Chapter 30 Umalis ako sa palasyo na may tatlong mansanas ang bag. Nagnakaw na naman ako sa mga mansanas ni Damien na nasa lamesa sa training room. Pansin ko lang, parang dumadami yata yung mga mansanas na nandun sa basket. Baka mastumatakaw ngayon si Damien. Pagkarating ko ng aking apartment ay bumungad agad sa akin si Carlos na nakaupo sa sala. Geez! Kailan ko ba matututunang ilock ang pinto kapag umaalis ako? "Napadaan ka?" Tanong ko. Nakadekwatro siya kaya kitang kita ko ang tattoo niya sa taas ng kaniyang ankle. Lahat ng Tenebrous ay may ganoong tattoo. Sa lamesa ay nandoon ang sari't saring mga papel. "Alam kong di ka gagawa ng plano kaya ako na ang gumawa." Kumunot ang noo ko at agad lumapit sa lamesa. Dinampot ko agad ang mga papel na nandoon. Bigla akong nanigas sa binasa ko.

