MARAHANG umingit ang pinto at sumungaw sa pintuan ang sekretarya ni Gareth na si Ms. Valdos, nakangiti ito, pero halata ang pag-aalinlangan sa mukha. "S-sir, may naghahanap po sainyo..." Nagsalubong ang kilay ni Gareth. He placed the documents on the table and then rested his back against the chair. "I told you earlier that I don't have scheduled appointments today, Ms. Valdos." "I guess I don't need an appointment, men," biglang singit ng isang matangkad at gwapong lalaki na halatang may dugong banyaga. It was Donald Mckenley. Dire-diretso itong pumasok sa kaniyang opisina at umupo sa sofa na naroon na akala mo ay pagmamay-ari nito ang lugar. Pinagsalikop niya ang dalawang kamay sa ibabaw ng executive desk at pinagmasdan ang bisita. "Anong masamang hangin ang naghatid sa'yo rito?"

