Chapter 28 Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin nakikita si Damien simula nang eksena na ginawa ko sa harap ng kababata niya. Mag-iisang linggo na rin yun. Nilibot ko ang aking paningin sa palasyo para mahanap siya pero wala talaga siya. Eh bakit ko ba siya hinahanap? As if he mattered to me. Wala naman akong pakialam sa kaniya. "Atchi!" Biglang sulpot ni Adeline sa aking harapan. Napahinto ako sa paglalakad. Nililibot ko kasi ang palasyo. "Hi Adeline!" Sabi ko tsaka ko nilagay ang dalawa kong kamay sa kili-kili niya tapos hinagis ko siya sa ere. Tumatawa siya hanggang sa masapo ko siya at ibaba ulit sa lupa. "Ya pa! Ya pa!" Sigaw niya. "Isa pa?" Tanong ko at bago siya sumagot ay inangat ko ulit siya sa ere. Dahil nakaangat siya ay nasisilaw ako ng liwanag ng araw sa kaniyang likuran. K

