Kabanata 14 Nataranta ako at mabilis na i-n-off ang cellphone ko. Nanginginig ang kamay ko habang kinukuha ang sim at mabilis itong pinutol. Nakahinga ako nang maluwag sa aking ginawa at parang may nawalang tinik sa aking lalamunan. Siguro ay nagkita na sila ni Don Herman at nasabi niya si Abella sa kanya. Tumingin-tingin ako sa aking paligid. Kinakabahan na baka malaman ni Mama na narito ako. Kapag nagkataon ay mawawala na ang katiting na tsansa ko na makawala at makaalis sa Valencia. Thank God! Sambit ko noong tinawag na ang flight namin at halos tumakbo ako palabas ng terminal na ito. Wala na akong hiniling kung hindi ang makaalis na ako ng tuluyan. Hindi ako tumitingin sa paligid at diretso ang tingin ko palabas. Nakangiti ako noong tuluyan na kaming maghimpapawid, ngunit nakakara

