Chapter 7

1475 Words
uhmm Kim may nabanggit ba si Betsy sayo nung tinawagan ka niya kanina? tanong ni Bianca sa kaibigan. hmm well sabi lang niya samahan muna kita dito so naisip ko na mag one bott. na lng din tayo habang nanonood ng tv. sagot naman niya sa dalaga at agad na pumunta si Kim sa kusina para kumuha ng shot glass at naghiwa ng mga lemons. Umupo naman si Bianca sa sofa na parang matamlay,bigla niyang naalala ang nangyari sa kanya kaninang umaga at napaiyak na naman ito.Pag labas ni Kim galing sa kusina ay tiningnan ang pinapanood ng dalaga sa telebisyon sa pagtatakang umiiyak ito, hey are you okay? wala ka namang pinapanood but why are you crying? nag aalalang tanong ni Kim sa kaibigan. Agad pinunasan ni Bianca ang mga mata at inayos ang pagkakaupo nito sa sofa, uhmm wala may naalala lang ako. mahinang sagot naman nito sa binata. inilapag na ni Kim ang mga sliced lemons, iodized salt, shot glass at fish fillet sa center table at binuksan niya ang telebisyon. horror movies na lang ang panoorin natin gusto mo? alok niya sa dalaga at tumango naman ito. Nagsimula na silang manood at uminom nang biglang nag ring ang telepono, agad naman itong sinagot ni Bianca at nakausap nito si Betsy. hello Besh andiyan na ba si Kim sa bahay? bungad ng kaibigan sa telepono, ahh oo Beshy nagdala nga ito ng tequila at umiinom kami ngayon-- okay kana ba Bianca Louise? pahabol na tanong ni Betsy sa kaibigan. we'll talk about it tomorrow Beshy salamat okay lang ako, sagot naman niya kay Betsy. okay then, balik na ako sa taas ,see you tomorrow bye. Binaba na niya ang telepono at nagpatuloy silang manood ng tv habang umiinom, may problema ka ba Biankey? seryosong tanong ni Kim sa dalaga, at agad itong bumaling ng tingin sa kanya at nagulat ang binata nang bigla itong humagulgol ng iyak sa sa harapan niya. Iyon ang unang pagkakataon na nakita niyang umiyak ito ng matindi, biglang nakonsensya si Kim sa tanong nito kay Bianca at humingi ng paumanhin. uhmm sor--ry kung may nasabi akong hindi mo nagustuhan. nag aalangang paghingi ng binata ng paumanhin kay Bianca, binaling ng dalaga ang mga mata kay Kim at napayakap sa kaibigan. ang sakit sakit Kim, sobrang sakit ng nararamdaman ko dahil niloko niya ko hu--hu--hu.. hagulgol niya sa binata habang yakap siya nito , ano ba ang nangyari? andito lang ako at dadamayan kita.handa akong makinig Biankey. tanong ni Kim sa dalaga habang kinocomfort niya ito. Umayos nang upo si Bianca na tila handa na niyang pag usapan ang nangyari , s-i Zzian , may hikbing boses na simula nito sa pagkukwento , you know him right? at tumatango naman ang binata sa kanya habang nakikinig , he was my ex, the one that I only love though we separated for a long time, 8 years actually Kim! may gigil sa pag banggit niya ng salitang iyon, unexpectedly we meet again,sa araw pa mismo ng birthday ko remember? paalalang tanong ni Bianca sa binata dahil kasama din nila itong gumimik nong birthday niya. suddenly, sweet moments we spent together happened. But only for what? galit na saad nito, just to hurt me ? to make me look like a fool? kasunod ng pagsabi niya nito ay bumugso ang damdamin sa sobrang sakit na nararamdaman niya, bumuhos ang matinding luha. NILOKO NIYA KO! pasigaw na sinabi ito ng dalaga habang umiiyak sa harap ng kaibigan, Kimmy hindi ako nagmumura di ba? pero ngayon PUT*NG INA sobrang sakit ng ginawa niya. Nakita ni Kim na nasaktan nga ito ng sobra, pero hindi niya na pinatapos ang kwento ni Bianca. Sshh thats enough Bianca Cartagena , lilipas din yan at kilala kitang malakas at matapang ,huwag mong hayaan na kunin niya sayo ang tatag na yun. pagkumbinsi niya sa dalaga na patuloy pa rin sa pag iyak, halika ka na at magpahinga ihahatid na kita sa kwarto mo. Hinatid ni Kim ang kaibigan sa kwarto nito at kinumutan, tinaasan ng konti ang unan nito upang maging kumportable. Agad namang ipinikit ng dalaga ang mga mata at kasabay ng pagpikit nito ay ang pagdaloy din ng kanyang luha, pinunasan ni Kim ang pisngi ng dalaga na may bahid ng luha at tumungo na ito palabas ng kwarto. Naisip ni Kim na kaya siya siguro pinapunta ng pinsan nito ay para magkaroon ng kasama at kausap si Bianca. Inis na napailing ang binata habang pababa ng hagdan, saktong narating na niya ang huling baitang ng hagdanan ng tumunog ang door bell. Ikaw? pagkasabi niya ng salitang yun ay agad na sinuntok ni Kim si Zian, gusto kong makausap si Bianca pare , hindi na nanlaban si Zian dahil alam niyang may kasalanan siyang ginawa sa kaibigan nito kayat naiintindihan niya ang galit ng binata. wag na wag ka nang magpapakita sa kanya, hindi ka niya kailangan, Nakapamuhay siya ng masaya at maayos kahit nung mawala ka pa. Pagkasabi ni Kim kay Zian ay agad na isinarado ang pinto. Pagkasara ng pinto ay tumingin siya sa pintuan ng kwarto ng dalaga , at balak niyang wag na itong malaman ang nangyaring eksena nila ni Zian. Kinabukasan ay nagising na si Bianca, at hindi makapaniwala sa mga nangyari. Para itong nagising sa masamang panaginip, tama si Kim , matatag ako at lilipas din ito gaya ng paglipas ng walong taon na hindi ko siya nakita. pagkumbinsi at pagpapalakas niya ng loob sa sarili. Huminga ito ng malalim at bumangon na ito sa kama,pagkatayo niya ay naalala niya si Kim kaya dali dali itong bumaba at hinanap ang kaibigan. Pagtingin niya sa kusina ay nagluluto ito ng almusal, good morning Kimmy bati niya sa binata at kumuha ng malamig na tubig sa ref at uminom. Good morning Biankey, maupo kna dyan at parating na si Betsy. Pagkasabi nito ay tumunog ang door bell, speaking ....aniya ng dalaga at tumayo ito upang pagbuksan si Betsy, a--ko na lang Biankey maupo ka na lang diyan. pagmamadali ng binata na parang may hinahabol, naisip niya kasi na baka bumalik si Zian at masaktan na naman ulit ang kanyang kaibigan. Goood morning----- Bungad ni betsy pagkabukas ng pinto. Pagpasok ni Betsy sa loob ng bahay tumungo agad ito sa kusina nang maamoy niya ang matamis na aroma ng tocino. hhmm...sarap naman ng almusal natin. nakangusong bungad nito. hello ms. bianca louise cartagena , lambing na bati ni Betsy sa kaibigan at niyakap niya ito. Kain na tayo bago pa lumamig ang pagkain. ooh siya lantakan na natin yan sagot naman ni Betsy kay Kim at napangiti lng si Bianca sa kanilang dalawa. Hhmm sarap naman nito Kimmy, mukhang pwede ka nang mag asawa ,pagkasabi niya ng salitang iyon ay napatingin ito kay Bianca na para bang hindi nakakatawang biro iyon dahil sa nangyari kahapon sa kaibigan. Kinalabit ng paa ni Kim ang paa ng pinsan nito upang tumigil na sa pagsasalita at kumain na lang, pero gumanti din ito ng kalabit sa paa nito at nagkakalabitan,sa sobrang ligalig ng mga paa nila ay natamaan nila ang paa ng kanilang kaibigan. Nagkatinginan sila at sabay na lumingon ky Bianca,gulat na nakangising tingin nila sa dalaga. kayo hah! pagkasabi ni Bianca ay biglang nanahimik ang dalawa at kumain na lng. Okay na ko! seryosong sabi ng dalaga napatigil ang dalawa sa pagsubo ng pagkain sa bibig at tumingin sa dalaga. Hindi ko patitigilin ang mundo ko dahil lang sa niloko at nasaktan ako-- tama! buti naman at naisip mo yan , alam kong matalino ka friend. pagsuporta ni Betsy sa mga nasabi ng kaibigan. Salamat dahil meron akong "KAYO" nakangiti ngunit kita sa mga mata nito ang sakit na nararamdaman niya. Papasok na ako mamaya sa trabaho at balak kong mag file ng leave ng mas maaga para makauwi muna ako sa amin. Pagkasabi niya nito sa mga kaibigan ay agad ng tumayo ang dalaga at balak ihanda ang mga gamit na kanyang dadalhin pauwi ng Bicol. maiwan ko na muna kayo at may gagawin lang ako, aniya sa mga kaibigan. Hindi na sumagot ang dalawa at pinagmamasdan nila ito habang umaakyat ng hagdaan. Kinagabihan ay naghahanda na si Bianca upang pumasok sa trabaho, Kimmy andito ka pa?wala ka bang trabaho? bakit hindi ka pa umuuwi? sunud sunod na tanong ng dalaga sa kaibigan. Yaaan! yan ang kilala kong Bianca, madaldal at masayahin, puri nito sa dalaga at umiling naman ito sa kanya. Bukas na ko uuwi baka kailanganin mo pa ko pabirong banat nito kay Bianca. Kapag na approved ang leave mo uuwi ka bukas sa inyo di ba?Ooh di ba kailangan mo nga ng maghahatid sayo sa terminal nakangiting sabi nito sa dalaga. Okay sige na kailangan nga kita ,nakangiting sagot din ng dalaga sa kaibigan at agad umakyat si Bianca pra maligo at magbihis.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD