ANIM na pulang sulat. Ito ang tamang bilang ng mga sulat na naibigay na ng isang misteryosong tao kay Ivy. Halos araw araw ay palihim nitong inilalagay ang mga pulang sulat sa ibabaw ng kanyang lamesa, nakasulat rito ang mga pagbabanta nito tungkol daw sa mga nalalaman niya. Hindi naman mawari ni Ivy kung sino ang naglalagay nun sa drawer niya, may hinala siya na tiga photograpy team lamang ito. Pero ang tanong niya sa kanyang sarili ay kung sino? maari kayang may nakakita sa kanila habang inililibing nila ang katawan ni Jovan sa may likod ng simbahan? Pero imposibleng mangyari iyon dahil natitiyak niya na wala ni kahit na sino ang naroroon nung araw na nilibing nila ito bukod sa kanilang tatlo. Siya, Si Karen at si Tales. Tumayo siya mula sa isang higanteng puno bilang set decor. Mula do

