Chapter 45 Ngayon ko na gagawin iyong ritwal na sinasabi ni King Azrael. Kailangan kong patayin ang tribo na nainirahan doon at nakawin ang korona ng kanilang pinuno. Hinanda ko na ang aking mga armas at ang mga kakailanganin ko sa pag-akyat ko sa bundok. Wala naman palang daan doon sa Bundok Lacresia. Isa ito sa mga bundok na kailangan mo pang akyatin. Pagkalabas ko ng aking kwarto ay naghihintay doon sa akin ang reyna. Ayoko mang aminin ay umaasa pa rin ako. Umaasa ako na sabihin niyang mag-aalala siya sa akin. Gusto kong marinig mula sa kaniyang bibig na mamimiss niya ako. O kaya kahit simpleng 'Anak, mag-iingat ka'. Lumapit siya sa akin. Rinig na rinig ko ang malakas na kabog ng aking puso. "Hazel," pagsisimula niya. Pinagpapawisan ang aking mga palad dahil sa pananabik. "kumuha k

