Ikatlong araw nila sa isla ngayon at kasalukuyan silang nasa tabing dagat at nakaupo sa dalampasigan at tinatanaw ang malalaking hampas ng alon ng dagat. Nakaganda ng papalubog na sikat ng araw, napakagandang pagmasdan ang sinag nito na dahan-dahan nawawalan ng kulay. Naghahanda na sila para sa camp fire nila mamayang gabi and as usual it was Oxford's plan.Nasa pinakadulong bahagi sila ng isla at gusto nilang umiwas sa ingay ng mga bars at resto kaya nagpasya silang pumunta sa dulo. Sa likuran nila ay maraming tanim na mga bakawan, mataas ang ang tubig at ang tanging ilaw nila ay ang apoy na galing sa tuyong mga kahoy na pinulot nila kanila sa tabi tabi. "Maghahanap lang ako ng kahoy ha? Excuse me, for a while." tumayo si Uncle at nakita niya itong naglakad patungo sa likurang bahagi n

