Kabanata 11 "You are so lucky, Ella!" Hindi ko alam kung ilang beses na itong sinabi ni Maria Angelina, isa sa mga kaibigan namin ni Bella. Narito sila ngayon sa aming mansyon at kasama nito sina Katarina at Nathalia. Tahimik si Thalia, sa aming lima kasi na magkakaibigan ay ako ang lubos na nakakaalam kung ano ang tunay na nararamdaman nito kay Esteban. Tumikhim ako at uminom sa aking green tea, nasa veranda kami ng aming mansyon at hindi man lang sila nagpasabi na pupunta sila ngayon. Sa sobrang dami rin naming ginagawa ay hindi na kami nagkaroon ng pagkakataon na magkita-kita. "It's not still official, Angeline. They didn't announce it yet," naiinis na sagot ni Kat dahil sa paulit-ulit na pagsabi nito. Nagbuntonghininga ako. Sa nalalaman ko ngayon ay alam kong hindi na iyon magba

