Chapter 21

1388 Words
Dont worry too much Babe, may babalikan ka naman sa Pilipinas kapag pi auwi ka heheh. biro ng binata sa dalaga. eh di mas mapapaaga ang wedding natin ayaw mo ba nun? nkangiting saad pa nito. Zian... naaasar na sagot niya, huwag ka ngang magbiro ng ganyan. dugtong pa ng dalaga. Okay okay just relax Babe Im just kidding, I miss you so much Bianca Louise! Ngumiti lang ang dalaga kay Zian at pilit na tinatago ang kilig sa sinabi ng binata.Matapos nilang mag usap ay lumabas na ng kwarto si Bianca at nadatnan ang papa ni Betsy sa may sala, hi po tito bati niya rito. hija tamang tama ang labas mo, can we talk? sure tito, tungkol po saan? sagot naman ni Bianca sa papa ng kaibigan. I asked one of my friend about your working visa application, he told me that it will take several months of processing. Paliwanag niya sa dalaga at biglang nalungkot ito sa narinig. ganun po ba tito so ano po ang ginawa ng friend mo,paano po na approved ang working visa niya? tanong ng dalaga. uhmm..my friend got married to an american citizen to have a green card, that was not easy at first but kinailangan niyang kayanin para hindi sya ma deport nung tnt pa lang siya. paliwanag niya sa dalaga at nakaramdam ito ng kaba, so you mean tito malabo po akong ma approve? kabadong tanong ng dalaga. That was before but now I dont know, not so sure but lets talk about this later when your tita Sally got home. tulalang tumango ang dalaga sa mga sinabi sa kanya ng papa ni Betsy. Nang dumating ang mama ni Betsy sa kanilang bahay ay sinalubong ito ng dalaga, hello po tita how was your day,I prepared our dinner at sigurado akong magugustuhan niyo po ang niluto ko dahil paborito po namin ito ni Betsy. nakangiting saad nito sa kanyang tita Sally at tumityempo din siya para makausap ang mama ni Betsy. wow sinigang namiss ko nga itong ulamin hija naku halika na at kumain na tayo, where's your tito Fernand? masayang ekspresyon nito sa hinanda ng dalaga para sa kanilang hapunan. uhm tita umalis po si tito,and binilin niya po na nag iwan daw po siya ng note sa roonm niyo po. sagot naman ng dalaga sa kanyang tita Sally. Ooh I see, hindi bale na at sabay na tayo kumain bago pa ito lumamig, aniya ng mama ni Betsy at kumain na silang dalawa, matapos nilang kumain ay nagtulungan silang ligpitin ang kanilang kinainan habang nag uusap tungkol sa kaibigang si Betsy, uhmm tita may gusto po sana akong itanong!? pagputol ng dalaga kanilang pinag uusapan, ano yun hija? agad namang sagot nito sa kanya. Kinausap po ako kanina ni tito Fernand tungkol po sa working visa na aapplyan ko, he told me na baka daw matagal ang process nun gaya nung sa kaibigan niya.Medyo kinakabahan po ako bka matapos na yung tourist visa ko bago lumabas ang resulta ng working visa ko. malungkot na tugon ng dalaga sa mama ni Betsy. napabuntong hininga ang kanyang tita sally at ipinaliwanag ang mga kailangan niyang gawin para maging isang green card holder at napaluha ang dalaga dahil hindi ganun kadali ang kailangan niyang gawin para makapag stay ng matagal doon. Sinabi niya sa kanyang tita Sally na engaged na siya sa lalaking mahal niya at hindi niya kayang magpakasal sa taong hindi niya mahal. I'm sorry hija but that is the last option we can choose for you if you want to stay here, if not you have to go back to the Philippines. malungkot na saad niya kay Bianca. take your time to think about it hija, I understand what you feel but that the least I could offer to help you. dagdag pa niya rito at pinagpahinga na niya ang dalaga, agad namang pumasok si Bianca sa kwarto at tinawagan ang kaibigan. Betsy...! daing niya sa kaibigan habang nag vivideo call sila, Besh alam mong hindi mo naman kailangang gawin yun di ba?sinabi na sa akin ni mama ang lahat, hindi daw ganun kadali ang pagtatrabaho diyan lalo na sa kalagayan mo, tourist visa ka lang kaya hindi ka pwedeng magtrabaho. actually nireto ka naman ni mama sa restaurant ng kaibigan niya,pero mas mababa ang offer kesa sa mga green card holder at kompleto ang mga papers.tuloy tuloy na paliwang ng kaibigan habang tulala ang kaibigan na parang nag iisip at naguguluhan. besh..? Bianca? nakikinig ka ba? "uhmm oo Beshy narinig ko lahat ng sinabi mo, nag iisip lang ako kasi gusto ko talagang makapag trabaho dito ng maayos kahit mga 3 taon lang". sagot naman niya sa kaibigan na nakasimangot at malungkot. Hoy babae wag na wag mong gagawin ang inooffer nila sayo ha?alalahanin mo si Zian, at ang pamilya mo. i-enjoy mo na lng muna ang bakasyon mo dyan at umuwi ka na lang dito, payo ng Betsy sa kaibigan. Ohh my gosh Beshy halos lahat ng ipon ko inilaan ko sa pagpunta ko rito tapos uuwi ako ng lagas ang bulsa ko? eksaheradang saad niya sa kaibigan. "Bat di mo tawagan at kausapin si Zian? ipaalam mo sa kanya ang kalagayan mo baka may iba pang paraan at malay mo siya pa ang makatulong sayo". Isa pa yan sa inaalala ko Beshy,hindi ko alam kung pano ko sisimulang sabihin sa kanya siguradong masasaktan ko siya ulit kapag tinanggap ko ang inaalok nilang tulong para makapag trabaho ako dito. aniya sa kaibigan. " exactly Beshy kaya dapat sabihin mo na habang maaga pa, dahil kapag pinasok mo yang kabaliwan mo sobra mong masasaktan si Zian lalo na ang sarili mo" paalala ni Betsy sa kaibigan at nagpaalam na ito sa kay Bianca dahil may kailangan pa siyang lakarin. Ilang saglit pa ay tumunog ulit ang kanyang laptop at nakita niyang si Zian ang tumatawag, humugot siya ng lakas ng loob para sagutin at kausapin ang binata sa gustong niyang sabihin dito. Hey Babe how are you?what took you so long answering my call? aniya sa dalaga ng nakangiti. Hi Zian Im fine ,ikaw kumusta? sagot niya sa binata. heto medyo pagod dahil kagagaling ko lang sa meeting namin ng business partner ko,blak namin magtayo ng isang bar sa Malate. Naisipan kong tawagan ka para mapawi ang pagod ko , sabay kindat niya sa dalaga pagkasabi nito. Ikaw Babe kamusta? Nag apply ka na ba ng working visa? tanong niya sa dalaga at kinabahan si Bianca at nagdalawang isip na wag na munang banggitin sa binata ang kanyang kalagayan dahil nakita niyang masaya ito at naglalambing sa kanya. Uhmm..not yet Zian, hindi pa kasi ako nakakalabas pero pupunta na ko ng embassy the day after tomorrow,babalitaan agad kita. tugon niya sa binata at iniba na nito ang kanilang pinag uusapan. Masaya siya sa mga plano niyang makapag trabaho pero kinakabahan siya sa mga magiging disisyon niya lalo na at saglit lang ang panahong inaprubahan sa kanya para magbakasyon doon.Nang matapos ang pag uusap nila ng binata ay naisip niyang maglibot sa siyudad para pag isipang mabuti ang mga bagay na kailangan niyang gawin. Nagpaalam ang dalaga na lalabas ito para mamasyal at makita ang malawak at magandang pasyalan sa gabi, mangha niyang tinitingnan ang paligid. Diyos ko meron pa po kayang ibang paraan? aniya sa sarili nang maupo siya sa isang bench at nanalangin na bigyan siya ng pagkakataon na makapag trabaho doon. ang tagal kong pinangarap to tapos ngayon nandito na ko,pero hindi ko inakala na ganito kahirap ang kailangan kong gawin para makapagstay ng matagal. daing ni Bianca sa sarili at muntik na itong mapaiyak. Nagtungo ang dalaga sa isang bar para makapag unwind, umorder siya ng isang bote nang biglang may lumapit sa kanyang pinoy din at nais makipagkilala sa kababayan. Hi miss, you're a Filipina, am I right? bungad ng binata kay Bianca habang nakaupo siya sa bartender desk ng bar na pinasukan niya. uhm yes Im a Filipina. pilit na ngiting sagot nito sa binata. By the way I'm Albert , and you are? sabay kinamayan ang dalaga at tinanong ang pangalan nito. I'm Bianca , sagot naman nito sa bago niyang kakilala, mind if I seat here? magalang na tanong ni Albert sa dalaga. No it's okay, I won't stay long. sagot ng dalaga sa lalaking nagpakilala sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD