NAUNANG umuwi si Sam kaysa kay Gareth. Sinabi niya rito na sumakit ang ulo niya at gusto na niyang umuwi. Nais mang sumabay ni Gareth sa kaniya pero buti na lamang at may mga dumating na mga business man katulad nito at nakulong ito sa isang kwentuhan, kaya tumalilis na siya. Hinatid siya ni Butler Andy. Totoo naman masakit ang ulo niya at nais na niyang makauwi. Alas onse na ng gabi 'yon at tahimik na ang buong bahay ng mga Sebastian. Pinuntahan muna niya ang kaniyang anak na tulog na tulog sa silid nito kasama si Tonet. Pagkatapos ay nagtungo na sa isang silid at nagshower. Nang matapos at paglabas mula sa banyo ay nadatnan niyang tumutunog ang cellphone niya hudyat na may tumatawag. Si Ren. "Ren, bakit?" Habang napapahilot sa noo dahil hindi nawawala ang sakit ng ulo kahit pa nakaligo

