Kabanata 2

2451 Words
Kabanata 2 Hindi ko mapigilang mapangiti habang pinagmamasdan ko ang reflection ko sa malaking salamin. I hate to admit it, but I feel excited! I wore my floral maxi dress, and I pony-tailed my hair. I admit that I gave extra effort to my look today. "Oh? Sa opisina ka lang ganyan ang suot mo?" kuryosong tanong ni Katya noong nakababa na ako ng hagdan. Tumikhim ako nang makita si Perla na lumabas sa dining area upang salubungin ako. "I have a lunch meeting with Mr. Montenegro," pagpapaalam ko sa kanila. Walang masyadong gagawin ngayong araw kaya hindi ako maagang bumaba at inilaan ko talaga ang oras ko upang maghanap ng susuotin. I need to buy another set of clothes, paulit-ulit na lang ang mga sinusuot ko. Seryosong tumango si Perla sa akin habang makahulugan naman ang tingin ni Katya. "Parang gusto kong makita yang Mr. Montenegro na ‘yan." Tumaas ang kaliwang kilay nito. "Ipapahatid ba kita kay, Efren?" dagdag na tanong nito sa akin, tinutukoy ang aming personal driver. Umiwas ako ng tingin at pa-simpleng sinulyapan ang aking cellphone upang hindi nito mapansin ang pagkailang ko sa kanyang nagtatanong na mga mata. Nasabi ni Alfred na susunduin niya ako rito, kaya hindi ko na kailangang magpahatid. "No, you don't have to. Pupunta rin naman siya rito para i-check ang bodega," iwas na sagot ko. "Kung gano'n, sasabihin ko kay Donya Angelita. Mukhang malapit mo nang ma-close ang deal. Kapag nagkataon, siya ang unang client niyo na nagmula sa Luzon," singit na wika ni Perla habang tumatango-tango. Umawang ang labi ko, at mabilis na umiling. "No, Perla! Let me handle this. Stop informing my mom, ako na bahala ang magsabi sa kanila. Though I am still working on our agreement, I should be the one to inform them." "Pasensya na ho, na-excite lamang ako. Nirerespeto ko po ang pasya n'yo, Señorita Rafaella." Ngumiti ako sa kanya at naglakad na palabas ng mansyon upang magtungo sa aking opisina. Alas diyes ng umaga pa lang ngunit hindi na ako mapakali. This is the first time I have agreed to someone who asked me to come out for lunch. Meron naman nag-aya noon, pero hindi naman ako makalabas. Masyadong strict sina mama at papa pagdating sa akin. Now, I have reasons to come out with him. Exactly eleven o'clock ay dumating na nga siya. He is again, wearing a black coat. I saw his amusement in his eyes when he looked at me and I smiled sweetly. He looked dashing hot on his suit, I could also smell his familiar scent. Umiwas ako ng tingin, at inilahad ang upuan sa harapan ko. "Do you want to have coffee or tea, first?" "Just you," anito sa malalim na boses. Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya, at napatingin sa kanya na nakaawang ang labi na para bang nagulat din. "I mean, I already had my coffee." Huminga ako nang malalim dahil pinipigilan ko na pala ang paghinga ko. "Uh--So, let's go?" "Yeah. Sure," sagot nito sabay tango. Bumalot ang hiya sa aking dibdib nang inilahad nito ang kamay niya patungo sa pintuan upang igiya ako palabas ng opisina. "Is it okay to have lunch with you? Hindi ka ba hahanapin sa office mo?" Sumulyap ako sa kanya habang naglalakad kami palabas ng opisina ko. "Lunch time naman. Kailangan ko rin naman kumain hindi ba?" naka-ngiting tanong ko sa kanya. "Yeah, right!" nakangiting tugon nito habang tumatango-tango. May nakahintong kulay itim na limousine sa tapat ng mansyon namin, at may isang lalaking nakaputing uniporme sa tabi nito. Wari ko'y, ang driver nito. Sumulyap ako sa kanya na nagmadali sa paglalakad upang pagbuksan ako ng