CHAPTER 3

2628 Words
PAKIRAMDAM NI Jhunnica ay inaalat siya nang araw na iyon.  Naiwan na siya ng coaster bus na naghahatid at nagsusundo sa mga empleyado ng Stallion Riding Club na mula sa kanilang barangay. Tatlong bus ang dumadaan sa bawat barangay sa kanila para hindi na nagko-commute ang mga tao papasok sa SRC. Hanggang labas lang kasi ng gate ng exclusive riding club na iyon ang mga public vehicles at mula sa gate na iyon, malayo-layo pa ang lalakbayin bago makarating sa pinaka-sentro mismo ng Stallion Riding Club. Kaya talagang laking pasasalamat nilang mga empleyado na may libreng service ang club sa kanila. Bukod pa sa bawas pamasahe rin iyon. At sa isa sa mga restaurant sa loob nagtatrabaho si Jhun bilang waitress.   “Nakakaiyak naman ‘to,” reklamo niya habang naglalakad sa kahabaan ng private road na iyon. “Mabuti na lang pala at parehong sinungaling si Nanay at Jonard.” Isang oras pala ang advance ng relo nila kaya ngayon ay may isang oras pa siya para makarating sa restaurant. Hindi siya mali-late kahit maglalakad lang siya ngayon. Sabi naman ng guard sa gate ay may isang bus pang hindi dumarating kaya iyon na lang daw ang hintayin niya para makisakay. Gayunman, nag-umpisa na ring maglakad si Jhun para sa kalsada na lang niya hihintayin ang pagdating ng bus. “At exercise din ‘to,” alo pa niya sa sarili “Pantagtag sa madami kong nakain kanina.” Napasarap kasi talaga ang kain niya, at hindi rin naman siya pinigilan pa ng ina at kapatid. Kaya laking tulong itong paakyat-baba na terrain ng kalsada para sa improptu exercise niya, palibhasa nasa mataas at mabundok na bahagi ng Tagaytay ang lugar na iyon.  Nakatakong pa naman siya.  Mabuti na lang at malakas at malamig ang hangin kaya hindi siya pinagpapawisan “Pero medyo sumasakit na ang paa ko, ha?” Huminto siya para lingunin ang pinanggalingan. Wala pa rin siya matanaw ni anino ng bus. “In fairness, ang tagal nya, ha?” Napadighay siya nang malakas sabay himas sa kanyang tiyan. “Hay, thank you, Lord.” May narinig siyang munting ingay at ilang sandali ay naramdaman na niya ang pagluwag ng kanyang paghinga.  “Ano iyon…?” Nakita niyang gumugulong na sa kalsada ang butones ng suot niyang palda. Natawa na lang si Jhun sa kanyang sarili.  Mukhang tama ang nanay niya na kailangan na niyang magbawas sa pagkain, ah.  Nato-torture na ang mga damit niya. She bent over to picked up her wayward button when she heard a loud screeching sound.  Nagtaka pa siya nang makita ang isang galit na galit na lalaki nang lumabas ito ng sasakyan nito.  The guy walked towards her after he banged his car’s door closed.  Hindi niya magawang kumurap man lang habang pinagmamasdan ang lalaking palapit.   Marami siyang nakikitang guwapo sa Club since it was an exclusive riding Club for men wealth.  Ngunit dalawang beses pa lang niya itong nakikita roon, at sa mga pagkakataong iyon ay laging nasa malayo lang ito.  Pero ngayon,  habang palapit ito, batid niyang isa na ito sa pinakamagandang lalaking nilalang ng Diyos sa mundo.  He was wearing a gray coat jacket over a plain white shirt, whose sleeves was peeking out of his coat’s sleeves, and faded jeans.  Casual and yet elegant.  May kahabaan ang alun-alun nitong buhok.  Nakasuot ito ng sunglasses subalit hinding-hindi pa rin matatawaran ang kaguwapuhan nito. “Ano ba sa palagay mo ang ginagawa mo?” angil nito paglapit kay Jhun.  “Hindi pasyalan ang lugar na ito, bakit pakalat-kalat ka sa kalsada?!” Nagtalsikan yata ang mga tulili niya sa sigaw nito.  “Teka lang ho.  Hindi naman ho ako namamasyal—“ “Then what the hell are you doing here?  Alam mo bang muntik na akong madisgrasya nang dahil sa iyo?  You could have killed us both because of your stupidity!” Stupidity?  Aba, sumusobra naman ang isang ito, ah!  Kinalimutan na niya ang mga napag-aralan niyang paggalang sa ibang tao dahil sa pagsigaw-sigaw nito sa kanya.   “Hindi ka ba puwedeng magsalita ng hindi sumisigaw? Hindi naman ako bingi. Maririnig kita kahit bumulong ka, okay? Hindi mo kailangang sumigaw.” “What are you…talking…” Unti-unting natigilan ang lalaki habang napapatitig na lang kay Jhun. Tila ba may kung ano itong nakitang pamilyar sa mukha niya. “You…” “Yes, Sir--” “Sssh.” Sumenyas pa ito na huwag muna siyang magsalita at patuloy lang siyang pinagmasdan. At nang tanggalin nito ang suot na sunglasses, parang si Jhun naman ang gustong mapatanga na lang dito.  Dahil kung guwapo na ito na suot ang salaming de kulay na iyon, mas lalo na nang hubarin nito iyon.  Daig pa niya ang nakakita ng artista, o kahit modelo pa nga.  Ang sarap-sarap nitong pagmasdan.  Hindi nakakasawa ang itsura na habang tinitingnan ay tila lalo pa ngang gumuguwapo sa paningin niya.   “Jhunnica Serrano,” sambit nito.  His deep voice has a tinged of sarcasm in it.  “Well, this is a nice surprise.  Hindi ko akalaing magku-krus pa ang mga landas natin, after all these years.  Tingnan mo nga naman ang pagkakataon.” “M-magkakilala tayo?”  Sa pagkakatanda niya, wala siyang kakilalang ganito kayaman o kaguwapo. Dahil sigurado siya, sa porma nito, kilos, at pananalita, miyembro ito ng Stallion Riding Club. “Hindi mo na ako natatandaan?  You’re really bad for my ego, Jhun.  Muntik na nga akong maaksidente nang dahil sa iyo, hindi mo pa ako matandaan.” “E…”  Tinitigan niya ito at hinalukay ang mga pinakatatago-tago niyang alaala.  Pero wala talaga siyang matandaan.  Sa itsura nito, imposible namang basta na lang niya ito makalimutan.  “Hindi ko talaga kayo maalala, Sir.” “What a shame.”  Mas lalo yatang naging masama ang dating ng sinabi niya rito.  He put his sunglasses back on and brushed his hair off his face.  “Mula noon hanggang ngayon, hindi ka pa rin talaga nagbabago. Masyado ka pa ring malupit, Jhunnica Serrano.” “Malupit? Ako? Bakit, anong ginawa ko sa iyo--” Napasinghap siya nang bigla na lang siya nitong yakapin at ilayo sa kalsada.  Magwawala na sana siya nang makita ang isa pang sasakyan na lumagpas sa kanila.  The driver of the sleek convertible waved as he sped away.  Narinig niyang tahimik na napamura ang lalaki bago siya muling binalingan.  Doon lang marahil na-realized ng lalaki na yakap na siya nito kaya mabilis na siya nitong binitiwan. “Huwag ka na ulit magpapakalat-kalat dito at nang hindi ka nadidisgrasya at makadisgrasya ng iba. Teka, base sa suot mo, empleyado ka sa SRC.” “Yes, Sir.” “Wala ba kayong service dito? Bakit ka naglalakad mag-isa rito?” “Naiwan ho ako ng service bus na dumadaan sa lugar namin, eh.” “Na-late ka?” Napalatak ito. “What a bad work ethic you have.” “Hindi, ah. Ngayon lang ako na-late--” “Late ka pa rin.” “May oras pa ako makarating sa Riders Verandah. At may dadaan namang isa pang service bus dito na puwede kong sakyan. Hindi ako mali-late.” “At istorbo ka rin sa mga sasakyan dito.” He slightly pushed her on the side of the road. “Dyan ka lang. Kapag humarang ka uli sa kalsada, malilintikan ka sa akin.” Iyon lang at binalikan na nito ang sasakyan at humarurot na palayo. Subalit nanatili sa kanya ang bango ng estranghero.  It was like the fresh scent of sandalwood and vintage wine.  Nakakalasing ang bango.  Pero ang sarap-sarap talaga ng singhutin.  Hindi nakakasawa ang amoy. Iyon bang tipong hahabul-habulin mo ang amoy.  At isang tao lang ang alam niyang may ganong klase ng amoy.   Back in highschool. “Eneru Villasis?”  Nakanganga na lang siya nang sundan ng tingin ang papalayong sasakyan.  “Ikaw na iyan?” Actually, kaunti lang ang naaalala niya sa binatilyong Eneru.  Even his face, she could only remembered it vaguely.  The handsome young boy who always followed her around their school.  After a while, naglaho na nang tuluyan ang alaalala ng mukha ng binatilyong iyon dahil ang nagsusumiksik na sa isip niya ay ang lalaking katatapos lang niyang maka-engkuwentro ngayon.  Kung meron mang naiwan sa alaala niya tungkol sa binatilyong iyon, iyon ay ang bango nito.  She never paid much attention to him back then because she was way too busy with her studies.  Ngunit sa tuwina, alam niyang nasa tabi lang niya ito dahil kilala niya ang amoy nito.  And she doesn’t mind having him by her side.   But when she finally took the time to looked up from her books and notepads, he was gone.  Lumayo na kasi ito sa kanya.  Nagsawa na ito sa panunuyo.  Ipinagkibit-balikat lang niya iyon noon dahil mas mahalaga sa kanya ang pag-aaral at may pangarap siyang makakuha ng academic medal kaya subsob talaga siya sa pag-aaral.  Hanggang ngayon, wala pa rin naman siyang pinagsisisihan.  Kung meron man, iyon ay pambabalewala niya rito imbes na pormal itong tanggihan noon.  Oh, well, siguro at the back of her mind, gusto rin niya ito sa kanyang tabi.  Pero mas pinili nga niya ang pag-aaral kaysa rito.   “Ganon pa rin ang amoy niya.  Walang nagbago. Amoy guwapo pa rin. Amoy macho. Amoy—ay kabayo!” Napatili siya nang magulat sa isang malakas na busina sa kanyang likuran.  Isang kotseng lightblue Audi ang nakita niya na ngayon ay nakaagapay na sa kanya.  Nang huminto siya ay huminto na rin ito.  Sumungaw ang mukha ng isang magandang babae na may balot ng banda ang ulo mula sa tinted window.  The woman looked so elegant, kaya sigurado si Jhun na isa ito sa mga guests ng Stallion Riding Club.   Lumabas ito at pinagmasdan ang kapaligiran na puro puno, clearings at ligaw na halaman.  “Where am I?  May hinahanap kasi akong lugar at ang sabi ng mga guards na napagtanungan ko doon sa gate, diretso lang daw ako.  E kanina pa ako bumibiyahe ng diretso, wala pa rin akong nakikitang Stallion Riding Club.  Peste!  Naengkanto yata ako.  I can’t find my way back.” Okay din ang isang ito.  Ni hindi man lang humingi ng paumanhin sa kanya.  Iligaw kaya niya ito nang tuluyan?   “Nandito na kayo, Ma’m,” sagot niya.  “Ito na ang Stallion Riding Club.” “Ang lugar na ‘to?”  Muli nitong inilibot ang paningin sa paligid.  “Hindi ito ang nadaanan ko nang una akong magpunta rito.  Niloloko mo ba ako?” Halimaw ang babaeng ito!  “Naku, Ma’m, hindi ho.  Talaga hong nandito na kayo sa SRC.  Baka ho sa kabilang gate kayo dumaan nung una kayong napunta rito. Dalawa ho kasi ang entrance dito.  Baka ho dun kayo sa East Gate dumaan nung nakaraan.” Saglit itong nag-isip.  Pagkatapos ay kakamot-kamot ang ulo na muling pinagmasdan ang paligid.  “Siguro nga.  Hindi ako pamilyar sa lugar na ito, eh.  Bakit mo nga pala alam iyon?  Taga-dito ka ba?” “Medyo ho.  Sa Stallion Riding Club ho ako nagtatrabaho.” “You’re working there?  Kung ganon dalhin mo ako roon.  Kailangang makita ko ang aking kapalaran.  Nami-miss ko na siya.  You know Renzell Zapanta?” “Si Sir Zell ho? Yes, Ma’m.  Member ho siya ng club.” Agad nagsalubong ang mga kilay nito.  “You know him personally?” “Bawal ho ang magkaroon ng personal acquaintance ang mga empleyado ng club sa mga miyembro niyon.” “That’s good,” anito.  “Halika na.” “Ma’m?” “Señorita ang tawag sa akin ng mga tauhan namin sa bahay.  But since you’ll take me to my Zell, I’ll let you have the priviledge to know my name.” Inilahad nito ang eleganteng kamay. “My name is Paz Dominique Moreno.” “Paz Dominique?  Ang anak ni Gov. Moreno ng Davao?”   “At nag-iisang prinsesa ng pinakamayamang angkan sa Davao.  Yes, that’s me.” Naririnig na niya ang pangalan nito sa loob ng SRC.  Sekretong usapan lang ng mga kapwa niya empleyado dahil bawal ang magtsismisan habang nasa trabaho.  Ayon sa mga naririnig niya, the woman was wrecking havoc among the female guests of the club.  Ayaw na ayaw kasi nitong malalaman na may nagkakagusto sa politician wannabe na miyembro ng club.  Paz Dominique Moreno owns Zell Zapanta, iyon na rin sa press release ng babae. “You can call me Dominique.  Let’s go.” “Pero, Ma’m, bawal ho kaming makipag-interact sa kahit na sinong miyembro o guests ng club.” “Sino ang nagpauso ng rule na iyan dito?” “Si Sir Reid ho.  ‘Yung may-ari ng—“ “Wala akong pakialam.  Babayaran ko ang galit niya.  Mayaman ako.  Kapag may nagalit sa paghahatid mo sa akin kay Zell ko, ipapatapon ko sa bunganga ng bulkang Mayon.” “Bulkang Taal lang po ang bulkan dito, Mam.” “Gusto ko ng Mayon, bakit ba? Marunong ka pa sa akin.” “Okay po.” Hindi lang ito mayaman, mahangin pa.  Iligaw ko kaya ito?  Sumunod na rin siya sa sasakyan nito.  Nasa itsura nito na mahirap ng kalabanin pa ang mga kagustuhan nito.  And anyway, at least mas maaga siyang makakarating sa Club.  Hindi na kasi niya kailangang mahintay pa ng susunod na coaster. “Are you really just an employee here?” mayamaya’y tanong nito.  “Wala sa mukha mo.” Ay, bumawi.  Sige, hindi na kita ililigaw sa mga bangin-bangin dito.  “Salamat, Ma’m.” “Kapag nagsawa ka na sa pagtatrabaho rito, tawagan mo ako.  I might need someone like you in my company.  Pero sa ngayon, kailangan ko munang makita si Zell ko.” Saludo siya sa fighting spirit nito.  “Goodluck, Ma’m.” Pero bago sila makasakay sa sasakyan ni Paz Dominique ay may dumating na isa pang kotse at huminto sa tapat nila. Isang lalaki ang sumilip sa bintana niyon. “Hi. Ito ba ang daan papuntang Stallion Riding Club?” “Yes, Sir--” Pinigilan siya ni Dominique na sumagot nagn senyasan siya nito. Ito na rin ang humarap sa bagong dating. “Member ka ba ng Stallion Riding Club?” “Ah, no. May kliyente lang akong dito gustong makipag-meeting kaya nila ako pinapunta rito.” “Who’s your client? Si Zell?” “Trigger and Jigger Samaniego.” “What’s your name?” “Zacheus Romero.” “I see. Well, naliligaw ka, Mr. Romero. Doon sa kabila ang daan papuntang SRC.” “Ma’m--” Pinigilan uli siya ni Dominique na magsalita. “Galing na ako doon,” patuloy ni Dominique sa pagbibigay ng maling instruction. “Medyo malayo ang biyahe pero diretsohin mo lang ang kalsadang iyon, makakarating ka rin sa paroroonan mo.” “Ganon ba? Sige, salamat. Ingat rin kayo sa byahe nyo.” Bumalik nga sa pinagmulang daan ang lalaki. “Mam, bakit nyo ho binigyan ng maling instruction iyon? Mukhang nagsasabi naman ho siya ng totoo na may client meeting siya kina Sir Jigger at Trigger.” Pumasok na sa driver’s seat si Dominique kaya sumakay na rin si Jhun sa passenger seat. “Anything, or anyone, na may kinalaman sa Samaniego twins, ay indication ng isang masamang premonition.” “Premonition?” “Trust me, honey. You don’t want to get involved with SRC’s notorious twins.” Binuhay na nito ang makina ng sasakyan. “I just saved that man’s ass from the evil doppelganger.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD