~Fly me to the moon.
Let me play among the stars.
Let me see what spring is like on A-Jupiter and Mars
In other words, hold my hand
In other words, baby, kiss me~
Napaurong bigla ang katawan ni Xeliyah nang biglang tumunog ang kaniyang selpon na nakatungtong lamang sa ibabaw ng kaniyang study table. Kinusot kusot nito ang mga mata habang umiinat saka napagdesisyunang kunin ang selpon at walang gana na sinagot ang tawag habang nakahiga parin sa kama.
"Hello," bati niya sa kabilang linya. Tumungo naman ang paningin nito sa orasan at alas syete trenta na ng umaga. Wala naman itong gagawin ngayong araw maliban na lamang ang pumunta ng paaralan para asikasuhin ang mga requirements nya na ipapasa sa kolehiyo.
"Good morning mada'am. Baka naman alam mo kung anong oras na ‘di ba?" unang bati ng kaniyang kaibigan. Napabuga na lamang ng hangin si Xeliyah saka pinindot ang loudspeaker ng selpon at umalis na ng kama.
"Alam ko po boss pero masyado pang maaga para umalis,” reklamo nito. “Tiyak na papalinisin lang nila tayo ng mga upuan sa gym bago ibigay yung mga requirements," sabi nito sa kaibigan habang inaayos ang kama. Pinulot niya rin ang mga nagkalat na damit sa sahig at mga basura sa tabi-tabi, a typical teenage girl. Tinungo niya rin ang kaniyang kabinet at masuring pumipili ng kaniyang susuotin.
"It's better to be early than late gurl!” sigaw ni Christal. “At hello, may pupuntahan pa tayo later," mataray nitong tugon. Tumaas naman ang kilay ni Xeliyah. Hindi nito matandaan na may pupuntahan pala sila ngayong araw maliban sa paaralan. Balak sana nito na diretsong uuwi dahil may mga bagay pa siyang gagawin at ‘di naman siya mahilig sa gala lalo na at may problemang kinakaharap ang kaniyang mga magulang.
"Saan na naman ba 'yan? Kung gala lang din naman pass ako. Kailangan kong tulungan sina mama sa negosyo,” pagdadahilan nito. Totoo naman talaga na unti-unti nang lumulubog ang negosyo ng kaniyang magulang at ‘di nila alam kung saan sila kukuha ng pangbayad sa mga utang. Kailangan din niyang magsikap dahil papasok na siya sa kolehiyo kaya tiyak na dadagdag ang gastusin.
"Kj naman nito and fyi ‘di mo naman kasalan kung ‘bat naghihirap kayo. So bakit kailangan mo 'din mag dusa?"
"You don't understand our situation christal dahil wala naman kayong problema sa pera. Kasalanan ko man o hindi still anak nila ako kaya dapat lang tumulong din ako sa kanila," sabi nito sa kaibigan. Deep inside naiinis sya kay Christal dahil ang aga-aga pinapakulo niya ang dugo nito pero hindi niya mapagkaila na tama naman siya. ‘Di niya kailangang magdusa sa bagay na hindi niya kasalan pero sino pa nga ba ang tutulong sa pamilya niya. ‘Di naman siya pinipilit ng kaniyang mga magulang na magtrabaho at maghanap ng pera pero bilang anak nahihirapan siyang makita ang mga magulang na nahihirapan na sa negosyo.
"I understand you. Chill may mga oras lang talaga na kailangan mo rin magpahangin at mag isip-isip," sabi ng kaibigan. Tumango naman si Xeliyah kahit alam nitong ‘di siya nakikita ng kaibigan.
"Sige na, maliligo lang ko. Chat mo ako pag nasa school ka na ah," paalam nito kay Christal saka pinatay ang tawag. Huminga nang malalim ang dalaga at kinuha na ang napiling damit at lumabas na ng kwarto. Pagdating niya ng sala ay naabutan niya ang kaniyang Mama na may inaayos na mga papeles sa sofa. Hindi niya nito pinansin at dumiretso na lang siya ng banyo. Habang naliligo ay nag-iisip ang dalaga kung ano ang puwedeng gawin sa loob ng dalawang linggo. Gusto nito maghanap ng trabaho kahit saleslady sa bagong tayo na grocery store sa tindahan pero napaisip din ito na dalawang linggo na lang at pasukan na. Magiging ganap na siyang kolehiyo.
"Aishh! Masyado pang maaga para i-stress ang ulo ko," inis nitong sabi sa sarili. Sa ngayon ay wala siyang balak na isipin ang kolehiyo. Gusto nitong i-enjoy ang natitirang mga araw na ‘di nag-iisip ng problema. Dali-dali nalang niyang tinapos ang pagliligo saka nagbihis na rin sa loob ng banyo at lumabas.
"May pupuntahan ka ngayon?" bati ng kaniyang Papa na nakaupo sa sofa katabi ng kaniyang Mama. May hawak itong baso na mukhang kape ang laman. May mainit din na tinapay sa mesa at mga iilang papel na nagkalat doon.
" Opo, pupunta ako ng paaralan para kunin ang mga requirements ko. Balak ko kasing tapusin ang mga iyon para makapag enroll na ako sa kolehiyo," sagot nito sa kaniyang Papa. Hiyang napayuko na lamang siya saka lumapit sa kanila. Alam niya na ‘di ngayon ang tamang oras para pag-usapan ang kolehiyo pero ‘di niya maiwasan dahil palapit na ang pasukan. Naiintindihan siya ng kaniyang mga magulang sila pa nga ang nagsabi nito na kailangan makapagenroll na siya para ‘di na ito mahirapan pero ‘di niya lang maiwasan ang mahiya lalo na wala silang panggastos.
" Babalik din naman agad ako," sabi nito saka umalis naman agad at dumiretso na sa kaniyang kwarto. Nag-ayos ito ng sarili. Hinanap din nito ang mga dadalhin sa paaralan at lumabas.
"Pagkatapos mo riyan umuwi ka agad. May pupuntahan kami ng Mama mo kaya walang magbabantay dito sa bahay," bilin ng kaniyang ama. Tumango naman siya saka ‘di na sumagot. Bumaling naman ang kaniyang atensyon sa mga papel na nagkalat sa mesa.
"Anong hinahanap nyo Ma?" tanong nito. Lumapit ito sa kaniyang Mama saka kumuha rin ng mga papeles sa lamesa.
" Wala naman. May hinahanap lang ako. Ikaw, ‘bat andito ka pa rin? Kala ko ba may pupuntahan ka? Naku! Ikaw talagang bata ka palagi mo na lang pinapahintay mga kaibigan mo," sambit ng kaniyang Mama habang tinitipon na ang mga dokumento. Tumawa naman nang mahina si Xeliyah sa sinabi nito. Kilalang-kilala siya ng kaniyang magulang. Bukod tanging mahal siya ng kaniyang Mama at Papa dahil kahit kailan ay ni hindi niya pa naranasan ang masigawan o mapagalitan. Kahit may pagkapasaway ito at minsan sakit sa ulo ay hindi siya nakatikim ng palo o sermon.
"Tinataboy n’yo na ba ako?" asar nito sa kaniyang Mama. Narinig naman niyang tumawa ang kaniyang Papa sa gilid kaya napatawa rin siya.
"Syempre hindi. Ikaw talaga, sige na mag-ayos ka na para makabalik ka agad."
"Opo boss!" sigaw nito tiyaka tumayo na at walang alin-langan na bumalik ulit sa kaniyang kwarto. Inayos nito ang kaniyang buhok at naglagay na rin ng liptint sa labi. Pagkatapos ng kaniyang pag-aayos ay lumabas na siya bitbit ang maliit niyang sling bag at brown envelope na may laman na mga requirements.
"Hindi ka kakain?" tanong ng kaniyang Papa.
"Uuwi rin naman agad ako. Kukuha lang naman ako ng requirements,” sagot nito saka lumapit ng ref upang kumuha ng yakult at mansanas.
"Hindi ka na nasanay sa anak mo. Palagi namang ‘di kumakain ng agahan ‘yan. Bumalik ka agad ok?" bilin ng kaniyang Mama habang palapit ito sa kaniya.
"Opo nga po," may konting inis sa kaniyang boses habang sinasabi niya ang mga salitang iyon. Ngumiti naman ang kaniyang Mama saka niyakap ito at hinalikan sa pisnge. Kumunot naman ang noo ni Xeliyah sa naging aksyon ng ina. Nakatitig lang ito sa kaniya habang sinuri ang kaniyang mukha. Nailang ang dalaga kaya agad siyang humiwalay sa kaniya.