pinto ng sasakyan. "Sa-Salamat," naiilang na wika ko at inalalayan pa nito akong pumasok sa loob ng limousine. Tahimik kami buong biyahe at panaka-naka ay ramdam ko ang pagsulyap nito sa akin. "Hindi ko alam na maganda pala rito," pagbabasag nito sa katahimikan. "Sobra. Our beaches are breathtakingly beautiful," ma-dramang pahayag ko at sumulyap sa kanya na nakatingin sa akin. "Really? I want to check on it too," mababang pahayag nito at matamis na ngumiti. Tumikhim ako at tumango sa kanya. Umayos ako ng upo, bago tumingin sa harapan. "Yeah, you should try to visit it before you go back to Manila." "Ikaw? Pumunta ka na ba sa Manila?" "Oo, kapag may business meeting si papa minsan sinasama nila ako." "So, are you planning to settle here in Valencia?" kuryosong tanong nito sa akin. Kumunot ang noo ko, at napahinto sa tanong nito. I never consider settling down in other places. My mom wants me to settle here. Lalo na dito na ako lumaki. "Yeah," I answered halfheartedly. "Valencia is a beautiful place," dugtong ko pa. Don't get me wrong, this place is wonderful. But I wanna see the real world too, and how to live in my own way. "You should come to Manila more often. You might enjoy exploring other places before you settle down here," mababang tonong suhestiyon nito. Ngumiti ako nang tipid sa sinabi niya, I can't say my reasons. Dahil kahit gusto ko, alam kong hindi puwede. Sooner or later, maghahanap si mama ng lalaking mapapangasawa ko. I came from an elite family that still believes in fixed marriage. Kumirot ang dibdib ko sa isipan na iyon. "Ikaw? Interesado ka ba talaga sa negosyo?" Pagbabago ng tanong kong sumulyap sa kanya. Tumikhim ito. "Sa totoo lang, pinag-aaralan ko pa. Ayoko kasi sa lahat, 'yong sumusugal ako at natatalo kalaunan. Kaya ayoko sa larangan ng negosyo. You will never tell if you lose or win if you didn't try," anito at kunot ang noong nakatingin sa 'kin. Mariin kong pinagdikit ang mga labi ko at tumango. "Then, you're trying now even if you have chances of losing?" Ngumisi ito sa 'kin, at tumango-tango. "I'm trying to win, no matter what." Makahulugan itong tumingin sa akin, ilang minuto rin kaming nagtitigan bago ako umiwas ng tingin dahil sa pagkailang. Sa isang sikat na fancy Italian restaurant kami pumunta, hindi na bago ang lugar na ito dahil isa ito sa sikat na restaurant dito sa bayan. He ordered Pasta Carbonara, Lasagna, and their famous Margherita pizza. This meal is too much for us. Naramdaman ko ang pagkalam bigla ng sikmura ko at napahinto ako nang maglagay ito sa plato niya ng pasta at lasagna. Pagkatapos ay pinagpalit nito ang plato naming dalawa. Umawang ang labi ko at kumunot ang noong sumulyap sa kanya. Hindi ito nakatingin sa akin dahil kumukuha naman ito ng para sa kanya. Tipid akong ngumiti at hinawakan ang utensils ko. My heart fluttered on what he did. He seems clueless but he’s sweet. "Salamat," hindi mapigilang sambit ko. I slowly slice on my lasagna. "What else do you usually do?" mababang tanong nito sa akin. I chewed my food and sipped on my juice before I looked at him. "Uh--Read books?" kibit-balikat na sagot ko dahil sobrang boring talaga ng buhay ko. Tumango ito sa akin. "Kapag umuwi na ang magulang mo galing vacation. Do you have more free time then?" "No, I will be busy with our business. My dad wanted me to be hands-on on this." Napahint ito nang ilang segundo bago tumango sa aking sinabi. Hindi ko naman ako puwedeng magsinungaling sa kanya dahil iyon ang totoo. Naging tahimik na kami habang kumakain. He never tries to ask again and I'm too shy to ask him. They served our dessert and I had my Pistachio Panna Cotta, while he had his Tiramisu. "What can you say about the food?" pagbabasag ko sa katahimikan, trying to be used to his presence. Tumaas ang mga sulok ng labi nito. "I was right. This restaurant served delicious Italian cuisine." Napangiti ako sa sagot nito. "Mabuti naman at nagustuhan mo." "I wanna try to visit the beaches, too. Can we go there if you have spare time?" Mariin kong pinagdikit ang labi kong tumingin sa kanya, at ibinaba ko ang kutsarang hawak ko. Sa likod ng aming mansyon ay ang malawak at magandang dagat. Lumaki kami sa tabing dagat ngunit dahil ayaw ni mama na umiitim kami, hindi ko na alam kung kailan ang huli kong paglangoy rito. Huminga ako nang malalim, ngayon ay parang gustong-gusto kong pumayag sa pag-aya nito. "Su-Sure, but I need to set date for it," nag-aalangang pahayag ko na sumulyap sa kanya. "Your parents seem so strict," pagpuna nito. Marahan akong tumango, at naningkit ang mga matang tumingin sa kanya. "Oo, sobrang strict!" "You're okay with it?" magkasalubong na kilay na tanong nito at kuryoso sa aking isasagot. Sa hindi malamang dahilan nagiging magaan ang pakiramdam ko sa kanya. Siguro, wala naman masama kung aaminin ko sa kanya ang totoo. Hindi naman din ito nakatira sa Valencia kaya hindi nito naiintindihan ang lahat. "Honestly, I'm so tired of it." Ngumisi ito sa akin. "Then, break their rule." Natawa ako sa kanyang sinabi at napailing. "Hindi 'yon madali ‘no!" "You're old enough to choose what's best for you. You should know that." Natahimik ako sa sinabi nito, ayokong bigyan ako nito ng rason upang baguhin ang prinsipyo ko sa buhay. Tama nang si Bella na lang. I can still handle my situation, nasanay na ako na ganito. Bakit ko pa iisipin na gawin ang mga bagay na gusto ko? Eversince naman ay hindi ko naman nagagawa ang mga bagay na 'yon. Ayoko na lang makipaglaban sa sarili kong kagustuhan para wala na lang gulo. Napapitlag ako nang bigla nitong hinawakan ang kanang kamay ko na nakapatong sa lamesa. "Let's go!" he snapped. Kumunot ang noo ko nang hinila nito ako patayo. Nilabas nito ang hawak niyang black card, at hinila nito ako papunta sa counter. Pagkatapos noon ay hinila nito ako palabas ng restaurant. Mabuti na lamang ay pribado ang lugar na ito. Kaya hindi kami masyadong napapansin ng mga kumakain. Kapag nagkataon ay malalagot ako kapag mayroong nakakilala sa 'kin. Hawak pa naman nito ang kamay ko. "Hey!" tawag ko sa kanya, at sinisikap na alisin ang kamay ko na hawak nito. Ngunit mas lalo lang nitong hinigpitan ang hawak niya. "You at least, inform me that we're done eating. I can walk on my own." Napapikit ako nang bigla itong humarap sa akin, at huminto sa harapan ko. Kaya bahagya akong nauntog sa matigas na dibdib nito. Naamoy ko ang pamilyar na pabango nito. Naramdaman ko ang malapad na kanang kamay niya na dumapo sa aking likuran upang hindi ako matumba. "We're going to the beach," he said in his baritone voice. He wasn't asking, it's more on a statement. Ilang segundo pa bago maproseso ng utak ko ang sinabi nito. Hindi ko mapigilang tumingin sa kanya na kunot na kunot ang noo. Umiling-iling ako habang nakaawang ang labi ko. Ngunit hinila nito ako papasok ng limousine niya. "Come on, Alfred. I can't! Hahanapin ako sa mansyon," I snapped at him. "You're with me. I will tell them that we just talk about the deal,” makulit na pahayag nito at naka-ngising aso sa aking tabi. "Ayaw mo ba?" "Tsk!" Umiling-iling ako. Kinakabahan ako sa ginagawa nito dahil baka malaman nila ‘to. Malalagot talaga ako. "It's a private resort here. No one will notice you." Napaawang ang labi kong tumingin sa kanya. "Are you sure about that?" Huminga ako nang malalim kahit anong tanggi ko inaakit nito ako. Ngayon lang naman, ita-try ko lang naman. * * * Kinse minutos mula sa bayan ay nagtungo kami sa liblib na parte ng Valencia. Hindi pa ako nakakapunta rito dahil gaya ng sabi niya kanina pribado nga ito. "Paano mo nalaman 'to?" manghang tanong ko sa kanya pagbaba namin sa hagdan upang magtungo sa isang pribadong resort. Dahil walang daan pababa rito ang mga sasakyan, kinailangan naming bumaba sa sementong hagdan patungo sa pribadong resort na tinutukoy niya. Nag-iisa lamang ito, at wala na akong nakitang ibang nakatayong resort. "I just used my access," naka-ngising wika nito. Tumaas ang kaliwang kilay ko at tuluyang naglakad pababa patungo sa malambot na buhangin. Tama nga ito, pribado ang lugar na ito dahil kami lamang dalawa ang narito at wala na akong ibang nakita. Inalis ko ang suot kong heels, at minabuti na hawakan na lamang ito. Bago tuluyang nakababa sa malambot at mainit na buhangin. "Did you come here more often?" kuryosong tanong ko dahil ang alam ko ay hindi pa ito nakakapasyal sa mga beaches dito. "One of our family friends I knew, owns this place. He told me to visit his resort. Ngayon lang ako nagkaroon ng panahon." Seryosong sagot nito, bago ako sinulyapan at ngumiti. Tumango-tango ako. At gaya ko, inalis din nito ang suot niyang sapatos. Mabuti na lamang kahit na tanghali ay hindi masyadong mainit kung saan kami nakatayo. Kita mula rito ang malinaw na tubig ng dagat at ang magandang rock formation sa hindi kalayuan. Hindi ako pamilyar sa lugar na ito, kahit na rito ako lumaki ay bilang lamang ang mga lugar na napuntahan ko na. "Naiintindihan ko na kung bakit ayaw mong umalis sa Valencia," pagbabasag nito sa katahimikan. Huminto pa ito sa paglalakad at tumingin sa kalmadong dagat sa aming harapan. Pinagmamasdan ko ang matigas na features nito na nagiging maamo sa t'wing ngumingiti ito. "This place is my home," bulong na sagot ko. Marahan itong tumango. Napahinto ako nang ibinaling niya ang kanyang tingin sa 'kin, at nag-init ang pisngi ko nang nahuli nito akong nakatingin sa kanya. Mabilis kong iniwas ang tingin ko, at nakaramdam ng hiya. "Ikaw? Sa Manila ka ba nakatira?" mabilis na tanong ko upang hindi nito mahalata ang pagkailang ko. "I grew up in Manila but we migrated to the US for a decade. We just came back," sagot nito na binalik sa harapan ang tingin nito. Napaawang ang labi ko at tumango. Hindi na ako magtataka kung bakit may pagka-slang siyang magsalita. "For good?" kuryosong tanong ko. Sumulyap ito sa akin na nakataas ang kilay. "Let's see," matigas na tugon nito sa mababang tono. Makahulugan nito akong tiningnan, at umiwas ako ng tingin sa kanya. "I'm staying in Palawan for a couple of months before I go here." Napaawang ang labi ko at namamanghang tumingin sa kanya. "Wow! Hindi pa ako nakakapunta roon. I bet, that's a cool place!" "You can come with me if you want to, I can tour you." Umiling ako nang mabilis ng maalala na hindi nga pala muna ako puwedeng umalis ngayon, at mas lalo akong hindi papayagan kapag nandito na sina mama. Kaya walang rason na umasa na mangyayari iyon lalo na at siya ang kasama ko. "Siguro." Ngumuso ako bago muling tumugon. "Kapag nagkaroon na lang ng pagkakataon." Narinig ko ang pagbuntonghininga nito. "Sure, I will wait for it."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD