Ilang beses nang tumawag si Annika sa sekretarya ni Mr. Cordero ngunit hindi ito sumasagot. Tanaw niya pa ang kanyang boss na naiinip na sa kinauupuan nito. 9am ang kanilang usapan ngunit, 10am na ay wala pa ang ka-meeting. For the last time, muling nag-dial si Annika. After 6 rings ay may sumagot. "Hello, this is Mr. Cordero's secretary. I'm sorry, that we are late, but we are almost there." "That's fine. Just tell Mr. Cordero, that Mr. Oscar Navarro is still here. Thank you." Hindi na niya hinintay ang sagot sa kabilang linya. Mabilis siyang naglakad palapit sa boss. She can see that Oscar is not in the mood. He is in his poker face. "Sir, malapit na raw po sila," mahinahon niyang sabi. Tumango lamang si Oscar na halata mong nagpipigil ng galit. She sat down facing him. Busy