"Ang weird mo ma. Sige na aalis na ako! Byee love you!" paalam nito sa mga magulang matapos siilin sila ng halik at yakap. Pagkalabas ng bahay ay bumuga siya nang hangin. Ayaw niya mang mag-isip ng kung ano-ano pero pakiramdam niya ay may mali at may gustong sabahin ang kaniyang Mama sa kaniya dahil kitang-kita nito sa mga mata ang lungkot at para bang kakaiyak niya lang.
"Aishh nagooverthink ka na naman Xeliyah," suway nito sa sarili. Lumabas na siya ng gate tiyaka nagsimula nang lumakad. Malapit lamang ang kaniyang paaralan kung sasakayin niya ito kaya naghintay sya ng tricycle sa kanto.
Siya si Xeliyah Del mundo. Labing siyam na taong gulang at nag-iisang anak ng kaniyang Mama at Papa. Kung may salita mang makakapag pakilala sa kaniyang sarili 'yon ay isa siyang introvert at extrovert. May panahon na tahimik siya kahit kasama niya ang kaniyang mga kaibigan. Minsan ay ayaw nitong magsalita at makipagkaibigan kahit kanino man. Minsan siya ay masayahin din, kwela at mahilig mang-asar kaya naniniwala siya na she's between introvert and extrovert dahil pa bago-bago ang kaniyang pag-uugali.
••••••
10 minutong byahe mula sa kanilang bahay ay nakarating na ng paaralan si Xeliyah. Pagkababa ng tricycle ay agad naman siyang nagbayad ng pamasahe saka pumasok na ng gate. Maraming estudyante ang nagkukumpulan kahit saan ka man tumingin. Ang iba sa kanila ay freshman, mayroon ding mga middle grade, iba naman ay graduating students. Bigla siyang nalungkot dahil 'di sya makakapaniwala na lilisanin na niya ang paaralan pero wala siyang magagawa dahil 'di habang buhay mananatili siyang highschool. ‘Di na rin siya nag pa tumpik-tumpik pa at pumunta na siya sa kaniyang kwarto. Mula sa labas ay kitang-kita niya ang kaniyang mga kaklase sa loob ng silid aralan. Napangiti ito habang palapit ito sa kanila.
"O em ge! Ang tagal mo Xel ha!" bungad ni Christal sa kaniya sabay kapit sa kaniyang braso.
"Miss mo ba ako? Kahapon lang tayo nagkita ah," asar nito sa kaibigan habang papasok ng kwarto. Nadatnan nito ang mga kaklase na nagseselpon at naglalaro.
"Eww no way. What I mean is ang tagal mo! Anong oras na kaya," sermon sa kaniyang ng kaibigan. Si Christal lamang ang tanging tapat niyang kaibigan. Mula grade 7 hanggang senior high ay magkaklase sila kaya hindi mapagkakaila na magkaibigan nga silang dalawa.
"Sabi ko naman sa iyo na ayaw kong nagpapaaga lalo na pag paaralan ang usapan," paliwanag nito. Lumapit naman siya ng teacher's table kung saan may iilan siyang klasmeyt na nakapila para kunin ang card at good moral certificate.
"I know right, tskk. Talaga bang hindi ka sasama sa gala?" tanong ni Christal sa kaniya habang nakapila rin siya sa likod ni Xeliyah.
"I told you tal, ‘di ako puwede. May pupuntahan sina mama mamaya at walang magbabantay ng bahay," paliwanag nito. Si Christal yong tipong kaibigan na kukulitin ka hanggang sa pumayag ka pero sa ngayon ay wala itong epekto dahil nga mas importante ang mga magulang niya kaysa sa gala.
"Tskk ikaw din, baka magsisi ka. Malapit na tayong magcollege kaya wala na tayong oras gumala pa at baka ‘di na talaga tayo magkita dahil ibang kurso ‘yong kinuha mo," tampong sabi ng kaniyang kaibigan. Totoo, oras na tumungtong ka ng college ay wala ka ng oras gumala pero mabubuhay naman siya na hindi nakakagala kaya ok lang sa kaniya. Pero hindi naman siya makasarili para isipin niya iyon. Nalulungkot din siya dahil baka nga wala na silang oras gumala pa.
"Ang nega mo. Syempre gagala pa rin tayo at hello same school lang kaya ang papasukan natin," wika nito. Tumango naman ang kaibigan tiyaka sumandal sa likod niya. Pagkakuha ng card ay agad naman silang lumabas na ng kwarto. Wala na rin naman silang gagawin do'n kaya mas mabuti nang umalis kung ayaw mong mapagutusan ka.
