Chapter 7
(I just want to remind you about your mission, girl. Tsk. Hanggang kailan mo babaliwalain yun?) Halata ang pagkairita sa boses pero napakasopistikada pa rin ng tono niya.
"I said I'm working on it. Kailangan ko pa bang ulit-ulitin?"
(Huwag kang bastos—)
Pinatay ko na yung tawag. Ang aga-aga sinisira ang araw ko. Bumaba na ako sa aking apartment. Sa baba lang nito ay nandoon na ang pwesto ng flower shop ni Auntie Lyn. Iisa lang ang building namin.
"Hi Auntie Lyn!"
Inayos niya yung suot niyang salamin. Binigyan niya ko nang mapanuksong ngiti.
"May naghahanap sa'yo kanina, Ineng. Sabi niya babalik siya dito."
Bigla akong nanigas sa kinatatayuan ko at nawala ang ngiti ko.
"Po?"
"Oo sabi niya babalik—Sandali papasok na yata—"
"Auntie Lyn, sabihin mo wala ako." Bigla akong nagtago doon sa desk ni Auntie Lyn bago pa siya makaangal. Narinig ko na ang pagbukas ng pinto ng flower shop at ang mabibigat na paghakbang patungo sa pinagtataguan ko.
"Good morning Madame."
That voice. I knew it! That voice! I bit my fist to stop myself from making a sound. Gosh! I never thought Damien Ozera would be this fast!
"Good morning balong!"
"Nandito po ba si Ms. Hazy Austria?"
Magalang ang boses niya. Halatang lagi siyang pormal kapag nakikipag-usap sa mga tao. Huh! Hindi mo ako mahahanap Damien! Kala mo diyan!
"Sorry balong, sinabi kasi niya sa'kin na sabihin ko raw sa'yo na wala siya dito."
Muntikan na kong mapasigaw pero pinigilan ko ang sarili ko. Ano to, laglagan? Narinig ko ang pagtap ng daliri ni Damien sa desk na pinagtataguan ko.
"Kung ganoon, nasaan po siya ngayon? Pwede niyo bang sabihin sa akin?"
Pinagpapawisan na ako nang malamig. Napalunok na rin ako. Hindi pwede. Auntie, please. Please.
"Eh balong, Nakalimutan ko na kung saan siya pumunta eh. Gusto mo bang bumili ng mga bulaklak namin? Baka maalala ko kapag bumili ka."
Oh come on! Talk about business! Seriously?
"Okay Miss. I'll buy all the flowers you have in the shop. Now, where is she?"
Nararamdaman ko na ang pulso sa aking lalamunan. Nahihirapan na rin akong huminga sa sobrang kaba. Pumikit ako at hinintay ang susunod na sasabihin ni Auntie. Pero wala na siyang sinabi pagkatapos nun. Hindi ko minulat ang aking mga mata, naghihintay pa rin ang aking mga tainga sa susunod niyang mga salita.
"Open your eyes and let's get down to business, Ms. Austria."
Muntikan na akong mapatalon nang marinig ang boses na yun sa aking harapan. Malapit lang ang boses. Hindi ko alam kung paano niya ko nahanap! Siguro tinuro ako ni Auntie. Talk about betrayal!
I slowly opened my eyes to see Damien Ozera's face just an inch from mine. My heart was literally beating like a drum. He got that serious look on his face again. I could feel his breath on my cheek. He smelled so good. So so good. I wet my lips and forced myself to speak.
"Mr. Ozera.. Hehe?" I tried to laugh but it sounded so fake.
"You're trying to hide from me, Austria?"
I cleared my throat and tried to calm myself. Auntie Lyn was just grinning at us like an evil witch. I needed to escape. I needed to make a plan.
Nakatingin lang nang seryoso sa akin si Damien na para bang hinihintay ang sagot ko. Nakaupo ako kaya nakasquat siya sa harapan ko. Punong puno ng mga bulaklak ang buong shop kaya pasimple akong dumukot ng isang tangkay ng rosas. Inatake ko si Damien pero nalaman niya agad ito kaya tinakpan niya ng kaniyang braso ang kaniyang mukha. Nadaplisan ng tinik ang balat ng kaniyang braso at nasugatan ko siya.
That was enough distraction to escape him. I stood and ran outside the shop.
"Ms. Austria, come back!"
His voice roared all over the place. Nakuha namin ang atensyon ng mga batang naglalaro at ng mga ginang na nagsasampay ng labahan. Hindi ako huminto sa pagtakbo. Hindi ako magpapahuli sa kaniya. Bahala siya sa buhay niya.
Masbinilisan pa niya ang pagtakbo niya pero wala na akong ibibilis. Eto na ang pinakamabilis ko. Lumiko ako sa isang kanto. Malapit niya na akong maabutan. Konti na lang. Isang hakbang na lang.
"Stop now, Ms. Austria." Wala pa ring emosyon ang boses niya pero napakamaotoridad. "I will catch you. You know that, I'm a faster runner than you."
