Kabanata 39 Nagising ako sa tawanan ng mga tao sa baba. Iminulat ko ang mga mata ko. Mabilis kong inayos ang kumot na nakatakip sa aking katawan. Sinapo ko ang ulo ko at umiling-iling. Nilibot ko ang tingin ko sa buong silid ngunit wala ito. Huminga ako nang malalim at hindi makapaniwala na nagawa na naman namin ang bagay na 'yon. Naligo muna ako bago bumaba. Narinig ko ang pamilyar na boses ni Ate Tes. Pagbaba ko sa hagdan ay nakita ko ito na may iilang bitbit na mga buko na mukhang kakakuha lang. Gumalak ang puso ko sa tuwa nang mapagtanto na makakahingi na ako ng tulong sa kanya. Kahit man lang makagamit ng cellphone pantawag. "Oh, Ella?" magiliw na bati nito sa akin at matamis ang ngiti. "Magandang umaga ho." Tipid akong ngumiti at akmang magsasalita pa muli nang sumunod si Rage