"Btw kamusta na sina Tito at Tita?" tanong ni Christal. Patungo ngayon silang dalawa sa cafeteria dahil bigla silang nagutom.
"Ayun, kahit hindi nila sabihin alam kong nahihirapan na sila. Balak ko ngang mag-apply bilang saleslady pero iniisip ko rin na dalawang linggo na lang pasukan na at tiyak konti lang din maiipon ko," paliwanag nito sa kaibigan habang nilalagyan niya ng kalamansi ang bihon na binili nila.
"Alam mo bes, may mga panahon talaga na maghihirap ang isang tao. May panahon na aahon sila at may panahon na lulubog pero hindi ibig sabihin no'n ay susuko ka. Kaya niyo ‘yan, kayo pa ba? Ang mahalaga eh kompleto kayo at masaya. 'Di na baleng naghihirap kayo basta magkasama kayo." Gusto niyang umiyak dahil sa sinabi ng kaibigan pero baka magmukha siyang ka tawa-tawa. Alam nito na nahihirapan siya at kitang-kita iyon sa kaniyang mga mata. Nahihiya man syang magkwento pero alam ni Christal na pagod ang kaibigan kaya sinusubukan nitong pagaanin ang loob.
"Thanks. Alam mo talaga kung paano ako paiyakin," inis nitong sabi sa kaibigan.
"Bakit? Naiiyak ka na ba? Sus, ‘wag mong pigilan sarili mo. Walang masama kung iiyak ka. Walang masama kung nahihirapan ka na. Iiyak mo lang ‘yan. Kapag alam mong masakit na then go, iiyak mo. Crying doesn't make you look weak. Crying are good for your soul, it ease your worries for a moment,” ngiting payo ni Christal. “When was the last time you cried? Alam kong nahihirapan ka na Xel. Dito lang ako handa akong mabasa ng luha mo." Without any hesitation Xeliyah burst into tears. Mahinang napahagulhol siya habang nakayuko. Agad-agad naman siyang niyakap ni Christal at hinagod-hagod ang kaniyang likod.
"’Yan, umiyak ka lang. Dito lang ako.” Lalo pa siyang napahagulhol nang sabihin iyon ng kaniyang kaibigan. ‘Di nya alam kung ano ang gagawin kapag wala si Christal sa tabi nito. Oo, malapit siya sa kaniyang mga magulang pero hindi niya pinapakita sa kanila na nahihirapan din siya. Hindi niya sinasabi na sobrang sakit na ‘yong nararamdaman nito.
"Pagod n-na ako tal. Ayaw ko ng ganitong buhay. Nasasaktan ako sa tuwing nakikita ko si Mama na umiiyak patago sa kwarto nila habang si Papa walang magawa kun’di ang yakapin lamang siya,” amin nito sa kaibigan. Wala siyang pake kung maraming tao ang nakatingin sa kanila ngayon. Gusto lamang niya umiyak para mawala ang bigat na kaniyang nararamdaman .
"Shhh it's ok. Everyone suffer Xeli. It's just a matter of time na magiging ok kayo. Malay mo baka pag-uwi mo ok na ang lahat. Malay mo pag-uwi mo may bagong balita silang sasabihin." Alam Ni Xeliyah na imposible ‘yon pero pinapanalangin niya na sana nga pag-uwi niya ay ok na ang lahat.
"Thank you Tal. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko ‘pag wala ka,” sabi nito sa kaibigan.
"Sus walang anuman. Ok ka na?" tanong sa kaniya ni Christal. Tango lamang ang kaniyang naisagot. Humiwalay na rin siya sa yakap ng kaibigan tiyaka pinunasan ang kaniyang pisnge.
"See? Walang masama ang umiyak. Next time don't be shy to show your true feelings,” payo sa kaniya ng kaibigan. Tumango naman sya ulit.
"Hindi ko na tuloy natapos ang bihon ko,” nakangusong wika ni Christal habang nakatingin sa kaniyang bihon na konti palang ang nakain.
"Sorry na,” natatawang wika ni Xeliyah sa kaibigan sabay niyakap ito nang madalian.
"Ok lang at least napatawa kita," ngiting sambit ni Christal.
"Aw! Tara na nga naghihintay sina Mama sa bahay." pag-iiba nito ng usapan at tumayo na. Sumunod naman ang kaniyang kaibigan habang inaayos ang sarili.
