WALTON MANSION Wala naman sanang balak umuwi si Sam sa mansion nila, dahil mabigat ang katawan niya dahil sa nangyari sa kanila ni Gareth kagabi, ni hindi nga siya pumasok ng opisina upang makaiwas sa asawa. May karapatan ba siyang magalit dito? Hindi niya alam kung bakit nasasaktan siya kapag naiisip na ni hindi man humingi ng tawad sa kaniya ang asawa sa nagawa nito nang nakaraang gabi. Pero ano ba ang aasahan niya kay Gareth? Anong aasahan niya sa mala batong puso nito. Tinawagan siya kanina ng Attorney ng pamilya nila na matalik na kaibigan din ng daddy niya. May mga mahalaga kasi silang pag-uusapan at wala siyang ideya kung ano 'yon. Kaya kahit mabigat ang katawan niya ay pinilit niyang makauwi sa Walton mansion. "Mommy, hindi na ba tayo kay Daddy Gareth titira?" Inosenteng tanong

