PAGSISIMULA NG PLANO

1462 Words
KINABUKASAN... Naghahanda na si Evon para sa unang araw na pagbabalik niya sa Paterson Enterprise, bilang shareholders. Suot niya ang itim na blazer na hapit sa kaniyang baywang at above the knee na palda na hapit rin sa kaniyang hita ay pinarisan niya ng itim na sapatos na may 5 inches ang takong. Paglabas niya sa kaniyang condo ay dumiretso siya sa parking area kung saan nakaparada ang bagong kotse na gagamitin niya. Pasakay na siya sa kotse nang tumawag si Alex sa kaniya. "Yes, Alex?" bungad niya nang masagot ito. "I'm on my way. Ikaw?" tanong nito. Papunta na rin. See you there," saad niya. "Sige, bye." Pinatay na nito ang tawag. Pinaandar naman niya ang kaniyang kotse at umalis. Sa biyahe pa lang ay iniisip na ni Evon kung paano harapin ang mga taong may utang sa kaniya. Pero hindi siya dapat magpakita na siya ay kinakabahan. Kailangan niyang maging taas-noo at matapang nang sa gano'n, hindi siya malagay sa alanganin na sitwasyon. Kailangan niyang mag-fucos sa plano nang sa gano'n, ay mabawi niya ang mga bagay na pagmamay-ari niya at higit sa lahat makaganti. Bawat butil ng luha na nasayang ay ibabalik niya sa mga taong iyon. Ang sakit na hindi na kailanman nawala at ang sugat na kailanman ay hindi na gumagaling at sariwang-sariwa pa rin, ay ibabalik niya sa kanila. Alam niyang matindi ang kaniyang kahaharapin, pero wala siyang pakialam, dahil karapatan niyang bawiin ang mga bagay na inagaw sa kaniya. Maging ang kaligayahan na matagal nang nawala sa buo niyang pagkatao. Pagdating niya sa tapat ng kompanya at sinuot niya ang sunglasses na itim at bumaba bitbit ang handbag. Nakalugay lang ang maalon at mahaba niyang buhok na kulay tsokolate. Ang mga taong nakakasalubong niya ay napapatitig sa kaniya at ang iba ay napatigil. Nagtataka at nagtatanong ang mga mata kung sino siya at ano ang kaniyang ginagawa sa kompanyang iyon. Nagkasalubong sila ni Alex at sabay nang pumasok sa elevator. "Are you ready?" tanong nito. "Of course," kalmado niyang sagot at nakangiti pa. Mayamaya ay bumukas ang elevator. Una siyang pinalabas ni Alex at nakatingin na naman ang mga empleyado sa kaniya. Dumiretso sila sa conference room kung saan naghihintay ang mga taong matagal na niyang hindi nakikita. Nauna munang pumasok si Alex sa loob, tatawagin na lamang siya nito at ipakilala. "Good morning, everyone. I'm sorry, if we are late. Everyone, I want to introduce all of you, the new shareholder in this company. Miss Evon Danielle Gonzalez." Pagpasok ni Evon ay tumigil ang oras at bumagal ang ikot ng mundo. Lahat sila ay napatigil at nakatitig sa pagpasok ng babae. Ang tanging naririnig ay ang takong nito sa bawat hakbang. Dahan-dahang tinanggal ni Evon ang kaniyang sunglasses at humarap sa lahat. "Good morning, ladies and gentlemen," aniya at matamis na nakangiti. Umayos naman ang iba sa pag-upo at pekeng umubo. Inikot niya ang kaniyang paningin at huminto ito sa dalawang tao. Pasimple siyang tumikhim at umupo sa bakanteng upuan. Nasa kabilang dulo si Marcus at si Ellie naman ay nasa tabi nito. "Welcome, to Paterson Enterprise, Miss Gonzalez," saad ni Marcus na simpleng ngumiti sa kaniya. "It's my honor, Mr. Paterson," sagot niya rito. "So, let's get back to the topic. Mr. Paterson, our company is slowly going down. Ano na ang plano mo? Wala ka man lang bang gagawin? It's been two years, since nawawala ang asawa mo, I mean, ex-wife. Hanggang ngayon ba ay, nasa stage ka pa rin pagkaguho?" sarkastikong wika ng isa sa shareholder ng kompanya. "I'm sorry, but, sinisimulan ko nang ayosin ang problemang ito. Just give me a time to fixed this," sagot ni Marcus. "Make sure, na maayos mo ito, Marcus. Paano na ang mga shares namin kung tuluyan nang bumagsak itong kompanya mo? Kung narito lang sana si Jennifer, baka siya ang katulong mo ngayon sa pag-angat nitong kompanya." Biglang natigilan si Evon inayos ang sarili. "I'm sorry, to interfere. May I ask, what is the main problem here?" tanong niya. "This company is going down, Miss Gonzalez. Kung hindi mo iyon alam," sagot ng vice president ng kompanya. "Wala man lang kayong ginawa, para mapigilan ang pagkalugi nito?" Makahulugang tanong niya. "Mayroon, pero, kung aalis ang mga nag-iinvest at hindi kumikilos ang owner ng kompanya ay, talagang malulugi ito." "How about the business partner? Wala man lang bang ginawa?" "Don't know, mukhang wala