Sinubukan kong habulin si Candice pero hindi ko na siya naabutan. Hinihintay kong muling bumukas ang elevator. Alam kong may problema, dala dala niya ang gamit niya at sigurado akong hindi lang siya basta umalis. Tiningnan ko ang number sa itaas ng elevator at ng bubukas na ito ay papasok na sana ako ng muli akong napaatras, gulat ko pang nakita ang mga major shareholders ng kompanya kaya yumuko ako para magbigay galang. “Glad that your here Mr. Gozon. Follow us in the conference hall.” Saad ni Mr. Vera. Kunot noo kong tiningnan si Lyra na kasama nila, seryoso silang kausapin ang mga shareholders ng kompanya? Kung kailan nasa itaas na kami ay saka nila naisipang bawiin ang lahat ng dahil lang sa hindi ko pagpayag ko sa kasal? Hindi ko na nagawang sundan pa si Candice dahil sila na ang
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


