Chapter 9 Mag mula nung nag away kami ni Cris dahil kinausap ko yung QA nila ay hindi na nya ako kinakausap. Dagdagan pa yung galit sa akin ng magulang nya dahil daw sa pag post ko. Para bang lumakas ang loob nyang wag akong kausapin dahil alam nyang nasa side nya ang mga magulang nya. Tuwing ihahatid ko sa bahay ng magulang nya ang anak naming si King ay diretso uwi na agad ako sa aming bahay. Aasikasuhin ko lang sya para makapag meryenda at tutulungan sa home work nya ay nagpapaalam na agad ako sa lolo at lola nya. Hindi ako kinakausap ng parents nya. Ayaw ko ding pag usapan ang tungkol sa naging reaksiyon nila sa pag post ko dahil masama ang loob ko na sa akin pa talaga sila nagalit. Sobrang apektado na ako sa nangyayari sa amin ni Cris. Kahit sa trabaho ay bigla na lang akong n

