Chapter 2 | Don't Fall

1141 Words
Breakup Rule # 2 | Don’t Fall for the “I Still Want Us to Be Friends” Line. Una: ‘Wag kang mahulog sa mga katagang “I still want us to be friends”. Hindi lahat ng ex-lovers ay nagiging magkaibigan matapos ang love affair. Pangalawa: It’s baloney! Kalokohan! Bakit mo niligawan, ginawang kasintahan tapos sasabin mong break na kayo? Pangatlo: Matapos makahanap ng iba at saktan ka? After ng sweet romantic moments ang ending mo — friendzone? However, mayroon naman they remain friends because they already accepted their differences. They learned to love each other, making it easy for them to communicate or they ended their breakup peacefully. Pareho nilang ginusto ang maghiwalay. Mayroon or walang third party involved maayos ang ending ng relationship. Pang-apat: I did not say don't remain friends ang sabi ko lang 'wag mahulog sa katagang "gusto ko magkaibigan pa rin tayo." It would feel awkward. Pang-lima: Kapag nagpauto ka at nagpakatanga. Sino niloko mo? Sarili mo rin lang ‘di ba? # # # Bakit ko gugustohing maging magkaibigan kami? Niloko niya ako. Niloko ako ni Sevielle. How can I remain friends with him if I have hatred inside me? The pain of being deceived and fooled will not be taken away by just an apology. It takes time to forgive and forget. Nagulantang ako sa mga sinabi ni Sevielle. Paano kami magiging magkaibigan? Galit at sama ng loob ang aking nararamdaman. Wala ako sa katinuan para makapagisip at sumagot ng tamang sa kaniyang mga nakakalokong katanungan. “Sevielle, you are unbelievable! You are breaking up with me but you expect me that I will still be friends with you?” Natural na tumaas ang aking mga kilay. “Yes, Lori. I still want us to be friends,” wika nitong tila ba hindi nasasaktan. May ngiti siya sa kaniyang mga labi. Samantalang ako ay malapit na malapit ng maapusan ng hininga. “No Sevie! Once were done. We-are-done!” Hindi ko na napigilang mapasigaw at tuluyan na nga kaming nakakuha ng attention. “Lori kung mag-aaway kayo ng boyfriend mo ‘wag dito sa cafe ko. You are one of my VIP cafe guest pero paki-usap ‘wag dito. May cafe is intended to have cozy and relaxing ambiance. I bet that’s why you are here. I’m sorry but both of you need to calm down if you want to stay. If I here one more yelling from one of you. Paumanhin, pero kahit kaibigan kita Lori. I will need to ask you both to leave,” turan ni Charlie. The cafe owner and my friend. “I’m sorry, Charlie we did not mean to make a commotion here.” “Lori, I’m so sorry. Minahal naman kita,” ani Sevielle. “Exactly! Minahal pero hindi-mo-na-ako-ngayon-mahal. Hindi ba? Dahil mahal mo na siya?” Nahihiya na ako sa mga matang nakatingin sa amin sa cafe habang nagsasagutan kami sa halos haling-hing na paraan. Hindi makakaila na kami’y nagtatalo dahil sa tinginan namin na halos papatayin na ang bawat isa. What happened to us Sevie? Limang taon. Masaya na mana tayo. Bakit tayo nagkaganito? Marami akong bakit. Ngunit ‘di ko magawang itanong sa kaniya kong bakit. ”Ano ‘to ‘Paubaya’ ni Moira? Ako ang una pero siya ang wakas?” “Mahal ko na siya noon pa. Nagkataon lang na nahulog kami sa isa’t isa.” “Mahal mo noon pa? Nahulog ka na? Mahal mo siya habang ako ang ‘yong kasama? Minahal mo nga ba ako o ang minahal mo ay ang mga bagay bagay na pagkakahalintulad ko sa kaniya?” Hindi ko namalayan na naguunahan na sa pagpatak ang aking mga luha. I reminded myself. Lori, Don’t make him feel better. “Clearly, you are her rebound! Ang tanga-tanga mo naman Sevie. Advice ko lang sayo. Next time, ‘wag kang sumawsaw sa sawsawan ng iba kung ayaw mong mapahamak ka. Ayan naki-sawsaw ka sa problema ni Zenia. How could you fix us now?” “‘Wag makisawsaw sa iba? Why are you dining out with your guy colleagues?” pabalang at mapang-akusang tanong nito sa akin. “Susmaryosep, Sevie! Bakit ngayon ka lang naghuhurimintado na sumasabay ako kumain sa mga katrabaho kong lalaki? Bakit ngayon lang?! Let me remind you again. Ang mga sinasabi mong guy work mates ko ay blockmates ko na since highschool pa. Kilala ko na sila bago pa man kita nakilala. Ramsey and Joshua are my closest friends. Bakit mo sila pagdududuhan o pagseselosan? Parang mga kapatid ko na sila. Isa pa, kaibigan ko na sila bago pa kita naging jowa.” “You are telling me mas importante sila kaysa sa akin?!” kunot ang noong pabalik na bulyaw ni Sevie. “Hindi ko sinabing mas importante sila sa akin. Sa ating dalawa hindi ako ang hindi nagpahalaga sa kung ano mang meron tayo. I am not getting your line of thinking right now, Sevie. Wala ka sa lugar upang umastang nagseselos na jowa dahil kanina pa tayo nag-break up. Walang ng tayo. Please leave me now.” “Pinahalagahan naman kita. Minahal naman kita.” “Sevielle, tama na! Please. Hindi na maruruk ng aking isipan kung ano ba talaga ang gusto mong mangyari.” “I want us to still be friends,” payak at seryosong tugon ni Sevie. Nagsumamo pa ito ng makailang ulit. Pilit ako nitong niyayakap ngunit pinagtulakan ko siyang palayo. Ilang oras rin kaming sa ganoong estado hanggang sa tumalikod si Sevie at hindi na ako nilingon pa. Ang sakit na dulot ng pakikipaghiwalay ko kay Sevielle ay parang punyal na tinarak sa gitna ng aking puso. Ang sakit sakit. Binigay ko ang lahat para kay Sevie. Maliban sa hiniling niya na hindi ko pinagbigyan. Hindi ko pa kayang isuko ang Bataan. Hindi ko pa kayang ibuyangyang ang aking bandera. Ngunit hindi pala sapat na mahal ko lang siya. Dahil kailangan siguro pati katawan ko inialay ko sa kaniya. Subalit hindi ako tanga. Kung mahal niya talaga ako. Mamahalin niya kung ano ako at hindi dahil sa kong anong magpapaligaya sa p*********i niya. Umalis na rin ako sa Charlie’s Cafe matapos kaming mag-usap na nauwi sa hindi magandang hiwalayan. Hindi ako maghahabol at hindi ako magpapadala sa puwede pa kaming maging magkaibigan. Dreamesky has a point in his story. Breakup Rule # 2 is undeniably right. I am fooling myself if I agree to be on a friendzone with him. Inihanda ko na aking sarili sa mga mapunuring tao at gustong malaman ang rason ng aming hiwalayan. Ngunit wala akong katiting na balak ipaalam kanino man kahit na sa aking mga kaibigan. I will deal with my breakup by myself. I can move on. I will make myself busy. I need to be occupied the entire day, so I avoid thinking about him.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD