"REALLY, mommy? Isasama mo na ako kung saan ikaw nakatira po?" Halata sa boses ni Graciella ang galak habang tinatanong ang mga salitang iyon kay Sam. Nasa byahe na sila nang hapong iyon, patungo sa mansion ng mga Sebastian. Si Butler Andy ang driver nila at nasa tabi naman nito si Toneth. Binalingan niya ang anak at nginitian. "Yes, hun. Are you happy?" Magkakasunod na tango ang ginawa ng paslit. "I'm happy kapag kasama kita, mom," ani Gracie na sumandal sa may dibdib niya. Siguro kung may mas masaya man nang mga sandaling 'yon ay siya 'yon. Atleast kasama na niya ang anak niya at hindi na niya kailangan bumyahe araw-araw patungo rito, mamomonitor pa niya kung magkakasakit ito o pagdating niya galing opisina ay si Gracie na ang sasalubong sa kaniya. Isa lang naman ang pinag-aalala n