" Cheer up!" ‘yon na lamang ang nasabi ni Christal kay Xeli. Ngumiti naman si Xeliyah tiyaka umalis na sila ng cafeteria na may ngiti sa labi lalo na siya. Panalangin nito na sana matapos na ang kalbaryo nila. Alam nito na pag ‘di nakabayad ng utang ang kaniyang mga magulang ay may posibilidad na makukulong sila at mapipilitang ibenta ang maliit nilang negosyo. Gustuhin man nilang ibenta ang negosyo ay hindi pa rin sapat iyon para bayaran ang malaki nilang utang. Nagtataka rin siya kung bakit marami silang inutangan eh may negosyo naman sila pero sa ngayon ay wala siyang karapatan na kwestyunin ang kanilang negosyo dahil alam nito na mahina ang bentahan ng mga isda ngayon.
•••••
Nanatiling nakatayo sa harapan ng bahay nila si Xeliyah. Ayaw nitong pumasok dahil baka maiyak ulit ito ‘pag nakita nito ang kaniyang mga magulang at maalala ang sinabi ni Christal kanina. Gusto niyang tumalikod at bumalik ulit ng paaralan pero naalala niya ang bilin ng mga magulang.
"Pagkatapos mo riyan umuwi ka agad. May pupuntahan kami ng mama mo kaya walang magbabantay dito sa bahay."
Napabuga na lamang ito ng hangin at napagdesisyunan na pumasok na ng gate. Naabutan niyang nakaayos ang kaniyang Mama at Papa. Mukhang may pupuntahan silang pagdadalo dahil nakaformal ang kanilang suot.
"Oh Xeli kanina ka pa ba diyan?" hindi niya napansin na nakapasok na pala ito sa bahay sa sobrang pag-iisip nang kung ano-ano. Hindi ito sumagot habang tinutungo ang sofa tiyaka umupo.
"Ok ka lang ba? Nakuha mo ba requirements mo?" tanong ng kaniyang Mama. Tumango lamang siya. Narinig naman niyang napabuga nang malalim na hininga ang kaniyang Mama kaya tinaas nito ang tingin upang tignan siya.
"May pupuntahan ka ba ngayon? puwede ka naman umalis total may lock naman ang bahay,” sabi sa kaniya ng ina.
"Wala. I'm ok. Pagod lang ako dahil ang init sa labas,” sabi nito tiyaka inabot ang notebook sa harapan niya para gawing pamaypay.
"Gano'n ba? Kung gano'n eh aalis na kami ng Papa mo. May natirang ulam pa sa ref initin mo na lang. May singkwenta rin sa ibabaw ng ref just incase na bibili ka ng meryenda mo,” bilin ng kaniyang ina.
"Gagabihin po ba kayo?" tanong nito sa kanila. Ngumiti lamang ang kaniyang Mama tiyaka lumapit sa kaniya.
"Uuwi rin agad kami,” matapos niyang sabihin 'yon ay hinalikan siya ng kaniyang ina sa ulo tiyaka niyakap.
"May importante lang kaming pupuntahan ng Papa mo na makakatulong sa negosyo natin. May gusto ka bang ipabili?" pahabol nitong sabi sa anak. Bigla namang napangiti si Xeliyah sa sinabi ng ina.
"Talaga po? Baka nagbibiro kayo ah. Gusto nyo lang magdate kayo ni papa,” asar nito sa kaniyang ina.
"Loko ka talaga. Sige na naghihintay na ang Papa mo sa labas. ‘Wag mong iwan ang bahay at ‘wag ka rin magtago sa kwarto mo baka pasukan tayo,” biro ng kaniyang ina. As if namang papasukan tayo isip ng dalaga. Wala naman silang makukuha sa kanilang bahay maliban nalang siguro ang mga appliances nila.
"Opo naiintindihan ko po. Mag-ingat kayo ni papa,” paalam nito saka hinatid ang ina sa labas ng bahay.
"Imuwi agad kayo ah! Wala akong mauulam mamayang gabi!" sigaw nito sa kaniyang mga magulang na nakasakay na sa kanilang habal-habal. Tumawa naman ang kaniyang Papa at napailing na lamang. Pagkaalis ng kaniyang mga magulang ay bumalik na sa loob si Xeliyah. Nakangiti ito habang tinutungo ang kusina dahil sa sinabi ng ina. Tama nga si Christal, pag-uwi niya ay may magandang balita na dadating sa pamilya at nangyari na nga.