CHAPTER SIXTEEN

1062 Words
NANG MAKAALIS na si Gareth matapos ang lampas isang oras na pakikipagkwentuhan kay Doña Thesa, at siya ay halos tagapakinig lamang sa mga ito. "Tita," tawag niya sa matanda na aakyat na sana sa silid nito. "Bakit hija?" Usisa ng matanda na may kakaibang ngiti pa rin sa labi. "Maari po ba tayong mag-usap about kay Gareth?" Marahan niyang tanong sa matanda na nawala ang ngiti sa labi at napalitan iyon ng kuryosidad. "Sure. What about him?" "Can you tell me about him? Kung ano kami dati? Kung gaano kami kalapit?" Natigilan ang matanda at ilang saglit ay ngumiti ng marahan. Hinawakan siya sa magkabilaang balikat. "She's your ex, hija." Nanlaki ang mga mata ni Sam dahil sa narinig sa matanda. Hindi nga siya agad makauma, kaya ganoon na lamang ba ang nakikita niyang galit sa mga mata ni Gareth patungkol sa kaniya ay baka nga nagawan niya iyo ng hindi maganda noon or worse is napagtaksilan?! Magtatanong pa sana siya pero pinutol na ng kaniyang madrasta ang pagsasalita niya. "Iyon lang ang maari kong sabihin, hija. May usapan kasi kami ni Gareth, e." Hindi na lamang niya kinulit ang matanda dahil mukha naman itong hindi magsasalita pa ng iba. Siguro nga ay pinagbawalan ito ni Gareth na sabihin sa kaniya ang lahat ng alam nito. Pero bakit? Hindi niya maintindihan? Tila ba pinapahirapan siya ng lalaki na maalala ang lahat-lahat? Umakyat nang muli sa silid si Sam, pero bago iyon ay sinilip muna niya ang anak na talagang sobrang himbing pa, nagtungo na siya sa kaniyang silid upang maligo at papasok pa siya. **** SA OPISINA ay sinalubong siya ni Martina na alam naman niyang hindi maganda ang sasabihin nito base na lamang sa hitsura ng babae. "What is it?" "E, Miss Walton, sunod-sunod na nagb-back out mga investor natin at wala naman bagong pumapasok. So, nagkakaproblema na tayo sa fundings and finances. May mga projects na tayong naaantala at hindi ito kinagigiliwan ng mga customers. Paano na po ito, Miss Walton? " Iyon ang mahabang imporma sa kaniya ni Martina na tila nagpatigil saglit sa pag-ikot ng kaniyang mundo. Kahit siya ay hindi na alam kung ano ang gagawin. Hindi niya lubos maisip na aabot ang kompanya sa ganitong krisis, partly ay may kasalanan siya dahil sadyang kinulang siguro siya sa talino sa pamamahala. Kapag nagpatuloy ito ay maraming employees niya ang maaring mawalan ng trabaho, iyon ang isang bagay na ayaw niya. "This is all my fault, Martina," aniya at nanghihinang napaupo sa kaniyang swivel chair at nahilot ang sintido. "Don't blame yourself, Miss Walton. Pagsubok lamang ito ng kompanya," anito sa marahang tinig upang pakalmahin siya. Ubos na halos ang savings niya sa paglalabas ng pera para sa mga kulang na funds nilang projects. May savings siya para kay Graciella na hinding-hindi niya gagalawin dahil para iyon sa future ng anak. Ang tanging ari-arian lamang na mayroon siya ay ang mansion na tinitirhan nila ngayon at ang Hacienda Walton sa Sta. Rosa at isang lupa sa Bulacan, ang ibang ari-arian nila ay naibenta na niya upang pandagdag ng funds, pero hindi pa rin sumapat. Isa lang ang paraan upang ma-save niya ang kompanya. Ang pakasalan si Gareth Sebastian. Sa ngayon ay iyon ang nakikita niyang pag-asa. With his assets, alam niyang agad-agad makakabawi ang kompanya nila. "Martina, I don't know what to do. Pero gagawin ko ang lahat para sa kompanyang ito na mahal na mahal ng aking ama. I will do everything kahit pa ang kalayaan ko ang kapalit." "Po? I don't understand, Miss Walton. Kalayaan? What do you mean?" Naguguluhang tanong ni Martina. "You'll see. But first, I need my coffee" aniya sa mahinang tinig, agad namang umalis si Martina upang gawan siya ng kape. Naguguluhan ang sekretarya sa tinuran ng amo, pero magtitiwala ito sa lahat ng plano nito. Kinuha ni Sam ang cellphone na nasa bag niya at nagdadalawang isip na pinindot ang numero ni Gareth. Nanginginig ang mga kamay na hinihintay na sagutin ng lalaki ang kaniyang tawag. "Samantha..." He huskily said. Samantha cleared her throat for a moment at huminga ng malalim. "Pumapayag na ako," aniya na halos hindi marinig ang sariling tinig. Wala siyang narinig na tugon mula sa kabila na wari ay natigilan ito dahil sa kaniyang sinabi. "I will marry you, Gareth. Just promise me to save the company and my employess from this crisis," pagpapatuloy ni Sam sa pagsasalita. Kinain na niya ang sariling hiya at pride. "That's great. Let's settle this thing later. Ipapasundo kita kay Butler Andy mamayang hapon." "O-okay," nauutal niyang sagot na wari ay may nakabarado sa kaniyang lalamunan. Hindi na niya inisip kung tama ba ang naging desisyon niya pero bahala na. "See you, future Mrs. Samantha Sebastian," tila nang-aasar pang saad ni Gareth bago ito nawala sa kabilang linya. Napabuga ng hangin si Samantha na sakto namang pagdating ni Martina na dala ang kaniyang kape. "Thank you," aniya sa sekretarya na pinagmamasdan siya. "You okay, Miss Walton?" Nag-aalalang usisa nito. "I don't know. Hangat hindi siguro nagiging okay ang kompanya ay hindi ako magiging okay, Martina." Nakakaunawang tumango si Martina. Ramdam niya ang hirap ng kaniyang boss at naaawa siya rito pero wala rin siyang magawa. Pinilit na lamang nilibang ni Samantha ang sarili nang lumabas na si Martina sa kaniyang office. Hindi niya maiwasang kabahan sa magiging takbo mamaya ng pag-uusap nila ni Gareth. Nang bandang hapon na ay sinabihan siya ni Martina na hinihintay siya sa lobby ni Butler Andy. Kaya nagligpit na siya ng kalat sa table at nag-retouch upang kahit paano naman ay hindi siya magmukhang ewan sa harapan ni Gareth. "Aalis na ako, Martina. May lalakarin pa kasi ako," aniya sa babae na agad naman siyang binigyan ng tango. "Good day, Butler Andy," bati niya na may kasamang ngiti sa matandang lalaki na nginitian naman siya ng pabalik. Iginiya siya nito patungo sa sasakyan at pinagbuksan pa ng pinto. Binuksan niya ang division sa driver seat at passenger seat upang makausap si Butler Andy. "Nasaan si Gareth?" Usisa niya sa matanda. "Nasa isang mahalagang meeting siya ngayon, Miss Walton." Napatango-tango si Sam. "Saan po tayo ngayon?" Muli ay usisa niya. "Ang utos po niya sa akin ay dalhin kayo sa kaniyang yate na nakadaong malapit sa manila bay." Hindi na lamang sumagot si Sam at tinawagan si Toneth upang ibilin si Gracie dahil mal-late siya ng uwi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD