TAHIMIK si Luna at parang bata na nakaupo ng maayos habang magkasalikop ang kamay. Habang ang matalik na kaibigan na si Mean ay nakalukipkip ang mga braso. Naroon sila sa sala sa kasalukuyan. Mayamaya ay hindi nakatiis si Luna at biglang natawa ng malakas. “Aray! Ba’t ka ba namamalo?” natatawang tanong niya sabay ilag nang bigla siyang hampasin nito sa braso. “Tawa ka dyan!” “Ikaw kasi eh! Nakakatawa ka kanina!” Napabuntong-hininga ito saka umiling. “Utang ng loob huwag mo nang ipaalala.” Nang bigla itong pumasok kanina at naabutan silang naghahalikan. Biglang nataranta si Mean. Tumakbo palapit sa kanya sabay hila palayo kay Blaine. Hindi makakalimutan ni Luna ang mga sinabi ng kaibigan sa nobyo. “Sino ka?! Ba’t mo hinahalikan ang bestfriend ko?” galit na tanong nito kay Blaine

