MATAPOS kumain ng gabihan doon sa bahay ng kanyang mga magulang. Nanatili pa sila doon ng matagal at nakipagkuwentuhan si Blaine sa mga ito. Halos pasado alas-dose na ng gabi nang magpaalam sila. Mula doon ay dinala ni Luna si Blaine sa kanyang inuupahan na bahay. Nang maisarado ang pinto. Hindi pa man niya nabubuksan ang ilaw nang biglang yumakap sa kanyang beywang si Blaine. “I missed you, love. I missed embracing you like this. I missed touching you,” bulong nito. Bumigat ang kanyang paghinga at napapikit nang hawiin nito ang buhok niya at halikan siya sa leeg. Naglikot ang kamay nito at isa-isang inalis ang butones ng kanyang blouse. Pagkatapos ay sinilid ang kamay nito at agad hinawakan ang kanyang dibdib. Lumingon siya dito at sinalubong siya ni Blaine ng isang mapusok na halik.

