" Masaya ka ba na nakilala mo na ang angkan mo?" tanong niya kay France habang pauwi na sila sa condo niya. Ang binata ang nagmamaneho at siya naman ay nas tabi nito na panay ang kwento tungkol kanina. " Of course naman napakasaya ko dahil mababait pala ang mga pinsan ko at totoo pala na walang tapon sa mga kalahi ko noh? " sagot nito sa kan'ya. " Wow ah? Nagbuhat ka ng sarili mong upuan ah? Para kang si Terrence! But in fairness, totoo 'yan!"masuyo niyang saad sa nobyo. Naramdaman naman niya kaagad ang mainit nitong kamay na hinihimasan ang kan'yang hita. " Maybe, I could stay at your condo tonight?" mahinang sambit ng binata. Sa tono nito ay alam niyang may gusto na naman itong gawin. " At paano kung mahhuhuli tayo ni Kuya? Alam mo naman na parang kabute kung susulpot ang mga iyon n

