Tumayo siya sa pintuan ng malaking lumang bahay ni Ashton para kumatok dito. Umaga iyon, araw ng pagdeliver ng mga bagong gamit sa bahay ng lalake. Agad siyang tinawagan nito nang makatanggap ito ng text mula sa truck driver na padating na ang mga in-order na mga gamit. Tinawagan siya nito agad para siya na ang mag-guide sa mga ito kung saan ilalagay ang mga gamit para hindi na sila mahirapan sa pag-arrange kapag sila nalang ang nandoon. Hindi pa man siya kumakatok ng pagbuksan agad siya ng pintuan ng binata. Mukhang sanay na ito gamitin ang sariling wheelchair. Mabilis na ito kumilos ngayon gamit iyon. Inilibot niya ang paningin sa loob ng bahay na iyon. Sa pangalawang pagkakataon ay nakapasok ulit siya dito. At ramdam niya pa rin ang welcoming vibes nito kahit pa noon na hindi pa i

