NAGISING si Gareth sa kailaliman ng gabi nang makarinig ng mga pag-ungol. Ungol na tila nahihirapan. Nagmumula iyon kay Sam na mariin namang nakapikit. "Huwag! Bitawan niyo ako! Ayokong sumama sainyo, saan niyo ba ako dadalhin? Mang Nestor!" Pagkatapos ng mga ungol ay iyon naman ang narinig niyang sinasabi ni Sam. Papiling-piling pa ang ulo nito at namamawis kahit naka-aircon sila. Nangunot ang noo ni Gareth, Mang Nestor? Hindi ba iyon ang family driver ng mga ito? Bakit tinatawag ito ni Sam? "Sam! Wake up!" Marahang tapik ang ginawa niya rito, ngunit daglian din natigilan nang maramdaman ng palad niya ang init ng pisngi nito. Inaapoy ito ng lagnat! Nilapitan niya ang asawa at muling ginising, nagmulat ito ng mga mata pero agad ding pumikit. Kumuha siya ng bimpo at binasa iyon at ipina

