Chapter 18 "Pa, tatay ko nga po pala, si Papa Eddie" pagpapakilala ni Cris sa kanyang ama. Kahit di pa kami kasal ay Mama at Papa na ang tawag nya sa magulang ko at ganun din ako sa magulang niya. "Pare, kumusta?" bati ni Papa Eddie kay Papa. "Mabuti naman pare. Halika, pasok ka." "Taga Sorsogon nga kayo pare ano? Kami naman ay Albay. Mga ilang oras byahe nyo?" "Inabot kami ng kinse oras kasi may mga nauna na sa aming hinatid. Dineretso na sa mga bahay nila. Nag van na lang kami para isahang sakay lang." "Ang akala ko pare si misis mo ang pupunta dito? Isinasama ko sana si misis ko kasi sabi ni Cris ay dumating ka nga daw kaso marami pa kasing ginagawa." "Ayos lang pare. Si misis talaga dapat ang pupunta dito kaso may mga inaasikaso pa sa amin." Habang nakikinig ako sa usap

