NATAPOS na ang question and answer portion sa conference ng the red book pagkaraan ng bente minutos. Pagkatapos nun ay nanatili lamang si Professor Payne sa may kwarto nito kasama si Ivy. Kakaiba ang tingin nito sa kanya. Tila binabasa nito ang kanyang isipan. "Tigil tigilan mo nga ako sa mga tingin nayan Ivy." Sita niya dito habang naiirita. "Bakit Sir? Na guiguilty naba kayo sa mga pinag gagawa niyo?" Nagtangis naman siya sa mga tinuran nito. "Huh! Anong na guiguilty? Bakit?" "Hindi ba obvious Sir na gumagamit kayo ng ibang akda para lang sumikat. Diba plagiarism yun?" Napailing si Payne. "Pambihira ka! Bakit sa palagay mo eh gumagamit ako ng ibang akda para lamang sumikat. Ano ako may ghost writer? "Bakit sir hindi ba? Eh diba nga pati yung pangalan ninyo iniba nyo rin? Saka teka n

