KABADO ngunit dilat matang pinuntahan ni Ivy ang address na sinabi ni Jovan sa may pulang sulat. Kung hindi siya nagkakamali ay sa may likod iyon ng simbahan kung saan nila nilibing ang binata mag ta-tatlong buwan na ang nakararaan. HIndi niya alam kung ano ang senaryong makikita niya roon. Pero hindi yun ang importante sa ngayon, kundi ang mailigtas sa pamamagitan ng pagpunta niya duon si Tales. Sakay ng isang pribadong inokyupahan niyang taxi ay tinahak nila ang daan papunta sa Santa Rosario Drive. Pagsilip niya sa may binatan ng sasakyan ay naalala pa niya ang una niyang pagpunta rito. Muling nagbalik mula sa kanyang alala ang lahat. Pakiwa niya ay nakikita niya ang kanyang sarili sa bawat sulok ng daanan duon habang panay lamang ang argumento nilang tatlo nila Karen at Tales. Napabunt