na yata. Masiyado na kasing kampante." Parinig ng isang shareholder na babae. "Anong nangyari sa 'business partnership', ninyo Mr. Paterson? It should be, the two of must do something dahil kompanya ninyo ito? Who's your business partner, anyways?" May diing tanong ni Evon na nakangiti sa harap nilang lahat. "It's, Miss Ellie Buendia," sagot ng isang lalaki. Tiningnan ni Evon ang babaeng tinuro ni Mr. Valdez. Tumayo siya at nagpalakad-lakad sa harapan ng lahat, iniisip kung ano pa ang sasabihin. "Why don't you try, na makipag-partnership sa akin, Mr. Paterson? You know, try mo lang na tumikim ng makabago, I mean, subukang makipag-partner sa iba." "No way!" Biglang singit ni Ellie na halos umuusok ang ilong sa inis. "Why not, Miss Ellie? Ayaw mo bang bumalik sa dati itong kompanyang pinaghirapan 'ninyong' dalawa? Besides, trabaho lang iyon, nothing else. P'wera na lang kung, marupok itong si Marcus." Bawat salitang binibitawan ni Evon ay may diin at kahulugan. Kita sa mga mata ni Ellie ang kaba at takot. Pumapalakpak naman sa kaniyang isipan si Evon, alam niyang madali lang paglaruan ang mga taong ito lalo na at hindi siya kilala ng mga ito. Wala silang kaalam-alam na ang kaharap nila ay walang iba kun'di si Jennifer Ramirez, na matagal nang nawawala. "Shut up, will you? Ano ba ang alam mo, Miss Gonzalez? Kaya naming ibangon ang kompanyang ito, without your help. Kung ang iniisip mo ay ang shares mo, kunin mo at umalis ka sa kompanyang ito." Huminga naman ng malalim si Evon at napangiti. "I know everything, Miss Ellie. Why so scared? I am being nice here, nag-offer pa nga ako ng help, right? Bakit ganiyan ang mga reactions mo? Wala ka bang tiwala kay Mr. Paterson? O, baka, natatakot kang maagaw siya ng iba? Hindi ba, inagaw mo rin naman siya?" Natahimik ang lahat at walang nakaimik. Bigla ay tumawa si Evon. "Just kidding. Masyado naman kayong seryoso. Cheer up," aniya at naupo. Lihim na napapangiti at natutuwa sa kaniyang pinaggagawa. "Ano sa tingin mo, Mr. Paterson? Tatanggapin mo ba ang offer ko? I can help you," Matamis siyang ngumiti rito at hinihintay ang sagot. "You don't have to accept her offer, Marcus..." "Miss Ellie, wala naman sigurong masama sa ginagawa ko. Isa pa, isipin mo, kapag tuluyan nang bumagsak itong kompanya, maraming mawawalan ng trabaho. Paano naman ang mga may shares dito sa company? Magiging selfish, ka pa rin ba, Ellie?" Tumalim ang tingin ni Ellie kay Evon. "I'll take your offer, Miss Gonzalez," singit ni Marcus. Lihim na napangiti si Evon. "What? No!" protesta ni Ellie. "Ellie, can you please, stop? This is the only way. Aaminin ko, nahihirapan ako kung paano ibalik sa dati ang kompanyang ito. Marami nang nag-alisan na empleyado. At ayokong mawala na lang ito. This is the only thing I have, at ayokong pati ito ay mawala." Natahimik ang lahat. Habang si Evon ay pasimple nilalaro ang ballpen na kaniyang hawak. "Let's set a meeting, just the two of us, Mr. Paterson. Nang mapag-usapan natin ang mga steps na dapat nating gawin." "Why not now?" singit na tanong ni Ellie. "Well, iisipin at pag-aralan ko pa kung ano ang dapat gawin, Miss Ellie. Mahirap na, baka kasi magkamali ako at iba ang magawa ko," sagot niya rito. Natapos ang meeting na iyon at nasa labas na si Evon at Alex. "Miss Gonzalez, kailangan ko nang mauna. Kanina pa kasi ako hinihintay ni Jasper," paalam nito. "Sige, thank you. Mag-iingat ka," aniya rito. Umalis na ito at mag-isa na lang siyang naglalakad. "Miss Gonzalez," tawag sa kaniya ni Marcus. Seryoso niya itong hinarap. "Yes?" aniya rito. "If you are not busy, puwede mo akong puntahan sa opisina ko. Doon tayo mag-uusap," saad nito. Gumuhit ang ngiti sa kaniyang mga labi. "Sure, no problem. Babalik ako rito bukas, may mga aayosin pa kasi ako," saad niya rito. "Okay. Anyways, thank you. Malaking utang na loob ko ito sa'yo kapag nagkataon," sabi nito. "You're welcome, Mr. Paterson. Aalis na ako, see you tomorrow," nakangiti niyang paalam rito. "Okay, take care," saad nito. Hindi na niya ito sinagot pa ay nagtuloy na sa paglalakad palabas sa kompanya. 'Magsisimula pa lang ako, Marcus.' Tiningna niya muna ang kompanya bago pumasok sa kaniyang sasakyan. Pinaandar niya ito at umalis. Gumuhit ang ngiti sa kaniyang mga labi, umaayon ang panahon sa kaniyang mga plano. "It's payback time," aniya sa sarili...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD