Chapter 22

1455 Words
Dominick's Pov. Sa sobrang galit at inis ko ay pinagtatapon ko ang anomang bagay na makita ko dito sa loob ng bahay, at pinagsusuntok ang dingding, napasalampak akong bigla sa sahig ng unti-unti Kong naramdaman ang kirot at hapdi sa sugat mula sa aking kamao, hinayaan ko lang itong kumalat sa sahig, At hindi na ito binigyan ng pansin, kahit na ramdam ko ang mainit na dugong umaagos sa aking kamay, ay hindi ko ito ininda, mas masakit para sa akin ang ginawa niya, wala man siyang sinabi sa akin na gusto o ayaw niya, ay ramdam kong hindi ako ang pipiliin niya, sana man lang kahit minsan, kahit ngayon lang ay ako naman ang piliin mo, wala na akong pakialam kung may makarinig man sa pagwawala ko, ang mahalaga ay mailabas ko Ang sama ng loob ko ngayon, Ahhhhhhhhhh........ Babe,,,, sigaw ko, habang umiiyak, at sinasambit ang pangalan niya, Lyn!, Babe!, Mahal ko!, Hindi ko kaya!! Sobrang sakit nito babe, tawag ko dito kahit na alam kong hindi niya ako naririnig. walang kwenta ang buhay ko kung mawawala ka sa akin,,, hindi ko ito kakayanin, Marghielyn's Pov. Isang pamilyar na silid ang namulatan ng aking mga mata, paano ako nakarating dito? anong nangyari? Aniko sa aking sarili, Pilit kong inalala ang mga nangyari, at ng maalala ay nanumbalik din Ang pamilyar na sakit sa dibdib ko, Gusto kong isipin na Isang masamang panaginip lang ang lahat, na may mali sa mga naririnig ko, pero hindi e, ramdam ko ang sakit,! sakit na unti-unting dinudurog ang puso ko, nong makita ko sa mga mata niya ang lungkot at sakit, sa pangalawang pagkakataon ay nasaktan ko ulit ang damdamin namin pareho, sa alaalang doon ulit dumaloy Ang luha sa aking pisngi, sapo ang aking dibdib, mariin kong ipinikit ang aking mata, para damhin ang sakit dito, habang ramdam kong nag uunahan na naman sa pagpatak ang aking mga luha sa aking mga mata. at bahagya akong tumingala para mawala ito, ngunit kahit na anong gawin ko, sadyang madaya ang mga ito, lalo lang naging malala ang sitwasyon, napahagulgul na ako ng tuluyan, at hindi na nakayanan pang pigilan ito, hinayaan ko na lamang itong bamagsak, at sa huli ay nagawa ko paring pakalmahin ang aking sarili, Bestie!!, Agad akong napatalikod at nagmamadaling punasan ang aking pisngi, Finally!! you're awake. Bakas sa boses nito ang pag alala. Best, anong nangyari?, Panimula nito, naabutan ka namin sa loob ng klassroom na walang malay, nag away ba kayo ni Dom,? Sunod-sunod nitong tanong, Napailing ako, at pilit na ngumiti para mawala ang pag alala niya, Hindi ah,, hindi naman kami nag away,, saka wala namang dahilan para mag away kami,. Nakangiti kong tugon ko, Kung hindi kayo nag away, bakit wala siya sa room ng pumasok kami,? Nagtataka nitong tanong at tumingin sa akin na siya namang ikinaiwas ko tingin sa kanya, Wait!,, Are you crying?,, tumingin siya sa akin, hinawakan niya ang aking pisngi at bahagya nitong itiningala, Bestie anong problema?, Umiling lang ako, wala 'to bestie I'm okey, aniko No!, Bestie,, I know, you have a problem,. Sabihin mo na?, Please!!, anito Ahhm,, Best ano bang ganap sa school ngayon, pag iiba ko ng usapan, para hindi na siya mangungulit pa tungkol sa pinagdadaanan kong sakit, Halika, punta tayo doon, akma na sana akong tatayo ng hawakan nito ang kamay ko, Bestie, not now, anito sa malambing na boses,, sabay buntong hininga nito, By the way,, may graduation party daw pala tayo bukas ng gabi, para daw 'yon mga gagraduate, Talaga!, Saan naman gaganapin 'yang party na Yan, Sa loob mismo ng compound ng school gaganapin ang party, Nga pala best!, Anong napag usapan ninyong dalawa ni Dom?, para bukas ng gabi, nasabi niya ba sayo ang plano nilang pag alis natin, Bakit,? Nakapag desisyon kana bang sumama sa kanya?, Oo bestie, kaylangan kong sumama sa kanya, tulad mo, ayaw din sa kanya ng mga magulang ko, kaya kahit na ipaglaban ko siya sa parents ko, alam kong talo pa rin ako, kaya ano pang dahilan para hindi ako sumama sa kanya, Mahal naman namin ang isat-isa alam kong hindi niya ako pababayaan, at saka isa pa buntis ako bestie, masaya nitong saad sa akin na nakangiti. Talaga bestie, wow,,!! congrats best, Saka ko siya niyakap, ng mahigit, mamimiss kita, Teka Bestie,,!! sabay bitaw nito sa pagkakayakap ko sa kanya, Hindi ka sasama