“Where's Wade?” Napangiwi ako nang marinig ko si Mommy sa likod. Lumabas lang ako saglit ng kwarto para kumuha ng snacks and well, para maka langhap ng fresh air. Nakaka suffocate ang presence ni Wade. Pabalik na sana ako sa kwarto dala dala ang isang basket na nilagyan o pinuno ko ng snacks at inumin. Dahan dahan ako'ng humarap kay Mommy. Nang makita ko sya na parang kakadating lang nya ay doon ko lang na realize na halos tatlong oras na pala kami ni Wade na magkasama sa kwarto ko. “N-nasa taas po.” Mahinang sagot ko. “Alright. Dito na lang sya kamo mag dinner.” Tapos ngumiti si Mommy na nauwi sa parang may malisya na tangin. I rolled my eyeballs. “Mom? Stop it.” Saway ko. “Stop what?” Nagmamaang maangan pa na natatawang tanong nya. “Ugh!” Sabi ko na lang at iniwan sya doon. Naab

