Jennie Pov.
Nandito ako ngayon sa tapat ng bahay ng kuya ng Dom na yon, kaylangan may gawin ako para sa kaibigan ko, hindi ako papayag na may gawin siyang hindi maganda sa baby, baka mamaya sa sobrang pagka stress maisipan niya pang magpatiwakal na lang.
Flashback.
bestie,,,, niyakap niya ako habang umiiyak siya, at niyakap ko din siya pabalik habang hinahagod ko Ang kanyang likod, at pilit siyang pinapakalma,
hindi ko na talaga alam kong anong gagawin ko hirap na hirap na ako mag isip minsan nga parang gusto ko na lang magpakamatay,
Bestie yan Ang huwag na huwag mong gagawin, bakit hindi mo na lang subukan na sabihin sa kanya ang kalagayan mo, anong malay mo baka gusto niya rin ang pagkakaroon ng anak sayo, baka pag nalaman niya na magkakaanak na kayo e magbago Ang isip niya,
kumalas ako sa pagkayakap niya sa akin at bahagyang ngumiti sa akin, paano ko Sasabihin sa kanya e wala naman siya dito,
and do you think na gusto niya ang magkaroon ng anak sa akin,diba hindi nga niya ako gusto,isa pa siya ang nagsabi na ang nangyari sa amin ay wala lang at Isang malaking pagkakamali lang yon,at hindi mababago Ang isip niya dahil lang sa pagkakaroon niya ng anak sa akin, baka itanggi niya pang sa kanya to e,
dahil alam at ramdam ko kung gaano niya kamahal si Elsie,
hindi mo pa nga alam kung anong maging disesyon niya pinangungunahan mo agad ang mga posibelidad na mangyari,
hindi ko kaylangan sabihin sa kanya ito, dahil alam kong hindi siya interesado dito,magiging mesirable lang Ang buhay namin ng anak ko sa kanya,
Bestie subukan mo lang naman, kung talagang ayaw niya e huwag na nating ipagpilitan pa sa kanya
End of the flashback
Ayon nakita din kita,
Dom,,,,,,,
tawag ko sa pangalan niya,
Agad din naman siyang lumingon sa gawi ko, marahil nagtataka siya kung bakit alam kong nandito siya,
Pwide ba tayong mag usap,? aniko,
Hmm Oo naman, aniya,
Tungkol ba saan yan,? Tanong niya na may pagkairita,
tungkol sa kaybigan ko, sagot ko, nagulat siya sa sinabi ko,
paano mo nalaman na nandito ako, pagiiba niya ng usapan,
Nakita kita kanina,nong pumunta ako sa tindahan para bumili ng gustong kainin ng Kaybigan ko,
Akala ko nga namamalik mata lang ako kanina, piro ngayon nasiguro ko na na ikaw talaga Ang nakita ng mga mata ko,
Diretsahin mo na lang ako,ano bang pakay mo sa akin? sarkastikong tugon niya sa akin,
Actually naglakas loob lang akong pumunta dito para lang sabihin sayo ito, hindi ko alam kong interesado ka sa Sasabihin ko, sigurado akong magagalit siya sa akin kapag nalaman niyang ako Ang nagsabi sayo nito, piro hindi ko na inaalala iyon dahil Ang importante para sa akin ngayon ay ang mailigtas sila.
napansin kong biglang kumunot Ang noo niya,
Sila?".......... tipid niyang sagot ng may pagtataka,
Nagulat ka ba sa sinabi ko? tanong ko sa kanya,
Yes,, Sila,,,
Pwide ba diretsahin mo na lang ak..,...
Hindi ko na siya pinatapos sa Sasabihin niya ng magsalita Ako
buntis ang Kaybigan ko Dom, at kaylangan mo siyang panagutan,
Natutop siya sa kinatatayuan niya, sa tingin ko talagang nagulat siya sa nalaman niya,
Alam mo ayaw niya itong sabihin pa sayo, dahil natatakot siya na baka hindi mo matanggap ang bata, ayaw niyang ipagpilitan Ang sarili niya sayo dahil alam niya kung sino talaga ang mahal mo, natatakot ako sa pwedi niyang gawin sa bata, lalo na ngayon na nahahalata na siya ng nanay niya sa tingin mo sinong babaeng nabuntisan lang ng lalaking walang nararamdaman para sa kanya Ang hindi makaranas ng ganoong pagka stress, alam mo kanina balisang balisa
siya hindi alam kung anong gagawin, mayron yong iisipin niyang maglayas, magpakamatay, at ang masakit pa don ay Ang isipin niyang ipalaglag Ang baby, napakalakas ang boses ko sa huling salitang binanggit ko, habang nangingilid na Ang mga luhang kanina ko pa Pinipigilan,
kaya naman lumabas Ang mga taong naroroon sa loob ng bahay ng kuya ni Dom, sa lakas ng boses kong pinakawalan kanina,
Ang batang walang kamuwang- muwang ang nagsasacrifice ng lahat ng ito, hindi ba kayo naaawa sa kanya, Oo nabuo siya sa isang pagkakamali na kayo rin ang may gawa,.
lumakas ulit ang boses ko sa huling salitang binitawan ko,
Napahagugul ako ng iyak sa sobrang pagkaawa ko sa kaybigan ko,lalo na sa baby
Alam mo awang awa ako sa kaybigan ko,kung may magagawa lang Ako para sa kanya gagawin ko, ang dami niya pang mga pangarap sa Buhay piro lahat ng yon ay naglaho na lang parang bula, ng dahil sa responsibelidad na nakaatang sa kanya ngayon, tuloy-tuloy lang Ako sa pag iyak habang sinasabi ito sa kaharap Kong si Dom,
hindi ko alam kong kaya niya itong lampasan, sobra-sobra na ang sakit na nararamdaman niya magmula ng makilala ka niya, kaya nga hindi siya nag alinlangan na ibigay sayo ang lahat sa buhay niya Ang buong pagkatao niya, dahil sa sobrang pagmamahal niya sayo, saksi ako sa kahibangan niya sayo, hindi ko nga alam sa kaybigan Kong yon, marami namang nanliligaw sa kanya sa school na higit pa sa sayo, piro ang palagi niyang sinasabi wala siyang magagawa dahil hindi sila ang itinitibok ng puso niya,
Matalino naman siya, top 1 nga sa klase namin e, piro pag dating sayo ang napaka bobo,
Pinunasan ko ang mga luhang bumagsak sa aking pisngi gamit ang aking mga kamay,
Pag isipan mo itong mabuti Dom,
May pagkakataon ka pa para mag isip baka bukas malalaman na ng parents niya ang tungkol sa ipinagbubuntis niya, alam kong mahirap ito para sa sayo,kaya kaylangan mong magdesisyon para dito,
sa ngayon doon ko muna pinatulog sa Bahay si Lyn para iwas imbestiga,
nagsinungaling lang Ako kina antie na may tataposin kaming project at ipapasa ito agad sa Monday,
Alis na Ako,,, pagpapaalam ko at lumingon sa gawi ng kuya at hipag niya, nginitiian ko lang sila ng mapait na ngiti at tuluyan ng umalis,