sa kanya? Umiling ako, dahilan para mamilog Ang mga nito sa pagtataka, But why best?, Hindi ko pa kayang Iwan Ang pamilya ko, may mga pangarap pa akong gustong maabot, isang pangarap ng magulang ko para sa akin., Niyakap niya ako ulit, at bumitaw din kalaunan, pero anong mangyayari sa relationship niyo? Tulad parin ba ng dati?, Anong pinag usapan niyo,? Umiling ako, Ewan best, hindi ko rin alam, sagot ko, Sinabi niya lang sa akin na, darating man ako o hindi, maghihintay parin siya, kung saan ang napag usapan na magkikita-kita tayo, So nakapag desisyon kana?, Tanong nito, Tumango lang ako, bilang tugon sa tanong niya, at pilit na ngumiti, ayaw kong mag alala siya para sa akin, Pero best alam kong hindi ito ang gusto mong mangyari, Tama ba?, Tumango ulit ako, dahil hindi ko magawang magsalita pagkatapos nang lahat ng mga nangyari sa pagitan ng pag uusap naming dalawa, Bestie baka pweding pag usapan niyo ulit ito, No bestie, nakapag deside na ako, kung kami ang itinadhana para sa isat-isa, gagawa ng paraan Ang tadhana para magkita at magtagpo kaming muli, Pero kung hindi man siya Ang nakatadhana para sa akin, sinisugarado kong hindi na muling mabubuksan ang puso ko sa iba, hindi na ito muling titibok kahit na Kaylan, aniko kasabay ng mga luhang unti-unti na namang bumagsak, Bestie, I know you, you are a strong woman, but you are weak because of him. Tuluyan na akong nanghina sa pagkakataong ito, unti-unti kong naramdaman ang bahagyang pag ikot sa aking paligid, Pakiramdam ko nahihilo ako sa hindi ko malaman na dahilan, Best nahihi............ Hindi ko natapos ang Sasabihin ko ng unti-unting bumalot ang kadiliman, sa aking mga mata, Ngunit Bago ako mawalan ng malay, ay narinig ko pa ang pagtawag sa akin ng best friend ko, ng bestie ********* Jennie's POV. Bestie, natatarantang tawag ko sa kanya, ngunit tuluyan na itong nawalan ng malay, at dahil nakatayo ito kanina, ay bumagsak siya sa sahig, Mabuti na lang dumating si Marvin, Love, anong nangyari,? Boses iyon ni Marvin, hindi ko namalayan na nasa tabi ko na pala siya, Love, please, tulungan mo akong ihiga siya sa kama, agad naman nitong kinuha si Lyn sa sahig At dali-dali nitong binuhat at inihiga sa kama, Anong nangyari sa kanya, pag uulit nito sa Tanong niya, Bigla na lang nawalan ng malay, aniko at umupo sa gilid ng kama kung saan ito nakahiga, at marahan kong hinawakan ang kamay niya, at tiningnan ang kanyang mukha doon ko lang napansin ang munting luhang dumaloy sa kanyang pisngi, namamaga ang gilid ng kanyang mga mata dahil sa pag iyak nito, agad ko itong pinunasan gamit ang aking daliri, Nag aalala ako para sa kanya, nasasaktan akong nakikita siyang ganito, wala man lang akong magawa para maibsan ang sakit na nararamdaman niya, alam kong mahirap ito para sa kanya, kailangan niyang esakripisyo ang pagmamahalan nilang dalawa para sa pamilya niya. Gustohin man nitong ipaglaban ang kung anong meron sila ni Dom, pero hindi nito magawa dahil iniisip niya pa rin ang pamilya nito, Kukuha lang ako ng bempo para ipunas sa kanya, nabaling ang tingin ko sa boyfriend ko, na ngayon ay papalabas na ng pinto, hindi ko man lang namalayan na nandodoon pala siya sa tabi ko, nawala sa isip ko na siya pala ang tumulong sa akin para madala sa kama Ang best friend ko, Bestie, magiging Maayos din ang lahat, aniko habang hinahaplos Ang buhok nito, kahit wala siyang malay, ay ramdam ko ang sakit at hirap na pinagdadaaanan nito ngayon, papaano siya haharap sa maraming tao bukas, bukas na ang graduation namin, Siya pa naman ang naatasan na mag speech ng minsahe para sa mga studyante at mga magulang na naroroon, baka bigla nalang ito mawalan ng malay doon, pero kampante akong matatapos ito ng maayos bukas, Here,!!, nabalik ako sa kasalukuyan nang iharap sa akin ng boyfriend ko ang palanggana na may lamang maligamgam na tubig, Salamat, wala sa sarili kong ani, at kinuha ito na hindi tumitingin sa kanya, Gagawa lang ako ng soup, para sa kanya, para paggising niya mamaya ay mainitan Ang sikmura Niya, anito, at umalis ulit, ngunit huminto siya sa may pintuan ng mag salita ulit ako, Salamat love, aniko sa mahinang boses, Bago siya tuluyang umalis, alam kong nag aalala din siya para sa kaybigan ko,
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD