CANDICE POV Masakit ang ulo kong bumangon, ramdam ko ang pagpintig ng sintido ko dahil sa hang over. Bakit ba naman kasi nag-inom ako ng ganun karami? What the hell Candice?! Umupo ako sa kama ko at isinandal ang likod ko sa headboard. Inaalala kung ano bang nagawa ko o nangyari kagabi? Huli ko na lamang matandaan ay ang magsayaw kaming dalawa ni Grace sa dance floor. Napahawak na lamang ako sa ulo ko. “Ano ba talagang nangyari?” pilit kong inaalala dahil baka may mga kalokohan akong ginawa lalo na at nandun pa si Liam. Ano ba kasing nakain nun? Napakabusy niya na ngang tao may oras pa pala siya sa ganung klase ng lugar. Tumayo na lamang ako para makapagkape at mainitan ang sikmura ko. Ramdam ko pa rin talaga ang tama ng alak sa katawan ko. Mabuti na lamang at wala kaming pasok ngayon

