"NASAAN tayo?" Medyo kinabahang tanong ni Sam kay Gareth nang pumasok ang sinasakyan nila sa isang napakalawak na solar.
Sa hindi kalayuan ay tanaw ni Samantha ang malaking mansion- hindi lang basta malaki iyon, kung hindi sobrang laki. May creamy off-white exterior colors iyon na napakagaan sa paningin. Kung sino man ang nakaisip ng kulay nito ay sadyang napakaganda ng taste. Malapit sa mansion ay isang malawak na hardin na may malaking gazebo na octagonal shape. Mayroon silang gazebo pero hindi ganoon kalaki. Nagliliwag ang buong mansion dahil sa mga ilaw at mas lalong nagdagdag iyon sa ganda nito.
"Gareth, dito ka ba nakatira? Bakit dinala mo ako rito?" Usisang muli ni Sam kay Gareth na hindi pa rin kumikibo at tahimik lamang nakatanaw sa labas ng bintana habang palapit ang sasakyan nila sa harap mismo ng mansion.
"You'll going to meet your future in laws," kapagdaka ay sagot nito sa seryosong tinig.
Napanganga na lamang si Sam sa narinig. Tila siguradong sigurado ito na papayag siyang magpakasal dito?
"Paano ka nakakasigurong papayag akong magpakasal sa'yo, aber?" Inis na turan ni Sam. Hindi niya napigilang isatinig ang tumatakbo sa kaniyang isipan.
"You have no choice, Sam. You'll going to marry me," anito at binalingan siya. Naroon na naman ang devil smirk nito na nakakapagtakang hindi niya kinaiinisan.
"Ano naman kaya ang masasabi ng parents mo na magpapakasal ka sa isang single mom?" Aniya na may paismid pang kasama.
Nawala ang ngiti sa labi ni Gareth at napalitan iyon ng kaseryosohan.
"Let us see," anito at muling bumaling sa bintana.
Tumigil sila at hinintay na pagbuksan sila ng personal driver ni Gareth na sa pagkakatanda niya ay Butler Andy ang tawag ni Gareth dito. Mas doble ang mangha ni Sam nang matunghayan sa malapitan ang mansion, napakaganda niyon. Marami rin siyang natatanaw na mga unipormadong kasambahay na may kaniya-kaniyang ginagawa kahit na gabi na. Hindi lang tatlo o apat ang mga iyon, tantya niya ay nasa sampu na ang nakikita niya. Hindi maitatanggi na mayaman talaga ang lalaking nag aya sa kaniya ng kasal.
"Ang mga natatanaw mo ngayon, wala ako niyan dati. If you only remember, Sam..." Makahulugang sabi ni Gareth sa kaniya. Nasa tabi na pala niya ito at hindi niya namalayan iyon. "Follow me." Tsaka ito naglakad sa ilang baitang ng hagdan papasok sa main door ng mansion.
Kita niya kung paano magsiyukuan ang mga nakakasalubong nilang kasambahay kay Gareth. Tanda ng paggalang. Tahimik lamang siyang nakasunod kay Gareth, hangang sa makarating sila sa isang napakalawak na dining area. May mga pagkain nang nakahain doon. Hindi mga simpleng putahe ang mga naroon, kung hindi tila luto pa ng isang chef sa mga espesyal na okasyon.
"You may take your sit and wait me here." Tsaka siya pinaghila ni Gareth ng isang upuan. Lihim na napangiti si Sam, kahit pala ganoon ang lalaki ay may pagka-gentleman naman pala ito ng kaunti.
"Why are you smiling?" Tila masungit na sita nito sa kaniya.
Napangiwi si Sam at umiling na lamang, sabay upo. Napaisip siya na bawal bang ngumiti? Mag-isa lamang siya sa dining area habang hinihintay ang pagbabalik ni Gareth. Kinuha niya sa bag ang cellphone at tinext si Toneth na patulugin nang maaga si Graciella dahil hindi niya alam kung anong oras siya makakauwi. Baka kasi hintayin pa siya ng kaniyang anak. Kung alam lang niya na dito siya dadalhin ni Gareth ay nagbihis sana siya ng mas medyo presentable. Nakapang opisina outfit pa kasi siya.
Matapos ang ilang minutong paghihintay ay bumalik na si Gareth at hindi na ito nag-iisa. May kasama itong dalawa na sa hinuha niya ay mga magulang nito. Kabaligtaran sa iniisip niyang mapostura ang mga magulang ni Gareth, ngunit ngayong nasa harapan na niya ang mga ito ay napakasimple lamang ng mga ito. Tumayo siya bilang paggalang.
"Good evening po," aniya sa dalawa.
Sa dalawa na ngayon ay nakatitig sa kaniya na tila isa siyang multo. Hindi niya maintindihan kung gulat ba ang mga ito o ano? Kilala ba siya ng dalawa?
"Samantha?" Anang matandang babae na walang kangiti-ngiti sa labi.
Siya naman ang nagulat, nang bigkasin kasi ng matandang babae ang pangalan niya, tila ba kilalang-kilala siya nito?
"Ako nga po," mahina niyang sagot.
"Kumain na muna tayo, lumalamig na ang pagkain," sabat ng matandang lalaki na wala rin kangiti-ngiti sa mga labi. Umupo na ito, ganoon din ang babae at si Gareth. Bale magkaharap sila ni Gareth at ang dalawang matanda ay nasa magkabilaang dulo.
Tahimik lamang sila habang kumakain na mas nakadagdag sa pagkailang ni Sam. Kulang na lang ay madaliin niya ang oras upang matapos na ang sandaling iyon. Hindi siya maaring magkamali sa nararamdaman niya na mabigat ang salubong sa kaniya ng mga magulang ni Gareth. Ayaw siya ng mga ito. Ramdam na ramdam niya iyon.
"Kamusta ang buhay, Sam?" Bigla ay basag ng matandang babae sa katahimikan.
"Mabuti naman, ho. Sainyo po?"
"Sobrang buti..." Makahulugang sabi ng matandang babae na tila may nais na ipabatid.
"Ma..." Pagsali ni Gareth sa usapan. Tumigin silang lahat dito. "I have something to tell you," panimula nito. Pero hindi agad natuloy ang sasabihin nang may dumating.
"Ang aga niyong kumain, ha? Hindi niyo man ako hininta-" biglang natigilan ang babaeng bagong dating na babae nang mapatingin sa kaniya. Ganoon din ang reaction nito katulad sa dalawang matanda. Tila nakakita ng multo.
"What are you doing here?" Tila galit na sita nito sa kaniya.
"That is not the nice way to ask our visitor, Gail, " seryosong sabat ni Gareth. Madilim ang mukha nito na nakatingin sa babae.
Biglang naguluhan si Sam, anong mayroon? Bakit may tensyon sa paligid na biglang namuo?
"Wow, should I ask her in a nice way after all the-"
"Shut up," matigas na awat ni Gareth sa sasabihin pa sana ng babaeng, Gail ang pangalan.
"Gail..." Sabi naman ng ama ni Gareth na tiniglan ang babae na tila binabalaan na manahimik na.
"What's wrong with you, kuya? Why did you bring her here?" Biglang kalmang sabi ni Gail, pero naroon pa rin ang tila inis.
"Kagaya ng sinasabi ko, bago ka dumating. I have something to tell you all. Samantha and I are getting married."
Nagulat ang lahat, s'yempre lalo na siya, dahil sa pagkakaalam niya ay hindi pa siya pumapayag. Kita niya ang mga hindi makapaniwalang mukha ng mga naroon.
"What?! After all what she'd done to you?! Are you crazy?" Inis na turan ni Gail na binigyan siya ng masamang tingin.
Hindi siya makauma dahil hindi niya alam kung ano ang pinaghuhugatan ng babae sa galit nito sa kaniya. Pero unti-unting lumilinaw kay Sam na talagang may nakaraan sila ni Gareth at hindi maganda iyon base sa pakikitungo ng pamilya nito sa kaniya. Nais niyang malinawan, pero paano?
"You have no say about my life, Gail." Malupit na komento ni Gareth sa kapatid. For Sam, that was harsh.
Kita niya ang sakit at pagkapahiya sa mukha ni Gail at walang sagot na iniwan sila sa dining area. Napayuko si Sam, pakiramdam niya ay siya ang puno't dulo ng tensyon doon. Nakakahiya.
"Maiiwan na muna namin kayo. May tamang araw para pag-usapan ang mga bagay na ito, magpalamig muna ang bawat isa," anang ama ni Gareth at tumayo na ito kasama ang asawa.
Naiwan sila ni Gareth na hindi nag-iimikan. Patuloy lamang nakayuko si Sam, habang nakakuyom ang mga kamao sa kaniyang hita. Gusto niyang maiyak, bakit ba kasi wala siyang maalala?