PAKIRAMDAM ni Blaine ay para siyang pinagbagsakan ng langit at lupa. Noon pa man namulat siya sa illegal na gawain ng ama. Noon pa man ay kagustuhan na niyang matigil iyon upang mabuhay ng normal gaya ng ibang tao kahit na ang kapalit niyon ay makulong ang kanyang ama. Basta matahimik lang sila at malayo sa gulo. Ngunit ngayon na naroon na sila sa ganoon sitwasyon. Parang binibiyak ang damdamin ni Blaine nang makitang nakaposas ang ama. Hindi niya napigilan ang sarili na maiyak at maawa. Ngunit may kasalanan ang kanyang ama. May mga kailangan itong pagbayaran sa batas. Masakit man makita na nasa ganoon kalagayan ang sariling ama. Walang magagawa si Blaine. Habang nasa tanggapan si Blaine ng NBI kasama ang nakababatang kapatid na si Beatrice. Wala silang tinago sa mga kinauukulan. Inamin

