Kabanata 25 "Bakit hindi mo man lang sinabi sa akin na ipapakilala mo ako sa Mama mo?" giit ko sa kanya pagpasok namin ng kotse nito. May driver ang mama nito kaya hindi ito sumabay sa amin. Nakahinga ako nang maluwag nang natapos kaming mag-dinner. Maingat ako sa bawat kilos ko ayoko na makagawa ng pagkakamali sa harapan nito. "I want to surprise you..." "Gosh! I'm more on shock. Nakakahiya!" patiling wika ko at tinakpan ang mukha ko bago tumingin sa kanya. "At least I can buy her gift or bring her something..." Ngumiti ito sa akin at napailing. Ngumuso ako sa kanya na parang natutuwa pa sa naging reaksyon ko. "So how's my mom?" nakangising tanong nito sa akin. He looks so close to his mom. Tumango ako at sinapo ang dibdib ko. "She's fine, but I feel nervous. Kung ipapakilala mo s