I knew that. And I hated that I knew that! He would catch me, no matter what I did. No matter how many times I hid from him, he would find me and he would catch me.
Parang hulog sa langit nang dumaan ang motorsiklo ni Uncle Nestor. Tumalon ako doon at napakapit ako sa bubong. Ang mga paa ko naman ay nakatapak doon sa stainless na nasa taas ng gulong. Sumasampal ang hangin sa aking pisngi. Umaalon din ang itim na itim kong buhok. Napapapikit pa ako dahil tumatama ang aking bangs sa aking mga mata.
"Bilis Uncle Nestor!"
Nagulat siya nang makita ako pero hindi niya hininto ang pagmamaneho. Sanay na siya sa'kin.
"Sumabit ka na namang bata ka! Sabi nang delikado yan!"
"I am danger myself, Uncle Nestor." I said with a fancy tone.
Muli akong lumingon sa direksyon ni Damien. Nakatayo pa rin siya doon at masama ang tingin sa akin. Nakahalukipkip siya. Malayo na rin ang distansya ko sa kaniya. Di ko napigilang tumawa.
"Tired of chasing me, darling!?" I shouted and I winked at him. Oh.. this was so much fun!
~~~~~
Pagkauwi ko ng aking apartment ay nilock ko agad ang aking pinto. Nang nadaanan ko pa si Auntie Lyn kanina ay kinindatan niya ko.
Being chased by Damien Ozera was so much fun! I giggled remembering the irritated look on his face when I escaped him. That was priceless!
I laid on my bed, I was so tired! I admit, it was fun being chased by Damien, but it was no longer fun if I got caught by him. I knew I was the one who looked for him. I knew I forced him to make me pay.
But being his spy? Ha-ha. No thanks.
Nanatili akong nakahiga sa kama hanggang sa maggabi na. Wala akong trabaho sa flower shop ngayon dahil binili naman ni Damien ang lahat ng mga bulaklak. Siguro ay idodonate na lang ni Damien ang mga bulaklak sa Safronov dahil ang raming bulaklak sa palasyo nila.
May unknown number na tumatawag sa cellphone ko. Agad ko itong sinagot dahil baka isa lang ito sa mga minions.
"Yow. Wazzup?"
"Not yet tired of chasing you."
Namatay na agad ang tawag na hindi pa man natatapos magproseso sa utak ko ang sinabi ng boses na iyon. Not yet tired of chasing you. My knees trembled. That smooth and rich manly voice. I knew only one man who owned that kind of voice. Oh gosh. How did he know my number?
Oh, right. He was the pier agent of Safronov and all!
Muli na naman siyang tumawag. Papatayin ko sana iyon pero nagkamali ako ng pindot kaya nasagot ko. Urgh!
"I'll be in front of your apartment in thirty minutes."
Yun lang ang sinabi niya at pinatay niya na ang tawag. Natataranta kong dinial ang number ni Carlos. No. Hindi niya ko pwedeng maabutan. I was not facing his gorgeous face! Not again!
Ilang ring pa bago sumagot si Carlos. "Carlos, what took you so long!?"
"Sorry, I'm prepping to party tonight."
My eyes lit up when I heard the word 'party'. It had been so long since I attended a party. And I missed my night life so bad.
"I'm coming with you. Fetch me."
"Okay. I'll be there in thirty min—"
"No. Pwede bang pakiagahan mo? Kailangan kong makatakas agad dito sa apartment."
"Okay, coming."
Sa panahong iyon ay nakalimutan ko ang sakit ng ulo na dinudulot sa akin ni Damien. Patalon talon akong kinuha ang dress ko na may turtle neck para balot na balot ang aking leeg. This dress hugged my body to see all my curves in the right places! I also wore my high heels. This would be a perfect night. No Damien Ozera. No mission. Just a long night party!
Narinig ko na ang pagbusina ng kotse ni Carlos. Malawak ang ngiti kong sumakay doon.
Pagkapasok ko ng bar ay iba't ibang kulay ng ilaw agad ang sumalubong sa akin. People were getting wild on the dance floor. Some were busy drinking liquors in their tables.
Hindi ko na alam kung saan pumunta si Carlos pero dumiretso agad ako sa dance floor. I swayed my body to the beat. This was me. This was my kind of freedom. My kind of fun.
Partying all night and forgetting all my responsibilities. Laughing like an idiot and not caring for the world. I danced with a lot of strangers and I didn't mind. I was having fun!
I felt someone behind my back wrapped his arm around my waist. I slapped the arm and laughed. "Sorry, I just want to dance but I'm not here to flirt."
Instead of going away, his arm pulled me closer to his body. My back bumped on his hard chest. Warmth spread all over my body. He was behind me so I couldn't see his face. But it didn't matter. This man was testing my patience.
"Mister, I said I—"
I gasped when I felt his mouth on my ear. His breath was tickling my senses. "I told you I will catch you, Ms. Austria."