jackie or what. I feel like they

